Chapter 5:♥Buko Queen
Brian's POV
Maaga akong bumaba at nag-almusal sa baba kasi magtitinda pa ako ng 'Buko'.yung Ice Buko lang huh? Di talaga 'yung buko.
Kinuha ko sa ref 'yung mga ice candy na buko ang flavor at sinalin ito sa Jug na dadalhin ko para maibente at para may maipambaon, di naman kasi ako masyadong umaasa kila tita at tito.
Kaya naghanap ako ng pagkakakitaan ko.
Matapos kong gawin ang morning rituals ko eh, naihanda ko na yung mga dadalhin at ibebenta ko sa labas.
"Tita, Alis na po ako." Paalam ko.
"Sige, mag-iingat ka" sabi ni tita. Tumango naman ako atsaka umalis na ng bahay. Hayts! Di pa pala ako nagpapagupit! Wala kasi akong budget eh! Mahaba-haba na kaya buhok ko. Tsk!
Pagkalabas na pagkalabas ko agad kong sinigaw ang..
"BUKO!!"
"BUKO KAYO DIYAN!!"
Medyo patanghali na rin kasi nung umalis ako ng bahay. 11:00 am na ngayon at saktong mainit pa ang panahon kaya for sure maraming bibili nito kasi tag-init.
"BUKO KAYO DIYAN!" Sigaw ko pa ulit.
"ATE! ATE! BUKO KA NAMAN DIYAN OH! Baka naiinitan na yang anak mo ate!" Sabi ko kay ate na bitbit ang anak nyang siguro 9 yrs.old?
"Sige ineng!" Sabi niya. Ayt!
"Ayt! Ate. Dong na lang po! Hehe" sabi ko kay ate at sabay bigay sakanya ng buko.
"Sayang naman! Ang ganda mo sana." Sabi niya sa'kin
Nginitian ko nalang siya bilang pasasalamat dahil nakabili siya ng bukong binibenta ko. Hay! Salamat. Makakain na rin akong tanghalian
Umikot pa ako sa village na ito at nagsisigaw ng 'BUKO' . Di ako nahihiya kasi ito lang ang hanap buhay ko para matulungan sina tita.
"BUKO!! Tay! Buko kayo dyan, mainit pa naman ho ang panahon" sabi ko.
"Sige 5 nga." Sabi ni tatay. Matanda na kasi siya kaya tay ang tawag ko bakit ba? Hahaha.
"Ito po tay." Sabi ko sabay abot sakanya ng 5 ice candy flavor buko. At binigay naman niya sa'kin yung bayad.
*Clap
*Clap
*Clap
May narinig akong palakpak galing sa likuran ko. Di ko maiwasang di mapatingin. Pagtingin ko...
Si Marga..
Wattda? Andito na naman siya!?
'Eh? Tanga ka Brian! Eh village nila to eh!' Sabi ng utak ko.
Hayts!
"Isa ka na palang 'BUKO QUEEN' BWAHAHAHAHAHAHA"
Natatawa nyang sabi. Hayts! Panira mood naman toh! =_=
"Sorry Brian! I have a video na nagbebenta ka ng ganya! O gosh! Ang pangalan ng school ang madudumihan pag nalaman nilang may student na sobrang poor at nagbebenta ng buko.. Nice" pang-asar na sabi niya sa'kin .
"Wag! Margarette.. Parang-awa muna."
First time ko tong makausap na parang-awa. Kasi baka patalsikin ako ng school at baka wala na akong scholarship na matanggap. Gusto ko pa kasi mag-aral
BINABASA MO ANG
Boyish Girl Turns Into A Princess
RomanceBGTIAP♥ What if kung 'yung isang basagulera at boyish na babae eh maging princess ng campus At What if kung mainlove siya sa isang campus heartthrob? Ano kayang mangyayari kung ang isang basagulera at isang boyish na babae eh maging princess at nain...