Chapter 36:♥Her parents

2.1K 67 1
                                    

Chapter 36:♥Her parents




Leidelyn’s poV





“your parents.”







Natigilan ako. Di ako maka-galaw sa kinauupuan ko. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng marinig ko ang salitang ayaw ko na marinig simula bata pa ako.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Walang mintis. Ewan ko nasasaktan ako kahit hindi ko pa alam kung sino ang magulang ko pero nasasaktan ako.

Niyakap ko sila tita at tito. Ganun din sila. Ganito lang ang posisyon namin, nagyayakapan habang iyak pa din ng iyak. Naramdaman ko ang dalawang kamay ni tita sa magkabilang pisnge ko at pinilit na tumingin ng diretso sa mga mata niya.



“T-tita..”



Ngumiti si tita. Kahit pilit



“Mahal na mahal ka namin ng tito mo at mga pinsan mo, nak.” Humikbi si tita. Di ko maiwasang hindi mag-hagulgol.




“Tita, wag po kayong papayag na sumama po ako sakanila. Ayoko po! Wala po silang kwenta! Iniwan nila ako tapos po ano? Sandali lang po nila akong kunin? Ayaw ko po tita, tito.” pagmamaka-awa ko sakanila. Napahawak na ako sa mga kamay nila. Ngumiti sa’kin sila tita at tito at pagtapos ay tumingin sa likod ko which is kila mommy Lhane at sa kasama niyang ka-edad niya.




“Anak, sinusundo ka na nang mga magulang mo.”

Sa oras na ‘ito. Muli akong natigilan. Nagtaka.




“Ano po’ng ibig niyong sabihin?” Takhang-takha na talaga ako sa nangyayari.





“S-sila ang parents mo, nak.” Muli, umiyak na naman sila tita at tito. Di ko mapigilang hindi umiyak. Tumingin ako sa likuran ko–kila mommy Lhane at sa kasama niya.



“A-anak?” *sniff Umiiyak na din pala sila.



Di ko mapigilang hindi mapa-iyak. Nakatingin lang ako sakanila habang umiiyak. Hindi. Hindi ko na matiis ang tensyong namamagitan sa’amin.








“Sorry.”







Napatakip ako ng bibig–Iniiwasang mapa-iyak ng lubusan. I run as i could. Oo, umalis ako.


Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib. Shit! Wrong timing. Pleasee, wag mo na ngayon.


Di ko alam na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa mansyon nila Joshua. Ang boyfriend ko.

Iyak pa din ako ng iyak. Di ko namalayang nandito na talaga ako sa tapat ng mansyon nila. Imagine, ang layo ng bahay nila tita sa mansyon nila Joshua.


Gusto ko maka-usap si Joshua. Alam kong siya lang makaka-tulong sa’kin sa nararamdaman ko ngayon. Nagdoor-bell ako. Tatlong beses na pero wala pading nagbubukas ng gate. Wala bang tao dito?




*wushuuu



*wushuuu



Teka–? Umuulan? Ganito ba talaga kapait ang tadhana ko? Pati ang langit nakikisama sa pag-iyak ko. Nilalamig na ako dito. Naghanap ako ng sisilungan pero wala. Umupo nalang ako sa isang tabi–sa tapat ng mansyon pa din nila Joshua.


Nanginginig na ako sa lamig. Naka-upo ako at nakayakap ‘yung dalawang braso ko sa dalawang tuhod ko. Iyak pa din ako ng iyak. Bukod sa nalaman ko yung kanina dumagdag pa si Joshua. Almost 30 minutes na akong nasa tapat ng mansyon nila pero wala man lang aninong niya ang nakita ko.

Boyish Girl Turns Into A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon