Chapter 17:♥3rd Day of being Slave(Wallpaper)
Brian's poV
Nandito na NAMAN po ako sa mansyon nila josh. -_-
Nakaupo at nanonoud ng cinderella. Pfftt bakla ba siya? Hahahaha
Flashback
Pagkarating ko sa mansyon nila pinapunta agad ako ni manang fidel (Isa sa mga maids nila) sa taas. Sa kwarto ni josh
Malaki ang kwarto niya. May sofa pa nga eh. Anlaki pa
Pagkarating ko dun, nadatnan kong bukas ang T.V at nakita kong Cinderella ang palabas..
Tinignan ko si josh sa loob ng kwarto pero wala siya... Siguro nasa c.r
Pero natatawa talaga kasi ako. Akalain mo yun! Mahilig din pala sa Cinderella! Pfft.
End of FLASHBACK
*BEEP BEEP
Agad kong hinanap yung tumunog na 'yon.
Sa table. May cellphone, Phone siguro toh ni mokong.
Kinuha ko yung cellphone niyang nasa ibabaw ng table. Pagkakuha ko.. O.o
Wow! Ang ganda ng babae. Matanong nga toh kay mokong kung sino toh. Di kaya girlfriend niya? Nyay! Sayang yung babae kung si mokong lang pala mapupunta.
Ganda talaga! Ganda pa ng cellphone. *o*
Takte! Ayaw ma-unlock. Kasi pag-open mo pa lang sa phone niya may wallpaper agad na lalabas at kailangan ng password. -_- Tss
*screechh*
Tapos na ata si mokong! Agad kong nilagay sa table yung phone niya atsaka umayos ng upo.
“Uy.” sabi ko sakanya. Tumingin siya sa'kin
“Why?” Tanong niya. Hehe!
“May tanong lang sana ako.”
“What's that?” tanong niya sabay patuyo ng buhok niya.
“Hehehe. Sino 'yung babaeng nasa wallpa---” bago ko pa matuloy yung sasabihin ko, agad niyang pinutol yon.
“Pinakailaman mo ang cellphone ko?!” Galit na tanong niya. Kyaah!! Nakita ko lang eh. Ganda kasi.
“H-Hindi.” Nauutal kong sabi.
“Diba sabi mo nakita mo yung wallpaper ko?” tanong niya sabay tingin sa'kin ng diretso.
“O-oo. Pero di ko nga alam eh unlock 'yan eh!” sabi ko. Medyo kumalma naman siya.
“Pero sino nga 'yun? Hehehe.” pangungulit ko sakanya. Hehehe pwede ko ng ligawan yung babaeng maganda! Napakunot noo naman siya nun.
“Why?” tanong niya
“Ligawan ko sana eh.”
“......”
“Uy. Sino nga 'yun?”
“She's my ex” sabi niya sabay alis at sara ng pinto.
Eh? Naiwan akong mag-isa dito?! Di bale. Manonuod na lang ako ng mga movie dito.
Pero--Ano? Ex niya? Weh? Hahahaha di halata!
===
A/N: Hello. Chinggus ♥
~Generose_Lago♥
BINABASA MO ANG
Boyish Girl Turns Into A Princess
RomanceBGTIAP♥ What if kung 'yung isang basagulera at boyish na babae eh maging princess ng campus At What if kung mainlove siya sa isang campus heartthrob? Ano kayang mangyayari kung ang isang basagulera at isang boyish na babae eh maging princess at nain...