2

46 5 2
                                    

Sabi nila, ang unconditional love ay isang uri ng pag-ibig na napakasayang maranasan sa mundong ito. Nagmamahal ka kasi nang walang hinihinging kapalit, at kapag nakaranas ka nang ganito, isa ka na raw sa pinakamasayang taong nabubuhay. Well, lumaki akong naniniwala na nag-eexist ang unconditional love at naniniwala rin ako na sa pamamagitan nito, kaya kong baguhin ang mundo. Para sa akin, kayang baguhin nito ang madilim na bahagi ng bawat tao, kaya nitong gawing matamis ang mapait at kaya nitong gawing masaya ang malungkot.
"Krisnel, bakit ka pa nakatunganga dyan? Bilisan mo na dahil may pupuntahan pa tayong feeding program. Yari tayo kay Madam pag na-late tayo." Nagbalik sa katotohanan ang aking isip dahil sa pagpapaalala ni Faye, ang isa sa close friend ko sa aming school. Pareho kaming volunteer ng isang org sa aming paaralan na laging tumutulong sa ibang institusyon sa pamamagitan ng charity works. Sinabi ko na kanina di ba? Naniniwala ako na kaya kong baguhin ang mundo. So heto, dito ko ba nilalaan ang oras at puso ko.

"Alam mo, kawawa naman ang mga batang pupuntahan natin mamaya. Mga refugee ng giyera daw eh," sabi ni Faye habang nag-aayos ng gamit sa bag niyang dala. "Gano'n? Higit talagang kailangan nila ng tulong," pagsang-ayon ko naman.

Narating namin ang school na pagdarausan ng feeding program. Pagkatapos ng ilang oras ay natapos din at papasok na kami sa aming paaralan para sa unang klase. "Balita ko mayroon tayong classmate na anak ng politiko," wika ni Faye habang naghahanap kami ng designated room number para sa English class na nakapaskil sa bulletin board. "Ano namang bidgdeal doon Faye kung magiging kaklase natin siya?"

"Asus. Di mo ba natandaan last school year, may classmate din tayo anak din ng politiko at lahat ng pabor sa kanya binibigay ng teacher natin. Hindi nga 'yon nakakakumpleto ng attendance eh, isang beses lang sa isang linggo kung pumasok." Nakita ko siyang sumimangot. Palibhasa masyadong enthusiastic sa pag-aaral 'tong si Faye kaya masakit para sa kanya na makitang pa-easy easy lang ang kaklase namin na tinutukoy niya. Napangiti na lang ako at tinapik ang kanyang balikat. "Relax, for sure hindi na natin siya kaklase ngayon. Saka hindi ka naman nawala sa list of honor students eh," sentimyento ko naman sa kanya na ginantihan niya ng hilaw na ngiti. "At sana naman hindi na kasing-ugali noong dati nating classmate ang magiging classmate natin ngayon."

"Sana nga."


--

Isa-isang pinasadahan ko ng tingin ang bawat estudyante na pumapasok sa loob ng classroom namin. Halos bagong mukha na ang nakikita namin ni Faye. Binalingan ko siya dahil tila mapanuri ang mga titig niya sa estudyante. Tumikhim na lang ako. "Alam ko na, hinuhulaan mo kung sino dyan ang anak ng politician 'no?"

Tumirik ang mga mata niya at tinanguan ako. "Sort of."

"Bakit ba kasi iniisip mo pa 'yon? Hindi ka ba nakakaramdam ng tensyon na baka terror ang teacher natin?"

"Wala 'yon sakin."

"Kunsabagay, matalino ka naman eh."

Dumaan ang ilang minuto at halos okupado na lahat ng mga estudyante ang upuan sa classroom. Medyo nakakatuwa dahil mas maraming nagsipasok ngayong first day of school kaysa nakaraang taon. Isang upuan na lang ang bakante na pinagtuunan ng atensyon nitong si Faye.
"Mukhang ayaw nilang tumabi sa atin," bulong pa niya. "Siguro nga, mukha ba tayong weird o nangangagat?" nakangisi kong sagot. Napaangat naman ang tingin ko sa wall clock na nakasabit malapit sa aming pisara. One minute na lang, parating na ang aming guro. Impunto alas dos ng hapon siya dumating at tila inii-scan niya kaming lahat pati ang aming pagkatao. Matapos niya kaming titigan nang seryoso ay nagpakawala rin siya ng halakhak. "Seems like you're all nervous. Welcome back to school second year high students! I'm Miss Jenny, your English teacher. I'm going to call you one by one for attendance.

Inisa-isang tawagin ang aming pangalan hangga't sa tinawag niya ang pangalang "Eric Salazar" at sa unang pagkakataon ay wala kaagad na nagsabing 'present' bilang response. Nakita kong umiling si Ms. Jenny at napabulong na "kahit kailan talaga kapag rich student walang enthusiasm."

Siniko naman ako ni Faye. "Siya siguro 'yong anak ng politiko," bulong niya sa akin at pinandilatan ko naman kaagad siya upang manahimik dahil baka mahuli kaming nag-uusap sa kalagitnaan ng attendance time. Mukhang dinaanan kami ng anghel nang biglang tumahimik ang paligid. Lahat ay nakatingin sa iisang direksyon -- sa pinto ng aming classroom kung saan may lalaking nakauniporme, matangkad, proportional ang pangangatawan at napakaguwapo. Pansin kong napangiti halos lahat ng kaklase naming babae pati na rin si Faye. Ngunit ikinagulat namin na madali siyang pumasok sa classroom nang hindi man lang humihingi ng paumanhin kay Ms. Jenny. Para siyang hindi tinuruan ng magandang asal, siya na nga itong late pumasok. Siya na siguro si Eric Salazar, totoo nga ang kasabihang walang perpektong tao. Biniyayaan nga siya ng magandang itsura, hindi naman maganda ang pag-uugali niya. Naghanap siya ng bakanteng upuan hangga't sa nakita niya ang bakante sa gilid namin ni Faye. Pero imbis na pumunta doon, kinuwelyuhan pa niya ang isang lalaking kaklase namin na nasa unahan. "Doon ka! Dito ako uupo." Inginuso niya ang pwesto na malapit sa amin. Faye hissed while looking at me. "Ang yabang niya," pabulong na naman niyang komento na para bang gusto niyang tirisin ang aroganteng iyon na parang kuto. Wala namang nagawa ang isa naming kaklase kundi ang kumamot ulo at umupo sa bakanteng upuan. Nagtataka na lang kaming lahat dahil hindi man lang siya sinaway ni Ms. Jenny. Hahayaan na lang ba niyang maging bastos ang mokong na 'yon sa kanya?

Sumama lalo ang tingin ni Faye sa bagong dating na kaklase namin. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka napatay na niya ito. Muli namang ipinagpatuloy ni Ms. Jenny ang attendance.

"Gano'n lang 'yon?"

--

Hindi pa natatapos ang araw ng aming klase, umusbong na ang tsismis sa arogante naming classmate. Tama nga kami ni Faye, siya si Eric Salazar. May narinig kaming tsismis sa library na anak pala siya ng newly elected mayor sa aming lungsod. "Oh di ba? Hindi na ako nagtaka na ganyan ang ugali. Palibhasa malakas ang kinakapitan niya," nangagalaiting sabi ni Faye. Hinayaan ko siya sa paglilitanya niya dahil busy naman ako sa paghahanap ng libro para sa aming asignatura. "Hayaan mo na lang kasi, basta walang ginagawang masama sa'yo huwag mong pansinin. Kunwari hindi natin siya classmate. Kunwari 'di natin siya kilala. Masama naman 'yong huhusgahan natin siya nang gano'n," payo ko naman. Well, hindi rin naman ako interesado sa mga taong gaya niya. Mas itutuon ko na lang ang sarili ko sa mga mabubuting tao, nakaka-attract ng negative vibes ang masasamang tao at nagdudulot lang ng matinding stress sa buhay. Kaya kung gusto mong matahimik, matuto ka na lang na huwag magpaapekto sa existence nila.

"Okay, sabi mo eh."

Ginaya na lang din ako ni Faye na naghahanap ng libro. Ilang minuto pa ang nakalipas, narinig naming bumukas ang pinto sa library. Nakarinig pa kami ng sigawan at laking gulat namin, may nagsusuntukan na pala. Hindi ko naman sila kilala, puro sila kalalakihan na patpatin ang pangangatawan at isa sa kanila ang namumukhaan ko. Si Eric Salazar laban sa tatlong estudyante, napatumba niya 'yong tatlo. Naalarma kami at dahil hindi namin matagalan ang senaryo, lumabas kami ni Faye at tinawag ang librarian na nasa labas.

Akala namin ni Faye masama lang si Eric, iyon pala ay mas may isasama pa.

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon