10

34 4 3
                                    

It's already 3 in the morning. Hindi man lang bumalik ang nawalang antok ko dahil sa mga sinabi ni Eric. Sayang, pinalampas ko lang ang pagkakataon na linawin sa kanya ang lahat. Nanatili lang ang paningin ko sa regalo niya na nakatabi lang sa unan ko. Dahil hindi na rin ako makatulog, binuksan ko ang box. Unang tumabad sa akin ang postcard ng mga lugar na gusto kong puntahan. How did he know that I am fond of collecting postcards? Napangiti ako at isa-isang kinuha ang mga 'yon sa box.
At isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ko. Isang sulat na para sa akin.

"My first love". Iyon ang nabasa ko sa sobre kung saan nakapaloob ang sulat. Kinakabahan ako at napahawak sa aking dibdib nang buksan ko ang papel na nakatiklop. Isang handwritten letter, na ang penmanship ay napakalaki ng pagkakatulad kay mysterious guy na nagpadala rin ng sulat noon. Bago ko pagtuunan ng pansin ang teoryang nabubuo sa isipan ko, inuna ko munang basahin ang liham.

"During my teenage years, I met her, sa feeding program ng barangay hall. Ayaw kong magpunta doon pero napilitan ako dahil kinaladkad ako ni papa. Nangangampanya siya noon bilang mayor. During that time , I also hate my dad. Nakipaghiwalay sa kanya si mama dahil ayaw nitong sumabak siya sa politika. Nagpadala kasi siya sa mga sulsol ng kumpadre niyang may political background. Alam kong hindi siya sincere sa tungkuling nais niyang gampanan. May self-interest si papa at nagtalo sila ni Mama dahil doon. I was totally devastated that time. Nagalit ako nang husto kay papa dahil hindi man lang niya pinakinggan si Mama. Gusto ko nga siyang ipahiya noong feeding program dahil matindi ang galit ko sa kanya. Pero nakita ko ang haggard ngunit magandang mukha ng babaeng ito. Nakita ko siyang nadulas sa sahig. Pero imbis na tulungan siya ng mas nakatatanda sa kanya, pinagalitan siya at sinigawan. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang nasa barangay hall kami. Napakasipag at determinado niyang tao. Tinanong ko pa nga sa isang volunteer kung saan siya nag-aaral. Sabi ko sa sarili ko "susundan ko siya."

Pumayag si papa na mag-enroll ako sa school na pinapasukan ng babaeng nasa barangay hall. Excited na akong pumasok pero napalitan ang excitement ko ng masamang balita. Namatay si mama dahil may sakit pala siya sa puso at 'di niya pinaalam sa amin, sabi pa ng doktor lumala iyon dahil sa hinanakit niya kay papa. Tumindi ang galit ko sa sarili kong tatay. Si mama ang unang nakakaintindi sa akin pero nawala na siya. Kung sinunod lang ni papa ang gusto ni mama, kasama pa sana namin siya. Doon na ako nagsimulang magrebelde at lalong nadagdagan ang galit ko dahil si papa ang nanalo sa eleksyon. Nakuha pa niyang mag-celebrate nang husto na parang hindi kami namatayan.

I spent my time crying in my room, two weeks akong gano'n. Hangga't sa pasukan na ulit. 2nd year high school student na ako at transferee sa Achilles High. Wala pa rin akong ganang pumasok at humarap sa maraming tao. I arrived late. Pagpasok ko sa loob ng classroom, 'yong babaeng nakita ko sa feeding program ay isa pala sa mga kaklase ko. Bakante ang upuan sa tabi niya pero pinalipat ko ang isa naming classmate. Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako kahit 'di pa nga kami magkatabi. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko. Pero kahit inspired ako sa babaeng 'yon, hindi ko pa rin isinantabi ang 'revenge' na binabalak ko kay papa. I want to ruin his image. Kinilala ako ng school bilang number one troublemaker. Pero naiinis ako, laging inaareglo ni papa ang mga nagawa kong problema. Kahit ganoon, pinaparusahan niya ako. Binubugbog niya ako at kulang na lang ay bawian na ako ng hininga. Bakit hindi pa niya ako tuluyan? Manhid na ako at pagod na.

Everytime na papasok ako sa school, lagi nilang nakikita ang sugat at pasa na natamo ko sa pambubugbog ni papa at inaakala nilang nakuha ko sa pakikipagbasag-ulo. Halos lahat pinagtsi-tsismisan ako, pero 'yong babaeng inspirasyon ko -- ni minsan hindi siya nagsalita ng masama tungkol sa akin. Wala kasi siyang time na makisali sa tsismis dahil lagi siyang busy sa community service sa school at sa barangay. Wala siyang idea na nakukuha niya ang atensyon ko sa pamamagitan ng ngiting hindi nawawala sa kanyang mukha. Masyado siyang mabait at kahit pagalitan siya, hindi siya nangangatwiran. Kapag nasa classroom kami, masyado siyang seryoso sa pag-aaral. Gusto ko nang gumawa ng paraan para maka-close siya pero 'di ko alam kung paano sisimulan. Gusto ko siyang kilalanin pa dahil hindi ako kumbinsido sa mga taong nagpapakita ngkabutihan gaya nang ginagawa niya. Paniniwala ko kasi noon, isa lang 'yong kalokohan at walang gumagawa ng mabuti kung walang kapalit.

Nagkaroon kami ng group activity, sobrang saya ko dahil isa siya sa kagrupo ko. Kunwari hindi ko alam, but still she approached me. Sinungitan ko lang siya. Pinagtyagaan pa rin niya akong kausapin kahit singhal lang ang inaabot niya. May time pa nga na umiyak siya sa harapan ko. Hindi niya lang alam pero gusto ko siyang yakapin. Nasasaktan ako dahil ako ang dahilan ng pagluha niya. Lihim akong naglagay ng sulat sa libro niya at 'yon ang paraan na naisip ko para mapalapit sa kanya nang 'di niya nalalaman. Nakipag-chat siya sa akin, hindi ko pinaalam ang identity ko sa kanya. Ang unfair 'no? Napagsasabihan nga niya ako ng secrets sa pamamagitan ng chat pero hindi ko man lang masabi sa kanya kung sino ako. Ayos na siguro 'yon. Sabi niya pa, masaya raw siya sa jokes ko at sa myspace playlist ko. Gusto ko lang na masaya siya palagi kahit sa simpleng paraan. I was really determined to participate in our activity. Siya lang ang nagtiyagang magturo sa akin kahit 'di hamak namang mas matalino ang bestfriend niya na kagrupo namin. Pero isang masamang balita na naman ang dumating, may nakaalitan si papa sa politika at nalagay siya sa bingit ng kamatayan. Iyon din ang araw na ipi-prisinta na namin ang activity ng grupo. Hindi ako nakapasok kaya nagalit sa akin ang babaeng inspirasyon ko at umiyak siya ulit sa harap ko at napagtanto kong napaka-selfless niya. Hinayaan ko siyang magalit.

Nag-iwan pa ako ng mensahe sa yahoo messenger. May mga reply pa siya pero nagsabi lang ako na hindi ko na siya ich-chat. Napilitan akong lumipat sa probinsya dahil nangangamba ang ilang kamag-anak ko dahil baka may threat na sa buhay namin. Wala na akong balita sa babaeng pinaiyak ko, nami-miss ko na talaga siya. She inspired me a lot, gusto kong tumulad sa kanya na malawak ang pang-unawa, may malasakit at hindi naghihintay ng kapalit kung tumulong sa kapwa niya. Krisnel, gusto kong tumulad sa'yo kaya nag-aral akong mabuti. Nag-reflect ako sa sarili ko at nang makapagtapos ako, naging volunteer din ako.

Pinangako ko rin sa sarili na hahanapin kita ulit. Thanks kay Jax at Sena na classmates natin, naging posible ang reunion. Sorry kung 'di ko isinama ang pangalan mo sa mga taong hiningian ko ng  tawad. Wala pa akong lakas ng loob, kaya dito ko na lang idadaan -- sa sulat na lang gaya ng ginawa ko noon. Wala akong pakiaalam kung magkikita tayo ulit tapos may nagma-may ari na pala ng puso mo. Ang mahalaga, maiparating ko lang ito sa'yo. Gusto kong sabihin na mahalaga ka sakin, ayoko nang maulit ang nangyari sa parents ko na nilisan ang mundo pero hindi man lang nila nalaman na mahal ko sila.

Mahal kita, salamat dahil naranasan ko ang unconditional love na sinasabi mo."

Humigpit ang hawak ko sa liham ni Eric nang matapos ko itong basahin. Hindi ko na nga namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa aking mata dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinagdaanan niya. Nahusgahan ko siya at napagsalitaan nang masama, without hearing his explanation. Nasaktan ko si Eric nang husto. Kaya pala ganito na lang ang guilt na nararamdaman ko. At kaya pala iba ang epekto niya sa akin nang magkita kami ulit. Siya at si mysterious guy ay iisa. Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na siya pala ang mysterious guy na nagpapagaan ng loob ko. I still can't believe that Eric lead his way back to me. Kahit 'di ko mapaniwalaan ang lahat, isa lang ang sigurado ako. Mahal ko siya at kailangan naming mag-usap.

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon