4

26 5 7
                                    

"Napaaway na naman 'yang si Eric. May pasa siya sa mukha oh."
"Kaya nga, grabe at siga siga pa siya rito sa klase. Wala talagang makikipagkibigan sa kanya dahil sa ganyang attitude. Napatawag na ang tatay niyan sa guidance office pero wala rin namang epek. Kailan ba siya mawawala sa landas natin?"

During breaktime, dinig na dinig ko pa ang pag-uusap ng mga kaklase ko at tungkol na naman kay Eric. Kaya ayaw ko rin na absent si Faye, wala akong ibang kausap kaya tahimik na lang ako ngayon at 'di maiwasang makinig sa mga usapan nila. Ilang araw pa lang simula nang maging classmate namin si Eric, ang dami na niyang problemang hatid. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na isasawalang bahala ko ang existence niya pero napakahirap gawin. Kahit saan may mga balitang nakabuntot sa kanya. Hindi na nga namin namalayan na tapos na pala ang breaktime, bumalik na ulit sa classroom ang iba naming kaklase pati na rin si Eric. Ilang saglit pa ay ang teacher naman namin sa Filipino na si Ms. Aida ang dumating.

Hindi na niya kami binati at diretso nang nag-anunsyo ng group activity, si Ms. Aida ang isa sa terror teachers ng Achilles High at lahat kami takot sa kanya, ewan ko lang 'tong si Eric kung may kinatatakutan pa ba.
"Faye, Krisnel, Josh, Yasmin at Eric. Kayo ang unang grupo na magbubuod ng ika-siyam na kabanata sa Florante at Laura. Sa huwebes kayo ang mag-uulat sa harap ng klase," tila galit na pahayag nito.

Nilingon ko ang iba kong kaklase na halatang dismayado dahil kagrupo namin si Eric. Ganoon din naman ako pero una kong naiisip si Faye na mukhang 'di matutuwa dahil hate na hate niya si Eric.

Nang matapos ang klase sa Filipino, nagtipon-tipon kaming magkakagrupo at expected na 'di man lang magkukusang lumapit si Eric sa amin para makipag-participate. Walang may gustong i-approach siya, paano kami makakapagsimula sa activity na 'to? Isa 'to sa kinatatakutan kong mangyari, ang mag-approach ng problematic person lalo na 'yong tipong ayaw ng involvement sa kahit anong bagay. Pinilit na lang nila ako para lapitan si Eric na parang walang kaalam-alam sa group activity at nagawa pa nitong makinig lamang ng music sa kanyang mp3 player.
"Excuse me, narinig mo naman kanina na tayo ang magkagrupo sa Filipino 'di ba? Magsisimula na kaming gawin ang activity eh," sabi ko sa kanya nang malumanay. Tinatantsa ko lamang siya baka masinghalan ako. Padabog niyang inalis sa tainga ang nakasukbit na earphones. "Alam ko," tugon niya at seryoso akong tinignan na parang kakainin ng buhay. Imbis na umiwas ako ng tingin, nakipagtitigan pa ako sa kanya. This is it, kailangan may isang tao man lang na magpakita sa kanya na hindi lahat nagugustuhan ang pagiging bully niya. Umangat ang kilay niya at tinapik ang balikat ko. "Wala kayong maaasahan sakin," bulong niya bago mag-walkout.

Napatanga na lang ako habang 'di ko namalayang nakatingin pa rin sa 'kin ang iba kong groupmates. "Krisnel, paano na 'yan? Puwede bang magpalit na lang kagrupo? Baka bumagsak tayo sa activity na 'to. Nakakatakot pa naman 'yon si Maam  Aida," worried na tanong ni Yasmin.
"Gagawa ako ng paraan," sabi ko na lang pero 'di ko alam kung paano umpisahan.

Nang mag-uwian na, hinanap ko pa si Eric para muling kausapin. Di naman ako nahirapang maghanap, nandoon lang siya sa fire exit at parang malalim ang iniisip na nakatanaw sa kawalan. Dahan-dahan pa akong lumapit sa kinaroroonan niya. I cleared my throat before opening my mouth. Napalingon kaagad siya dahil nakalikha ng tunog ang pagtikhim kong 'yon.
"Bakit?" seryosong tanong nito. Aba, may gana pang magtanong eh alam naman kung ano ang sadya ko. "Eric, hindi na kasi puwedeng magpalit ng groupmates kung ayaw mo sa--"

"Ayaw n'yo sa 'kin?" pinandilatan na niya ako ng mata. Umiling naman ako kaagad. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, mukhang ayaw mo sa amin eh. Kaya kita ini-inform na bawal na raw magpalit ng kagrupo sa activity. Nagbabagsak ng estudyante si Ms. Aida eh," mahinahon ko pa ring paliwanag, kahit gusto ko na siyang sakalin kanina pa.

He laughed sarcastically. "So, napipilitan kayo sakin?"

Wala man sa loob ko, napabuntong hininga ako at inangat ko ang mukha ko para tingnan nang mata sa mata itong si Eric. "Oo. Napipilitan lang kami, dahil ayaw naming bumagsak." Pinagdiinan ko talaga ang bawat salitang 'yon. Napansin kong nagtagis ang bagang ng kaharap ko at kumuyom ang mga palad. Baka susuntukin ako nito. Pero wala akong pakialam, lalabanan ko siya kung saktan man niya ako. Kailangan niyang mapagtanto na hindi lahat ng students sa Achilles High ay kaya niyang apihin. "Ano ngang pangalan mo? Krisnel, right?" seryosong tanong ni Eric. Umiwas ako ng tingin at binabantayan ko lang ang paggalaw ng kamay niya, baka mabigwasan niya ako anytime. Tinanguan ko lamang siya. "Bakit? May deathnote ka ba? Ililista mo ba ang pangalan ko doon?"

"Wala naman akong deathnote, pero puwede kitang patayin anumang oras." Nakuha pa niyang ngumisi. Naaalarma na talaga ako, sa ganoong edad namin, nakakapagbitaw siya ng mga banta sa kapwa niya. "Alam mo, mayor ang tatay mo 'di ba? Dapat magpakita ka naman ng kagandahang asal. Magiging kahihiyan ka niya!" nakataas na rin ang boses ko ngunit 'di ko pa rin siya kayang titigan.

He hissed. "Ayokong maging proud siya sa 'kin. Gusto ko pa nga 'yon eh, na hiyain siya."

"Siguro may pinagdaraanan ka lang, pero huwag mo naman kaming idamay!"

"At sino ka para diktahan ako huh?"
Napasuntok siya sa pader. Napayuko na lang ako, akala ko'y sa mukha ko tatama ang kamao niya. Pero 'di ko alam, kusa akong napaluha sa harap niya. "Oh? Bakit ka umiiyak dyan?" pabulong na tanong niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Baka isipin ng makakarinig sa'yo eh sinaktan talaga kita. Go ahead, isumbong mo na ako."

Napailing ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi pa miserable ang buhay ko, huwag mo akong itulad sa'yo."

"Hindi ako sinungaling Krisnel. Kaya ako ganito, kasi nagpapakatotoo lang ako, hindi ako gagaya sa tatay kong mapagkunwari."

Tumalikod siya sa akin at lumakad na paalis sa fire exit pero tila may nakalimutan yata siya at binalikan pa ako. "Huwag mo nga palang ipagsabi 'tong pag-uusap natin, okay?"

Napahinto ako sa pag-iyak at sinagot ko ang pakiusap niya sa pamamagitan ng pag-iling. "Pumayag ka munang sumali sa group activity."

"Okay okay, puntahan ko kayo sa library," aburido niyang sagot bago umalis. Sinundan ko ng tingin si Eric habang lumalakad ito papalayo. Doon ko na-realize na baka hindi pala talaga masama ang ugali niya, maaring may dinaramdam lang siya. Simula nang mangyari 'yon, parang gusto ko na siyang kilalanin. Gusto kong malaman ang dahilan ng behaviour niya.








A/N:

Thanks guys, actually para 'to sa friend kong si Krisnel. Gusto ko itong maisalibro hehe wala naman masamang mangarap! Peace yow!

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon