7

31 5 5
                                    

Bago pa man ang araw na ipiprisinta namin ang activity kay Ms. Aida, binigyan niya kami ng sapat na oras para maghanda at kabisaduhin ang iuulat namin. Nagkataon na bored din ako kaya kinuha ko ang aklat sa bag. May nakaipit doon na isang letter. "To Krisnel," pagbasa ko pa sa nakasulat sa envelope.

"Puwede bang makipagkaibigan sa'yo? Napapansin kong malungkot ka nitong mga nakaraang araw eh. Kung oo ang reply mo, email ka sa yahoo messenger ko. Wait, mayroon ka bang yahoo messenger? Ito ang email ko: goodnightdreams43@ymail.com.

Ang pangit mo pag nakasimangot. Sana mapangiti kita."

Napangiwi ako nang mabasa ko ang nakapaloob sa sobre. Kapag may time ako, baka i-email ko na lang siya. Bakit naman kasi ayaw niyang makipagkilala nang personal?

Hangga't sa dumating na nga ang araw na magpalitan kami ng email at nagkaka-chat din sa yahoo messenger. Minsan pa nga ay gumagawa siya ng playlist sa myspace at ipaparinig sa akin ang mga kantang nakalagay doon. Napagawa pa tuloy ako ng account sa myspace dahil sa kanya. I called him "Mysterious guy" dahil 'yon na lang daw ang dapat kong itawag sa kanya, nakakainis dahil kilala niya ako samantalang siya, hindi ko kilala. Ang natitiyak ko lang ay isa siya sa schoolmates ko sa Achilles High. Para siyang stalker ko, pero napakagaan niyang kausap at nakakalimutan ko ang stress ko sa school pati na rin sa pagiging pasaway ni Eric. Mas kumportable rin akong sabihin ang mga problema ko, pag kay Faye kasi ang dami pang side comment. Handa siyang maging listener ko palagi. Ayaw niya nga palang magpakilala, kasi pangit daw siya. Hindi naman bigdeal 'yon eh, hindi ako mapili sa kakaibiganin. Sa totoo lang, nagkaka-crush na ako kay mysterious guy kahit di ko pa siya nakikita. Ganito yata kapag nakakaranas na ng unconditional love, kuntento na kahit 'di mo nakikita ang taong mahal mo basta alam mong nariyan siya para sa'yo. At doon ko na-realize na si mysterious guy pala ang itinuring kong first love.

Hangga't sa itinigil ko muna ang pakikipag-chat sa kanya dahil araw na ng presentation namin sa activity ni Ms. Aida, akala ko pa naman ay maayos na ang lahat. Pero walang Eric na dumating. Ang ending, bagsak kaming lahat dahil kailangang grupo daw kaming magpiprisinta at mahabang oras ang binigay samin kaya wala kaming excuse para 'di maging prepared. Hindi puwedeng ganoon lang. Kailangang matuto ni Eric. Hinanap ko siya sa buong school pagkalipas ng ilang araw. Sa rooftop ng school ko siya nakita at  puro sugat ang mukha. Hindi na ako nagsalita pa at inunahan ko na siya ng tadyak at sipa. Nagulat pa nga siya sa ginawa kong 'yon.

"Problema mo?" tanong niya nang bumulagta siya sa sahig. "Ikaw! Isa kang malaking problema!" angil ko. Sana kahit ngayon lang, hindi mo kami dinamay sa mga problema mo!"

"So? Anong pakialam ko?"
Paika-ika siyang tumayo at binalanse ang sarili. "Wala kang pakialam kasi mayaman ka, kahit bumagsak ka nang paulit-ulit, may magpapaaral sa'yo at may pera kayo! Si Josh, wala na siyang tatay at di sila mayaman. Si Yasmin naman, nasa ospital ang kapatid niya at binabantayan pa rin niya kahit nag-aaral siya. Si Faye naman, scholar siya at may grades na inaalagaan. Kapag bumagsak siya, wala na siyang scholarship. At ako, hindi ako mayaman, kahit hindi ako matalino, nagsusumikap pa rin ako!" lalong tumindi ang luha ko habang dinuro-duro ko siya.

"Sana makarma ka Eric! Wala kang kuwentang tao! Ang sama-sama mo! Sana magkasakit ka, sana malasin ka habang buhay!"

After that incident, hindi ko na rin siya nakitang pumasok sa school. Nabalitaan kong naaksidente daw ang father niya na newly elected mayor, hindi na raw nito magagampanan ang tungkulin dahil sa kritikal nitong kondisyon. Nanlumo ako at parang nagsisi sa mga sinabi ko kay Eric. Nakarma nga siya, gaya ng sinabi ko dala na rin ng galit ko sa kaniya. Sobrang nagsisisi ako at gusto kong mag-sorry pero wala na eh, nag-drop out na raw siya ayon sa iba naming classmates. Doon ko napagtanto na kapag galit ka, hindi ka dapat magbitiw ng salitang masasakit dahil mas matalim iyon at maaring magkatotoo sa taong pinagsalitaan mo.

Lumipas ang isang linggo, malapit na naman ang third grading period. Ipapasa daw kami ni Ms. Aida kung magagawa namin ang alternative project niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Kung alam ko lang na bibigyan kami ng chance ni Ms. Aida, baka hindi ko napagsalitaan si Eric. Hanggang ngayon nakokonsensiya pa rin talaga ako. Hindi ko nga masabi kay Faye na naaawa ako kay Eric eh, alam ko naman ang sasabihin niya. "Deserve naman niya 'yon kasi masama siyang tao!" ganyan ang narinig ko sa kanya nang mabalitaan namin ang nangyari sa tatay ni Eric. Pero naawa rin naman siya rito kahit papaano. Mas pinapairal kasi ni Faye ang galit niya at hindi siya madaling magpatawad. Naisip ko na lang na buksan ulit ang yahoo messenger ko at nagbabakasakaling nag-chat na si mysterious guy ko. Hindi nga ako nagkamali, may iniwan siyang mensahe.

"Hey. Patapos na ang second grading period, kumusta?"

"Hey, nakita kong umiiyak ka. Bakit? Sinong nagpaiyak sa'yo? Sapakin natin 'yan."

Napakunot-noo ako at napangiti pa rin. May pagka-creepy ang galawan niya, ibig sabihin maaring classmate ko lang siya kaya nakikita niya ako at alam niyang umiyak ako noong mga nakaraang araw dahil na rin sa binigyan kami ng bagsak na grado ni Ms. Aida. "Oo, umiyak nga ako. Hayaan mo na, wala naman na sa school 'yong taong nagpaiyak sakin," reply ko sa chat niya. Dahil hindi ko naman inaasahang online siya, naisip kong mag-log out muna saglit. Sinilip ko ang cellphone at nakatanggap ako ng message mula kay Faye.

"Namatay na raw ang papa ni Eric, tatlong araw na ang nakalipas. Narinig ko sa usapan nina Mama eh, ulilang lubos na rin siya kasi patay na rin pala ang nanay niya."

Nanlumo ako at nalungkot para kay Eric. I cursed him and I think, napakasama kong tao dahil doon. Buong gabi akong 'di nakatulog at lagi kong iniisip kung ano bang nararamdaman ngayon ni Eric?

Few weeks later, nabalitaan ko rin na uuwi na siya sa probinsya matapos ang libing ng kanyang ama. I wish I got a chance to say sorry, pero natatakot ako. Pinilit kong kalimutan iyon. Naghanap ako ng pagkakaabalahan at sinilip kung may reply ba si mysterious guy, nagulat ako dahil marami na naman siyang message. Pero hindi gaya ng dati na masasaya, ngayon ramdam kong nalulungkot siya kagaya ko.

"Hayaan mo siya, huwag kang magpaapekto. Kung guguluhin ka niya, babanatan ko siya!"

"Huwag kang magbabago huh?"

"Baka pala hindi na kita i-chat. Magpapaka-busy na ako sa school eh."

"Sorry. Basta lagi kang ngumiti."

"Sorry kung ayaw kong magpakilala. Sana kahit papaano napasaya kita. Bye!"

Nasaktan ako sa pamamaalam ni mysterious guy. Hindi ko na siya nireply-an. Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ba naman kasi ako nahulog kaagad dahil lang sa madalas kaming magkausap? Napakababaw pala ng ganitong pakiramdam. Dahil hindi ko na kayang kimkimin ito, nagkuwento na ako kay Faye. Tinawanan niya lang ang confession ko dahil lang sa na-inlove ako sa taong never ko pang nakita at 'di man lang nalaman ang pangalan.

"For sure, pinagtitripan ka lang ng ka-chat mo. At baka nga isa siya sa mga loko-loko nating classmates," sabi niya habang nakangisi pa rin. "Kaya ako, ayaw ko nang may ka-textmate eh, 'yong ate ko nainlababo rin sa ka-textmate niya. Parang tanga."

"Wala ka lang talagang load kaya mo nasabi 'yan." Nagawa ko pa ring magbiro kahit sinampal na niya ako ng mapait na katotohanan. Pero lumipas ang ilang taon, tinuring ko na rin si mysterious guy na parte ng buhay ko at umaasang makikita ko siya.

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon