"Mag-prepare talaga tayo nang husto. Darating ang official ng agency na mag-a-audit sa ginagawa natin," utos sa amin ni Ms. Odeth, ang leader ng volunteer team na kinabibilangan ko. I've been here for almost three years, kabilang na ako sa isang organization na nagsasagawa ng blood letting donations at pag-rescue ng mga taong nakakaranas ng natural calamities sa kanilang lugar, strict siya pag ginagawa na namin ang part sa aming team pero mabait naman siya kapag tapos na ang aming gawain. Professional siyang mag-handle at ayaw niyang may pumapalpak dahil baka singhal ang abutin niya sa mga opisyal na mas nakatataas sa kanya. "Kailangan, maayos ang record kung saan napupunta ang mga dino-donate na goods, mahirap maakusahang kurap. Alam mo naman sa panahon ngayon, uso na ang political propaganda dahil involved din ang politiko sa mga ginagawa natin, sige work na tayo," dagdag pa niya. Sumang-ayon naman kaming iba pang miyembro at naghiwa-hiwalay matapos ang pep talk na 'yon.
"Hep hep! Di pa pala tapos!" habol pa ng aming team leader kaya para kaming mga tuta na biglang tinawag ng amo at muling nagsilapit saka siya pinalibutan. "May bago tayong makakasama. Nasaan na ba 'yon?"
Panay ang sulyap ni Ms. Odeth sa labas na parang may hinahanap. Napangiti siya nang makita niya ang kanyang tinutukoy. Isang bulto ng matangkad na lalaki ang papalapit sa amin at bitbit niya ang dalawang tray na naglalaman ng sandwiches at iba pang snacks. Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma kung sino ang lalaking iyon. Hindi pa rin ako makahuma at nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman, abala sa pagdi-distribute sa mga kasamahan ko ng pagkaing dala niya. "Sorry Ms. Odeth, bumili pa kasi ako ng makakain sa labas," paghingi niya ng paumanhin. "Pero, kumain naman kami. Di ba? Walang pumupunta dito sa center nang walang kain?" tanong niya sa amin. Nagsitawanan naman ang iba. "Naku, Maam Odeth wala pa kaming kain. Di sapat 'yong kape at pandesal na nakain ko kanina," sabat ng isa kong kasamahan na sinang-ayunan naman ng majority. Nakatanga lang ako, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagkaganito na ako simula nang magkita kami ni Eric, at bakit sa lahat ng lugar na puwede kaming magkitang muli, bakit dito pa?"Everyone, this is Eric Salazar. Siya ang makakasama natin hangga't matapos ang repacking natin dito sa center. Hindi kayo magkakaproblema sa kanya dahil may experience na rin siya sa pagiging volunteer," pag-i-introduce ni Ms. Odeth kay Eric saka ito pumunta sa harap at nginitian kaming lahat. "Hello! My pleasure to work with you all!" pagbati niya. Pumapalakpak lahat, maliban sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwalang may experience na siya sa pagiging volunteer. Nagbago na nga yata talaga siya, good for him.
"Krisnel, si Eric ang makakasama mo sa pag-double check ng records," dumoble ang gulat ko sa utos ni Ms. Odeth. "Pero Maam--""No more buts, sige na. Wala kang magiging problema dyan kay Eric," nakakaalarmang tugon naman ni Ms. Odeth sa akin. Kapag siya ang nag-utos, hindi na niya iyon babaguhin kahit ilang ulit pang makiusap ang kahit sino sa kanya. Kanya-kanyang lipat na kami sa aming designated area, sumunod naman si Eric sa area ko. "So, paano tayo magsisimula?" tanong niya nang hindi pa rin natitibag ang ngiting aso na nakarehistro sa kanyang mukha. It was really awkward, hindi ko alam kung bakit. Parang napakalaki naman ng kasalanan ko para iwasan siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito. Paano ba niya kasi nakukuhang ngumiti na parang wala lang 'yong nakaraang pakikitungo niya sakin? Ibang-iba na talaga siya. Hindi ko alam kung nami-miss ko ang dati niyang ugali eh alam naman ng lahat na napakapangit noon. Bahala na nga. Titiisin ko na lang na magkasama kami.
"Ito oh," inabot ko ang logbook sa kanya. "May description 'yan tapos ito naman ang isa pang separated receiving copies kung saan napunta ang donations." Sabay kong inabot ang records na 'yon sa kanya. "I-check mo lang kung tally. Gano'n lang. May codes naman 'yan kaya hindi ka malilito," sabi ko pa nang hindi tumitingin sa kanya nang diretso. "Copy." Umupo siya at nagsimulang gawin ang itinuro ko. Napaupo na lang din ako sa isang bakanteng upuan na medyo malayo sa kanya at napansin niya 'yon kaya siya natawa. "I'm still Eric Salazar na kaklase mo, but I'm harmless now," seryosong wika ni Eric. "Krisnel, how are you doing after all these years?"
"Huh?"
Napatunganga ako ulit at 'di alam ang isasagot. This time, he called me by my name and it sounds different like the way he did before. Honestly, it gave me a different feeling. "I'm doing well."--
"Hoy Krisnel! Hindi ko 'to maintindihan oh!"
Kasinlakas ng ng boses ni Eric ang pagbagsak niya ng libro habang nasa loob kami ng library. Nagulat din ang iba naming kagrupo at napansin kong nanlilisik na ang mga mata ni Faye sa sobrang inis niya kay Eric. "Teka, ano ba ang hindi mo maintindihan para matulungan naman kita," mahinahon pa ring sabi ko sa kanya. Well, napapayag ko nga siyang sumama sa activity pero wala pa rin talaga siyang willingness. Lahat kami, dismayado. "Itong word na 'to, ang lalim eh." Itinuro niya sa libro ang salitang tinutukoy niya. Ako naman, mabilis na hinagilap sa diksyunaryo ang salita para 'di na siya mainip pa. "Ito oh, i-take note mo na lang," sagot ko saka itinuro sa diksyunaryo ang nahanap kong salita. Ako na talaga ang nag-adjust para lang maitawid ang activity at nang hindi kami bumagsak. "Teka lang pala, Krisnel at Eric. Uutusan ko lang si Faye na maghanap ng ibang reference books sa kabilang library. Kami naman ni Yasmin, bibili kami ng visual aids tutal may time pa dahil wala namang teacher na papasok sa P.E class, iwan muna namin kayo huh?" nag-aalangang pakiusap ni Josh at nagsimulang magsitayuan ang iba naming kasama. "Okay, sige. Pagkasagot ko pa ay para silang nagmamadali na umalis sa harap namin. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Eric ang nasa loob ng library. Bigla na naman siyang nagsalita. "Wala kang tiwala no? Na baka pag iniwan mo ako, hindi ko tatapusin ang part ko.""Hindi naman sa gano'n. Para lang matulungan kita kung may di ka pa maintindihan," giit ko.
"Ano bang makukuha mo sa pagiging mabait? Di ba volunteer ka rin dito sa school? Nag-co-community service ka pa. Ganyan ba talaga kapag kulang sa talino, sa ibang paraan kumakapit para magka-grade?"Nag-init kaagad ang pisngi ko sa sinabi ni Eric. Parang ininsulto niya ako para mainis ako sa kanya, nang sa gano'n ay di na siya makasama sa activity. Nice move, umepekto nga. Naiinis man ako, pero mas maiging huwag na lang bumaba sa level niya. Kaya ko pa siyang pagpasensyahan. Kaunti na lang at maiksi na ang pisi nito pero sige, iintindihin ko pa rin 'tong lalaking ito. "Gusto ko lang, hindi mo kailangang maging mabait para lang i-please ang ibang tao. Ginagawa ko na 'to noon dahil social workers ang mga magulang ko. Sabihin na nating sila ang inspirasyon ko. Kung tumutulong man ako sa iba, hindi mo na dapat problemahin 'yon dahil 'di ko naman inapakan ang pagkatao mo."
"Pero hanggang kailan mo gagawin? Huwag ka ngang magkunwari na mabuti kang tao," di kumbinsidong balik-tanong ni Eric. Bumuga ako ng hangin at ibinagsak ang librong hawak ko. "Hangga't may mga tulad mo na makitid ang utak at hindi pa rin nalilinawan," galit na turan ko.
Napanganga siya sa naging aksyon ko at iniwan ko siya sa library. Bahala na siya kung gagawin niya ba ang activity o hindi.
BINABASA MO ANG
Say Goodnight [Finished]
Short StorySabi nila, ang unconditional love ay isang uri ng pag-ibig na napakasayang maranasan sa mundong ito. Nagmamahal ka kasi nang walang hinihinging kapalit, at kapag nakaranas ka nang ganito, isa ka na raw sa pinakamasayang taong nabubuhay. Well, lumaki...