11 - Last Chapter

63 4 7
                                    

Pinatapos lang namin ang official visit sa headquarters. Wala naman kaming naging problema kaya tuwang-tuwa si Ms. Odeth sa amin. Kahit maganda ang resulta ng aming preparation, nalulungkot naman ako dahil wala si Eric sa araw ng auditing. Iyon na lang sana ang paraan upang mag-usap kami dahil wala naman akong number niya. Sabi ni Ms. Odeth, nagpunta raw sa slums o squatter area si Eric para mag-abot ng tulong sa mga taong nandoon. Pero habang nagsasaya kami, nagulat kami sa pagdating ng isa naming kasamahan. Iyong lugar na pinuntahan daw ni Eric, may demolition na isinasagawa at maraming nagkasakitan -- mga pulis laban sa mga residenteng ayaw umalis sa kanilang lugar. Gustuhin ko mang pumunta, hindi ako pinaalis nina Ms. Odeth dahil magulo pa raw doon.

"Let's wait for the news, baka naman wala doon si Eric," may pag-asang sabi ni Hannah. "Sana," naluluhang sambit ko. Diyos ko, ito na lang ang hiling ko, sana ligtas si Eric. Hindi ko lubos maisip na totohanin nga niya 'yong sinabi niya na hahanapin niya ang batang snatcher para tulungan. Naiinis ako sa sarili ko, hindi naman niya kailangang gawin 'yon para patunayan sa akin na nagbago na talaga siya. Nanghina na ako at 'di namalayan ang pag-uwi ng co-volunteers. Iniwan nila akong mag-isa sa headquarters. Ang alam ko kinakausap nila ako kanina pero hindi ko sila iniintindi.

Kung bakit kasi ngayon ko lang napagtanto na nakukuha na pala niya ang atensyon ko noong magkaklase pa lang kami? At concern pala talaga ako sa kanya.

Iyak pa rin ako nang iyak hangga't sa nakarinig ako ng mga yabag. Napalingon ako at nabuhayan ng pag-asa dahil nakita ko ulit si Eric na nakangiti at maayos ang kalagayan. Nilapitan ko siya kaagad sabay pahid ng mga luha ko para 'di niya malaman na umiyak ako dahil sa kanya. "Bakit pala 'di ka pa umuuwi?" tanong niya na para bang walang nangyari sa kanya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero 'di ko pa rin napigilan ang sarili ko na maiyak.

"Bakit 'di ka man lang ma-contact ng kasamahan natin kanina? Paano pala kung may nangyaring masama sa'yo doon?" nahihikbing tanong ko sa kanya. He chuckled as he gently hug me. "Natakot ka agad? Prepared ang pagpunta ko doon. Nakipag-usap ako sa local government para sa kanila. Siniguro ko na hindi sila magkakasakitan."

"Bakit sabi kanina, nagkagulo na raw?"

"Oo, nagkagulo pero natapos din. Secured kanina, ano ka ba? Masyado kang matatakutin." Napairap na lang ako. How could he tease me like nothing happened? How?

"About the kid na pinangako kong hahanapin ko, doon ko rin siya nakita. Magiging okay na rin siya at makakapag-aral na." He smiled with all hopes in his eyes. He pulled himself closer. "Natakot ka ano? Akala mo mamamatay ako?"

"Asa ka," pagkakaila ko pa.

"Hep! Kailangan nating mag-usap. Nabasa mo na ang sulat?"

"Oo."

"Good, okay na ako. At least alam mo na. Sige."

Hindi ko alam kung bakit pinagtitrip-an ako ni Eric. Patawa-tawa lang siya at parang pinagtatabuyan lang ako. Akala niya wala akong pakialam sa sulat kaya mukhang hindi siya nag-eexpect ng kung anong sagot ko. "Paano kung pareho pala tayong may gusto sa isa't isa?" I asked him, out of the blue. It's now or never. Bahala na si Batman.

"Eh 'di mag-date tayo. Ang tanong, mahal mo rin ako?"
He keeps on smiling. Nakakainis, ang guwapo niyang pagmasdan. Tumango ako saka niya ako niyakap. "I can't believe it, pareho pala tayo nang feelings. Hinihintay mo rin pala ako."

"Hindi rin ako makapaniwalang napapansin mo ako dati."

"Manhid na lang ang 'di makapansin sa'yo. Aba, puwede ka nang patayuan ng monumento dahil lagi kang nagpapakabayani eh. At kapansin-pansin ka talaga, lalo na kapag nagkakamali ka at pinagagalitan ka ng ibang volunteers sa barangay hall."

Hinampas ko siya nang marahan sa braso. "Ang sama mo pa rin pala," biro ko. "Pero mahal mo kahit masama pa ako, gaya noon?"

"Oo, sobra."

We both laughed. Tonight is one of the happiest day of mine. There's no goodbye but there's always 'goodnight'. He's mine now, he made me feel the essence of unconditional love.





Wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon