Panakaw ang sulyap ko kay Eric habang ginagawa niya ang pag-double check ng records. Kung hindi ko pa naisip na tingnan ang wrist watch ko, di ko pa mare-realize na 'di pa rin pala kami tumitigil sa pagtatrabaho kahit breaktime na. Nakakainis naman kasi, bakit naalala ko na naman ang itsura niya noong gumagawa kami ng activity at kung paano niya ako insultuhin. Ganyan lang siya, umaarte na parang walang nangyaring gano'n. "Mamaya mo na ipagpatuloy 'yan. Breaktime na eh," sabi ko. Tumalima si Eric at inilapag ang logbooks. "Oh? Sorry. Hindi ko namalayan ang oras. Nakaka-enjoy palang gawin 'to."
"Sa tingin ko nga, nag-enjoy ka." Nginitian ko pa rin siya. Napakamot-ulo naman ito at kinuha ang sariling cellphone sa bulsa. "May facebook ka ba? O kaya naman mobile number?"
Natawa ako sa tanong niya. "Bakit? Para saan? Hello, lahat ng tao may facebook na. Kahit kapapanganak pa lang na mga baby, ginagawan na ng parents nila."Hindi ko alam kung nakikipag-close ba siya sa 'kin or what, pero hindi ko gustong ibigay ang number ko kahit username ko sa fb. "For personal kasi 'yon. Bawal ibigay," pagtanggi ko. "Sinong magagalit pag binigay mo?"
"Basta."
"Okay then. Labas muna ako. Hihingiin ko ang facebook accounts nila, gumawa kasi ako ng bagong account at gusto ko na friends ko lang ang mga kakilala ko," sabi niya na parang kailangan niyang linawin ang lahat para 'di ako mag-assume. Parang inamin ko na rin sa sarili ko na nag-assume talaga ako na makikipag-close siya sa akin, iyon pala ay kailangan niya lang ng mutual friends sa facebook.
Nang matapos ang nakakapagod na araw sa center, nagsiuwian na kaming lahat. Ako lang yata ang walang kasabay pauwi dahil iba naman ang way ko pauwi sa bahay at sila-sila lang ang magkakalapit. Pagtitiisan ko na lang ang mahaba-habang lakaran bago makarating sa bus stop. Ang layo naman kasi dito papunta sa amin, pero ayos lang din dahil two times of a month lang naman kami nagtitipon para mag-participate bilang volunteers. Habang naglalakad ay narinig ko ang pagbusina ng isang kotse at halos maglulundag na ako sa gulat. There he goes, kotse 'yon ni Eric.
'Alam mo na ang gagawin mo Krisnel, tumakbo ka nang matulin.'Hininto ni Eric ang sasakyan niya para lumabas at mag-offer na naman ng ride. "I think same way lang naman ang daraanan ko pauwi at madaraanan pa ang bahay mo," sabi niya kaagad na nagpapahiwatig na pumayag na lang ako sa alok niya. "Huwag na. May pamasahe naman ako," medyo mataray na tugon ko. Binilisan ko pa ang paglakad pero nahawakan niya ako braso. "It's not safe here, maraming holdaper at mga batang hamog na nangti-trip," he insisted. "Kabisado ko na rito, saka mag-g-grab na lang ako." Kinuha ko pa ang cellphone ko para ipakitang may app ako ng grab car. Nang mailabas ko ang phone ay saktong nagtatakbuhan naman ang mga batang hamog papunta sa direksyon namin, ang isa'y tinangka pang hablutin ang cellphone ko pero maagap si Eric at natapik ang kamay ng bata. Naitulak pa nga niya ito pero hinayaan na lang tumakbo palayo. Shocked pa rin ako dahil first time kong makaengkwentro ng mga batang gano'n. Napasubsob pa ako kay Eric dahil sa pagpigil niya sa bata na hahablot sana sa cellphone ko. Nalanghap ko ang pabango sa polo niya. Parang gano'n pa rin ang gamit niyang pabango noong highschool. Bakit pati 'yon naaalala ko pa?
"See? Muntik ka nang manakawan," sabi niya sa akin bago dumistansya at pinagbuksan pa ako para lang pumasok sa loob ng kotse niya. Pumayag na lang ako. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Ilang saglit pa ay pumasok na rin siya at pinaandar ang sasakyan niya. Binuksan niya radyo at isang breaking news kaagad ang bumungad.
"Dirty politics again," bulalas niya sabay buntong-hininga. Ibinaling ko ang tingin sa side mirror dahil mukhang apektado siya sa balitang may kinalaman sa politika. Naalala ko nga pala, former mayor ang tatay ni Eric, marahil may matinding dahilan pa kung bakit siya dismayado. Siguro alam niya rin ang totoong mundo ng politika, gaya ni Ms. Odeth. "Bakit ba hindi na lang nila pagtuunan ang mga batang hamog, mga pulubi at mahihirap na komunidad kaysa magpatayan sa puwesto? Sila-sila na lang ang nagsisiraan." Humigpit ang kapit niya sa manibela at napatango na lang ako sa sinabi niya. Tama naman kasi eh, sa totoo lang, di ko inaasahang may gano'n siyang point of view. Kung siya siguro ang kakandidato, baka iboto ko pa siya. He has a heart for those helpless people, iyon ang natitiyak ko. "Kapag may time ako, hahanapin ko 'yong batang muntik nang mang-snatch sa'yo," seryosong dagdag niya pa. "Bakit? Ipapakulong mo?""No. Bakit ko gagawin 'yon? Kailangan nila ng guidance. Napakabata pa niya para gawin ang mga maling bagay. At isa lang ang natitiyak ko, ginawa niya lang 'yon para may pantawid gutom," aniya. Natuwa naman ako, parang sincere talaga siya at gagawin ang balak na hanapin ang batang 'yon. "Krisnel, responsable ang mga magulang sa paglaki ng bata. Kung ginabayan nila nang maayos ang magagandang bagay lang ang itinuturo sa mga anak nila, lalaking mabuti ang mga ito. Mayaman man o mahirap, kailangan ng gabay ng magulang. Tingnan mo ikaw, lumaki kang mabuting tao dahil ginabayan ka ng mga magulang mo."
Paano naman niya nasabing mabait ako? As if kilala niya ako nang gano'n katagal. "Eh paano pala kung ipang-rugby niya lang ang ninakaw niya?"
"That's the reason why he needs guidance and love from other people. Kung wala na siyang magulang, dapat may ibang taong magparanas sa kanya ng pagmamahal at akayin siya sa tamang landas. Sa ganoong paraan, maaring magbago ang pananaw niya sa mundo."
"Parang gaya ng nangyari sa'yo?"
Napakagat-labi ako at parang gusto ko nang maglaho sa harap niya. Parang nakaka-offend yata para sa kanya ang sinabi kong 'yon. "Exactly Krisnel. At may isang tao na naging dahilan para mabuksan ang isip ko. Kaso, huli na rin ang lahat." Rumehistro ulit ang lungkot sa mga mata ni Eric. May pinaghuhugutan nga talaga siya. "Sorry sa sinabi ko," dispensa ko naman."No need, ako nga ang dapat mag-sorry eh. Hayaan mo na lang."
Pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa hangga't maihatid niya ako sa bahay. Hindi ko maintindihan ang epekto ng presensya ni Eric. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin siya. Nagugustuhan ko na ba siya dahil lang mabait na siya ngayon? Paano na ang first love ko na hindi ko pa rin nakikilala?Maaring alam ni Faye ang tawag sa nararamdaman ko dahil may boyfriend na siya. Kaya naisip kong tawagan siya ngayon. "Hi Krisnel," bungad niya sa kabilang linya.
"Faye, ano bang tawag sa ganito..." sinadya kong bitinin ang gusto kong sabihin sa kaibigan ko. "Ang alin?"
"Anong ibig sabihin kapag may tao kang naiisip tapos ngayon mo lang na-realize na naaalala mo pa pala ang bawat detalyeng may kinalaman sa kanya?"
"Baka na-miss mo lang. Kaibigan mo ba 'yan?"
"Hindi eh."
"Eh sino 'yan? Kilala ko? Nagkakaganyan ka ba dahil may nakita ka noong reunion? Huwag mo sabihing may naging crush ka dati tapos 'di ko alam."
I sighed. "Faye, si Eric kasi eh. Magkasama kami ngayon sa isang org. Hindi ko alam bakit nandoon siya. Tapos, ang laki na ng pinagbago niya. Then, bigla kong naalala lahat tungkol sa kanya noong classmate pa natin siya."
"Uh oh! Napansin mo rin! Ang bait na nga niya. Parang ibang tao na. But don't tell me, na-f-fall ka na agad? Paano na ang mysterious guy mo?"
"Ewan. Sige, 'yon lang. Goodnight."
BINABASA MO ANG
Say Goodnight [Finished]
Short StorySabi nila, ang unconditional love ay isang uri ng pag-ibig na napakasayang maranasan sa mundong ito. Nagmamahal ka kasi nang walang hinihinging kapalit, at kapag nakaranas ka nang ganito, isa ka na raw sa pinakamasayang taong nabubuhay. Well, lumaki...