8

35 5 8
                                    

Ngayon ang araw na darating sa headquarters namin ang officials na nag-a-audit ng trabaho naming volunteers. Gaya ng dati, nauna pa akong dumating at wala pang katao-tao. Nilinis ko na lang ang working place namin upan makaiwas sa boredom at mahalagang malinis ang lugar para presentable pa rin sa mga mata ng opisyales dahil kasama sa criteria ng auditing ang kalinisan. Ganoon talaga kapag may nakatakdang pagbisita ng mga higher government officials, siyempre kailangan for photo op. Kailan ba sila matatapos sa pagc-credit grab alang-alang sa pangalan nila? Why can't they just be honest if they are really sincere to their duty as public servants?
Isinawalang bahala ko na lang 'yon. Ang mahalaga, may ambag naman ako bilang volunteer at nakakatulong pa rin ako sa komunidad. At least masasabi ko sa sarili ko na sincere ako sa actions ko rito. Nangangalahating minuto na rin pala ako sa paglilinis at 'di ko namalayang may dumating na sa headquarters.

"Good morning!"

Kung 'di pa nagsalita si Eric mula sa likuran ko ay malamang hindi pa rin ako aware na nandito na siya. Heto na naman ang 'di maipaliwanag na feels ko kapag nandito siya. Parang gusto ko siyang iwasan at parang gusto ko rin na magkalapit lang kami. Basta, gusto ko siyang makita na parang ayaw at the same time. Nabitawan ko ang walis tambo na hawak ko at pilit kong tinugunan ang pagbati niya ng panandaliang ngiti. Iniwasan ko ulit na tumingin kahit napakaaliwalas ng mukha niya ngayon. Gusto ko sanang sabihin na napakalinis ng porma niya at bumagay sa kanya ang suot niyang v-neck shirt. "May extra walis ka pa dyan? Tulungan kita," sabi niya pa. "Doon." Inginuso ko ang lagayan ng ibang cleaning materials saka ako nagpatuloy sa pagwawalis. "By the way, may ibibigay pala ako sa'yo," sabi niya na ikinatigil ko sa pagkilos. "Huh? Ako ba kausap mo?"

"Tayo pa lang naman ang tao rito," pilosopong sagot niya habang nakangiti. "Ano 'yan?"

"Simpleng regalo lang."

"Bakit? Anong okasyon?"
I wasn't expecting this. Bakit ang bait niya na talaga? Bakit kailangan pa niya akong regaluhan?
"Noong reunion party natin, di ko naibigay 'yan kasi 'di kita mahanap eh." He handed me a small box. "Okay lang naman kung ayaw mong tanggapin, pero sana ibigay mo na lang sa iba kung ayaw mo instead na itapon mo."

Napaangat ang isang kilay ko. Paano ba niya nagagawang sabihin iyon na parang nababasa niya ang laman ng utak ko? O kaya naman, baka mayroon lang siyang kakayahan na bumasa ng kilos ng mga tao at ang galing niyang mangonsensiya. "Wala akong sinabi na aayawan ko 'to huh," giit ko naman. "Salamat nga pala."

"I can tell that you don't like it," tugon niya. Mukhang offended na siya kaagad. "Hala, sorry. Pero 'di naman sa ayaw ko--"

"May doubt ka pa rin ano?"

Hindi ko na lang sinagot ang tanong na 'yon. Nagkunwari na lang ako na busy sa paglilinis ng area namin habang dinarasal na sana'y dumating na ang iba naming kasamahan. Ayaw ko na, napaka-awkward nito.

--

Natapos din ang nakakapagod na preparasyon sa auditing. Nakita ko ang ilang colleagues ko na may hawak na kahon, katulad ng binigay ni Eric sa akin kaninang umaga habang nagpa-pack up na sila pauwi.
"Ang thoughtful naman ni Eric. Alam niya kung anong kailangan nating regalo at ang fb posts lang natin ang pinagbasehan niya, kasi noong isang araw nag-post ako na gusto kong mag-travel papuntang Puerto Prinsesa, voila! May binigay siyang travel guide sa lugar na 'yon plus pocket money at pambili ng gamit ko pang-travel. Grabe, suwerte siguro ng girlfriend niyan at kung ako lang ang binigyan, iisipin kong may gusto siya sa akin at dumidiskarte," naulinigan kong sabi ni Hannah, isang co-volunteer namin ni Eric. "Totoo ka dyan! Ako rin nakatanggap ng shopping voucher pambili ng school supplies daw para sa anak ko, wala yata siyang magawa sa pera," pagsang-ayon naman ng kausap niyang si Nessa.
"Wala pa siyang girlfriend, siya ang nagsabi," habol pa nito. "Bakit kaya?"

I acted like I never heard their conversation. Nilampasan ko lang sila dahil kailangan kong dumaan sa puwesto nila para makauwi na.
"Krisnel, anong natanggap mo?"
Napamura tuloy ako sa isip dahil sa tanong ni Hannah. Kung kailan umiiwas ako, saka pa ako dinadaldal. "Hindi ko pa binubuksan 'yong sa akin," sagot ko naman. "For sure sa'yo ang pinakabongga," sabat naman ni Nessa. "Bakit n'yo naman nasabi?" clueless kong tanong sa kanila.

"Eh, ikaw ang matagal nang kakilala ni Eric eh. Kung 'di pa niya nakuwento sa amin na classmates kayo dati, hindi namin malalaman. Bakit ang secretive mo?" animo'y nagtatampong pahayag ni Hannah. I faked a smile. "Hindi naman kailangang ikwento pa. Saka busy tayong lahat. Uuwi na pala ako huh?"
Binilisan ko ang paglakad palayo sabay lingon para ngitian sila. Nang makalabas ako sa headquarters, nagkaroon muli ako ng time para mag-isip at i-analyze ang nararamdaman ko. Ang totoo kasi, nadismaya ako nang makitang may mga regalo si Eric sa colleagues namin at 'di lang pala ako nakatanggap ng gano'n. Nakakahiya mang aminin, pero naiinis ako dahil nag-assume ako na nakikipag-ayos siyang muli sa akin kaya gano'n siya.  Kanina naisip ko rin na baka may gusto siya sa akin. Na-hopia lang pala ako. Mabait lang talaga siya sa lahat.

"Krisnel, may ipapakisuyo sana ako sa'yo." Hinarang ako ni Ms. Odeth at bumungad na naman ang maganda niyang awra. Sa pagkakataong ito, alam ko na ang susunod na mangyayari, may iuutos na naman siya sa akin. "Yes Maam?" alanganing tanong ko sa kanya. "Baka puwede kang mag-stay hanggang mamaya dito sa headquarters? Hindi pa talaga tayo fully prepared sa auditing. May receipts pang hindi nado-double check."

Here we go again, sinasabi ko na nga ba. "Pero, gabi na--"

"Sige na naman Krisnel. Ikaw lang naman ang kilala naming single at walang anak na inaasikaso pag-uwi eh. Pangako, babawi naman kami sa 'yo."

Pineke ko ang aking ngiti. Wala namang epekto sa kanya kung tututol akong muli. Mamimilit pa rin siya at ayoko nang mahabang diskusyon. "Sige Ms. Odeth, walang problema."

"Yes! Thank you Krisnel!"
Niyakap pa ako ni Ms. Odeth dahil sobrang pasasalamat niya sa pabor na binigay ko. Hangga't sa ako na lang ang naiwan sa headquarters namin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang kinakalkal ang isang kahon na naglalaman ng resibo, nakapatong lang 'yon sa mesa ni Ms. Odeth.

Labag naman talaga sa loob ko 'tong pinagagawa niya. Nakakasawa na rin kasi ang treatment niya sa akin. Dahil nakikita niyang kaya ko, sa akin lang siya nakikiusap. At ginagawa pa niyang excuse ang personal niyang buhay, dinamay pa ang pagiging single ko. Ano ba naman kasi 'yon? Por que single wala nang personal life na aatupagin? Ganito rin ang nangyayari sa workplace ko bilang isang project based office staff, bukod sa tsismosang colleagues, hindi nawawala ang mga nagpapaawa para lang i-excuse ang sarili na lumiban sa trabaho. Ang hirap nga namang maging adult. Kahit hindi na maganda ang treatment ng kapwa mo sa'yo, magagawa mo na lang sikmurain 'yon dahil kailangan mo ng pera. Kaya nakumbinsi ko rin ang sarili ko na mag-part time employee na lang, may pinagkukuhanan pa naman ako ng income sa maliit na negosyo namin ng mga magulang ko at ang naipong suweldo ko ang pinuhunan namin doon. Pinilit kong iwaksi ang pagkayamot ko sa nangyayari ngayon sa akin kaya sinimulan ko na ang trabaho. Hindi pa nga ako nangangalahati sa pinagagawa ni Ms. Odeth, kusang sumasarado na ang talukab ng mga mata ko. Ilang saglit pa ay 'di ko na talaga nalabanan ang antok.

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon