Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Prologue

1M 25.4K 10.6K
                                    

"Mommy, look, o! Elsa looks like Annabelle."

Natawa ako nang itinuro ng anak ko ang life-size doll ni Elsa na makapal ang blush on sa pisngi gaya ng kay Annabelle.

"Do you want to buy it, baby?" pang-aasar ko.

Inirapan tuloy niya ako. "Of course not, Mommy! I don't want to have nightmares every night," nakahalukipkip pang sabi niya.

Tumawa ako at ang saleslady na nakarinig sa sinabi ng anak ko. Lumabas na lang kami ng toy store dahil puro panlalait lang naman ang mga sinasabi niya tungkol sa mga laruan doon. Hindi ko nga alam kung nagpunta ba kami sa mall para makabili siya ng bagong laruan o para manlait lang.

"I'm so happy, Mommy!" sabi ng anak ko na tumalon-talon pa habang naglalakad kami. Napabilis tuloy ang lakad ko dahil magkahawak-kamay kami.

"And why is my baby happy?"

Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat siya. "Because you're always busy with your work. I missed being with you, Mommy. I miss you," sabi niya at mahigpit akong niyakap sa leeg.

Aww, my heart.

"I'm sorry, baby. Busy lang talaga si Mommy dahil marami akong ginagawa sa work. But you know that Mommy loves you so much, right?"

Ngumiti siya nang maluwang na ikinatunaw ng puso ko. "Yes, Mommy! I love you, too. Million, million and gazillion times!"

Tumawa ako at pinupog siya ng halik na ikinatawa niya. Aww, I loved hearing those giggles!

I really loved my daughter. She was my everything. Kahit nahirapan ako noong ipinagbubuntis ko pa lang siya ay mahal na mahal ko talaga siya. Naaalala ko na kamuntikan pa siyang malaglag noon dahil sa stress at pagod na naranasan ko. Mahina raw kasi ang kapit niya noong nasa sinapupunan ko pa lang siya. Kaya tumigil ako sa pagtatrabaho para matutukan ang pag-aalaga sa kanya.

Mabuti na lang at nandiyan sina mama at papa para tulungan ako sa pag-aalaga sa anak ko pagkapanganak sa kanya. At ngayon ngang apat na taon na siya ay bawing-bawi ang paghihirap ko noon.

I named her Summer Frost.

My Summer Frost.

Kumain kami sa paborito niyang fast food restaurant dahil gustong-gusto niya ang fries at spaghetti doon. Nakatutuwa dahil hindi ko na siya kailangang subuan at siya na ang kumakaing mag-isa.

"Mommy, can we watch Aladdin, please?" sabi ni Summer na nagpa-cute pa talaga sa akin.

Nakagigigil! Sarap kurutin sa pisngi!

Pinunasan ko muna ang bibig niya na punong-puno ng spaghetti sauce bago siya kinurot sa pisngi. Napaaray siya at nag-pout nang tigilan ko ang pisngi niya.

Dear God, thank You for giving me my daughter in my life.

"Okay, baby. But you have to finish your food first, okay?"

Dahil excited si Summer na mapanood ang Aladdin ay mabilis niyang tinapos ang pagkain. Kaya ilang sandali lang ay pumunta na kami sa movie theater. Bumili ako ng tickets at pinaupo muna siya sa mga upuan sa harap ng popcorn stall bago ako bumili ng popcorn.

"Two cheese and two water, please," sabi ko sa cashier. Ilang sandali pa ay naibigay na rin naman ang order ko.

Bumalik ako kay Summer pero ganoon na lang ang kaba ko nang makitang wala na siya roon.

"Summer!" tawag ko sa kanya pero hindi ko siya makita. Binalingan ko ang isang babaeng naroon. "Miss, have you seen my daughter? She's wearing a pink dress and medyo light brown ang buhok niya."

Umiling lang siya.

My God! Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang anak ko sa laki ng mall na 'to! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Baka kinidnap na siya ng mga sindikato at isinama sa mga nanlilimos sa kalsada.

Oh, God! No, no please. Not my Summer Frost.

"Mommy!"

Agad akong napalingon nang marinig ang boses ng anak ko. Nakita ko siya malapit sa may TV kung saan ipine-play ang mga trailer ng movie. May lalaking nakaluhod sa harap niya pero hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod sa akin.

Tumakbo ako palapit kay Summer at mabilis na lumuhod para mayakap siya. Napansin kong napatayo ang lalaki nang makalapit ako.

"Oh, God, Summer! I told you na huwag kang aalis doon! God! Pinag-alala mo 'ko!" sabi kong maluha-luha pa.

"I'm sorry, Mommy. I was just watching Aladdin's trailer! I love their song kasi." Kumanta pa siya ng "A Whole New World" kaya natawa na lang ako.

"Is she your daughter?"

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang malamig na boses na iyon. Kahit hindi lingunin ay kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari n'on. Kinabahan ako at hindi agad nakagalaw.

"Zuri..."

Wala akong nagawa kundi tumayo at harapin siya. The first thing that I noticed was his electric blue eyes that seemed so ruthless and cold.

"Helios..."

Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya kay Summer kaya itinago ko ang anak ko sa likuran ko.

"Is she your daughter?" tanong uli niya.

Lalo akong kinabahan. Huminga muna ako nang malalim para makontrol ang nanginginig kong katawan. "Oo," sagot ko. Nagpasalamat akong hindi ako nautal.

"Who is he, Mommy?" tanong ni Summer.

Nakatitig lang si Helios sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang manginig. Wala pa ring nagbabago sa mga titig niya. Seryoso at napakalamig.

"He's my..." Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan. "He's my boss," sagot ko, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Helios.

Bumaba uli ang tingin niya nang sumilip si Summer mula sa likuran ko kaya lalo ko pang itinago ang anak ko. Halos mahimatay na ako sa sumunod niyang tanong.

"Is she my daughter?"

"No," mabilis kong sagot. Alam kong hindi naging normal ang pagsagot kong iyon.

Mas lumamig ang tingin sa akin ni Helios. Halos mangatal na ang mga labi ko.

"Is that so?"

"Oo," matapang kong sagot. "Hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay ko, Helios. So stop assuming."

Binuhat ko si Summer at mabilis na tinalikuran si Helios.

Oh, God! Bakit ngayon pa?! Shit, hindi pa ako handa. No. No. Sana hindi niya nahalata.

"Mommy, he's your boss? At work?" Tumango ako. "Really? We have the same eyes, Mom."

Napatigil ako sa sinabing iyon ni Summer. Kung ang anak ko ay napansin ang bagay na iyon, siguradong mapapansin din iyon ni Helios.

He's not stupid, Zuri. And you know that.

Lumingon ako—na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nakita kong nandoon pa rin si Helios, seryoso ang mga matang nakatingin sa amin. Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo.

Oh, shit. What should I do? Should I run away again? Siguradong gagawa siya ng paraan para malaman kung sino ang ama ni Summer.

And you know what? He was right.

Summer Frost was Helios Gallagher's daughter.

And I was hiding the billionaire's daughter.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon