Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 8

567K 17.7K 10K
                                    

Alam na niya. Alam na niyang anak niya si Summer Frost.

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa malalamig na mata ni Helios. Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Idagdag pa na kitang-kita ang galit niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka makapagsalita?" mahinang tanong niya pero dinig ang panganib doon.

"Ano... ano ba'ng pinagsasasabi mo? Hindi mo anak si Summer," pagtanggi ko.

Pero sino ba ang niloko ko? Alam kong hindi siya maniniwala.

At tama nga ako dahil nakita ko ang galit sa mga mata ni Helios. Napaatras ako sa takot na baka saktan uli niya ako. Nang makita niya ang hitsura ko ay marahan niyang binitiwan ang baywang ko bago pumikit at huminga nang malalim.

Nang dumilat siya ay bumalik sa pagiging malamig ang tingin niya. Wala na ang galit.

"How old is she?"

Kalmado ang boses ni Helios nang itanong iyon pero lalo yatang nadagdagan ang kaba ko sa pagiging kalmado niya. Nanginginig na rin ang kamay ko kaya itinago ko iyon sa likuran ko.

"Magpa-five years old, Boss."

Umigting ang panga niya at nakita ko uli ang pagdaan ng galit sa mga mata niya. Tumingala siya na parang nagtitimpi pero hindi siya nagtagumpay dahil sinigawan niya ako.

"Great!"

Napatalon ako sa pagsigaw na iyon ni Helios. Nangatal ang mga labi ko nang makita ang galit na galit niyang mukha. Sa sobrang kaba ay hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko na agad ko rin namang pinunasan.

"You hid my daughter away from me for five years?!" malakas niyang sigaw kaya napahikbi na talaga ako.

"B-Boss... Boss... P-please. 'Wag mo siyang kukunin sa akin. Please... Please, Boss..." humahagulgol na sabi ko. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya na handa kong gawin.

For my Summer Frost.

"At ano'ng gusto mong gawin ko? Hayaan kang ilayo sa akin ang anak ko?!"

"Helios! Please... D-don't take her a-away from me... Please. My Summer Frost. She's my Summer Frost!"

"She's my daughter, too! Pero itinago mo siya sa 'kin!"

"Nagawa ko lang naman 'yon kasi alam kong ilalayo mo siya sa akin. Please, Boss. Parang awa mo na."

"Hell, yeah! You're right! I'm taking her away from you," sabi ni Helios at agad na pumasok sa loob ng vacation house pero pinigilan ko ang braso niya.

"Don't... Please, Boss. Nagmamakaawa ako," sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya para hindi siya tuluyang makapasok.

"Damn you, woman!"

"Why are you shouting at my mommy?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Summer na nasa ibaba ng hagdan. Nagmartsa siya palapit sa amin at pumagitna sa aming dalawa ni Helios. Nakapamaywang pa na hinarap niya ang lalaki.

Sumulyap muna sa akin ang anak ko at nakasimangot na binalingan si Helios. "You made her cry, too! You're a very big bad guy!" Ang mas ikinagulat ko ay nang ipagtulakan niya si Helios palabas ng bahay. "Get out! Bad guys are so not allowed inside our house!"

Mukhang natulala rin si Helios sa ginawa ng anak ko dahil para itong maamong tupa na nagpatulak.

I guess I'm wrong. It looks like namana rin ni Summer ang ugali niyang ito sa ama niya.

"I'm... I'm not..." pautal-utal na sabi ni Helios na hindi alam ang gagawin. Namumutla na rin ang mukha niya habang nakatingin kay Summer. Nang bumaling ang mga mata niya sa akin para manghingi ng tulong ay pinigilan kong matawa.

"You're not what?" mataray na tanong ng anak ko.

"I'm not..." Nakita kong napapikit uli si Helios at huminga nang malalim. "I'm not yelling at your mother."

"And now you're lying?! I heard you kaya! You are really a bad guy!"

I saw Helios pinch the bridge of his nose at tumingala na parang nauubusan na ng pasensiya.

Kaya nilapitan ko na ang anak ko.

"Hey, baby," tawag ko kay Summer na tiningnan ako. "Mommy's fine. Just leave this to me, okay?"

"But, Mommy. I know inaaway ka ng bad guy na 'to." Pagkatapos ay matalim niyang tiningnan si Helios.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "I'm okay. Just leave this matter to the adults, okay? You have to go upstairs."

Tinitigan ako ni Summer kaya ngumiti ako sa kanya para malaman niyang okay lang talaga ako. Hindi ko akalain na protective din pala ang anak ko sa akin.

Nag-pout siya bago tumango. "Okay, Mommy," sabi niya at binalingan si Helios na nakatitig sa kanya. "What are you looking at?" mataray niyang tanong kaya napaiwas ng tingin si Helios at tumingin na lang sa ibaba.

"Go upstairs now, baby."

Hinila ni Summer ang kamay ko kaya yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin. Binulungan niya ako.

"Just tell me, Mommy, kung inaaway ka niya uli. Girl power tayo rito," sabi niya bago umalis at umakyat sa hagdan.

Natawa naman ako. Napanood kasi niya ang Avengers: Endgame at gustong-gusto niya ang girl power scene doon.

Napawi lang ang ngiti ko nang makita si Helios na masama ang tingin sa akin. Huminga siya nang malalim bago tiningnan ang hagdan na inakyatan ni Summer.

"Is she always like that?" namamangha niyang tanong.

"No. Ngayon ko lang din siya nakitang ganyan. Ngayon lang din niya kasi nakitang may umaaway sa akin," depensa ko dahil baka isipin ni Helios na hindi ko pinapalaki nang maayos ang anak ko.

Pagsasabihan ko rin mamaya si Summer. Kahit alam kong ginawa lang niya iyon para sa akin at para protektahan ako ay hindi pa rin tama na umasta siya nang ganoon sa mga nakatatanda sa kanya.

"Helios? Son?"

Napatingin kami ni Helios kay Mrs. Gallagher na papalapit sa amin.

"What are you doing here?"

Napakunot ang noo ni Helios habang nakatingin sa nanay niya. "Mom? What are you doing here?"

"Binibisita ko ang apo ko," simpleng sabi ni Mrs. Gallagher na alam kong ikinagulat ni Helios.

Napangiwi ako.

"You knew?!" he asked na parang hindi makapaniwala.

"Of course." Mrs. Gallagher looked at her son like he was the most stupid person in the world before she smiled at me. "Hello, hija. I hope you don't mind if I visit my apo?"

Nagbeso kami ni Mrs. Gallagher at iniwasan kong mapatingin sa gawi ni Helios. Kahit kasi hindi ko siya nakikita ay alam kong parang punyal ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Mukhang hindi nga sinabi ni Mrs. Gallagher ang lahat ng nalalaman niya kay Helios dahil halata sa hitsura ng lalaki na wala siyang ideya sa mga nangyayari. Nagpapasalamat naman ako kay Mrs. Gallagher dahil ginawa niya ang ipinangako sa akin.

"Lola!" I heard Summer Frost screamed na mukhang narinig ang boses ng lola niya. Nagmamadaling yumakap siya kay Mrs. Gallagher. "I missed you, Lola! Bakit ngayon ka lang pumunta?" sabi ng anak ko na naka-pout pa. Alam kong naglalambing siya kay Mrs. Gallagher.

Kinalong naman siya ng ginang. "I'm so sorry, apo. I have presents naman for you para makabawi sa 'yo ang Lola." Sinenyasan niya ang mga tauhan na nakatayo sa hindi kalayuan para ipasok na ang mga bitbit nilang hula ko ay mga laruan.

Bago pa man makapasok ang mga tauhan ni Mrs. Gallagher ay pinigilan na ni Helios ang mga ito.

"No," Helios said habang ang mga mata ay nakatingin lang sa anak ko. Inirapan lang siya ni Summer. "We have to go back to the Philippines."

Nagulat ako sa sinabi niya pero nakita kong napangisi naman si Mrs. Gallagher. Magpoprotesta na sana ako nang balingan ako ni Helios.

"Including you."


Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon