Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 12

722K 20.3K 11.9K
                                    

Hirap na hirap akong pakalmahin si Summer kanina. Halos hindi na siya tumigil sa kaiiyak. Kinabahan pa nga ako dahil halos hindi na siya makahinga. Kumalma lang siya nang sabihin kong umalis na ang kanyang ama.

Alam kong na-trauma siya dahil sa nakita. Simula kanina ay hindi na talaga siya bumitaw ng yakap sa akin. Takot na takot siya. Hindi niya dapat nakita ang ginawa sa akin ni Helios. I knew that scene would haunt her for life.

Panay ang tanong sa akin ng mag-asawang Gallagher kung ano ang nangyari kanina. Sinabi ko na lang na nagtatalo kami ni Helios at naabutan kami ni Summer. Sinabi kong ayaw ni Summer na may nang-aaway sa akin kaya umiyak ito. Mabuti naman at naniwala sila.

Magkatabi kami ngayon ni Summer sa kama. Nakaunan siya sa dibdib ko at nakayakap sa baywang ko. Kumakanta ako habang sinusuklay ang buhok niya. Kanina ko pa siya hinehele pero nanatili lang siyang gising. Natatakot tuloy ako na baka mapuyat siya, lalo pa at may pasok siya bukas.

"Does he always hurt you, Mommy?" sa wakas ay tanong ni Summer. Hindi kasi siya nagsasalita mula pa kanina.

Napabuntonghininga ako. Ibig sabihin ay hindi talaga naalis sa isip ng anak ko ang nakita niya. At hindi ko alam ang gagawin para makalimutan niya iyon.

I just wanted her to stay like an innocent kid. I wanted her to enjoy her childhood life.

"No..." pagsisinungaling ko.

Nag-angat siya ng tingin at sumimangot. "You're lying."

"Am not," depensa ko.

Hindi naman sa ipinagtatanggol ko si Helios. Ayoko lang na nagtatanim ng galit sa puso ang anak ko. Lalo pa at ang bata-bata pa niya. Hindi maganda kung makararamdam siya ng galit sa puso sa edad niyang ito.

"I hate him."

"Baby..."

"Sana hindi na lang siya ang naging daddy ko."

"Summer Frost!" saway ko sa kanya. Hindi talaga maganda ang naidulot ng nakita niya kanina. "Baby, that's bad. He's still your father."

"I don't need a daddy. Enough ka na sa akin, Mommy."

Napabuntonghininga na lang ako. Mukhang hindi gagana ang paliwanag ko ngayon kung sariwa pa sa utak ni Summer ang mga nangyari kanina. Baka kapag nagpumilit ako ay lalo lang siyang hindi makatulog. I would just talk to her tomorrow.

Kinantahan ko na lang uli siya.

Ang totoo niyan ay gusto ko nang umalis sa bahay na ito. Gusto kong maulit ang mga panahon na kami lang dalawa ni Summer ang magkasama. Pero alam kong malabo nang mangyari iyon. Dahil oras na umalis kami ay hahanapin din naman kami ni Helios.

Kaya niyang baliktarin ang mundo para lang mahanap kami at kunin si Summer sa akin. Kaya hanggang kaya ko ay magtitiis ako. Para lang sa anak ko.

Nang masigurong tulog na si Summer ay saka lang ako bumangon at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Naubos kasi yata ang tubig ko sa katawan kaiiyak kanina.

Nang madaanan ko ang kuwarto ni Helios ay mukhang walang tao roon. Sobrang tahimik kasi. Pero wala naman akong pakialam sa kanya kaya dumeretso na ako.

Madilim na ang buong bahay nang makababa ako sa kusina. Tulog na siguro ang lahat. Halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig sa sobrang uhaw. Kaya pala sinisinok din ako kanina.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pagbukas niyon. Nakita ko si Helios na kadarating lang. Naka-blue long sleeve polo siya at bukas ang unang dalawang butones n'on. He was holding his coat and his hair looked disheveled.

Dahan-dahan akong umatras pero huli na dahil nakita niya ako. Nagmamadali ako sa pag-alis sa kusina at aakyat na sana ng hagdan pero pinigilan niya ang kamay ko. Agad akong kinabahan at nagpumiglas sa pagkakahawak niya.

"Hey... Sshh... I won't hurt you," marahang sabi ni Helios.

Nakita kong namumungay ang mga mata niya. "Are you drunk?" wala sa sarili kong tanong.

"Yeah..." sabi niya.

Naamoy ko nga ang alak sa kanya.

Bumaba ang tingin ni Helios sa leeg ko. Tinitigan niya iyon nang ilang segundo bago umangat ang kamay niya. Napapikit ako dahil akala ko ay sasaktan na naman niya ako. Pero naramdaman kong hinahaplos niya ang parte ng leeg ko kung saan nagmarka ang kanyang kamay.

"Does it hurt?" tanong pa niya.

Nag-iwas lang ako ng tingin. Ano sa palagay niya? Hindi masakit? Eh, nakita na nga niyang may pasa, magtatanong pa siya?

Nataranta ako nang unti-unting lumapit ang mukha ni Helios sa akin. Sinubukan kong lumayo pero hinapit niya palapit ang baywang ko. His head went down to my neck and he started planting small kisses there. Pipigilan ko na sana nang magsalita siya.

"I'm sorry..."

Naestatwa naman ako. Ano raw? Tama ba iyong narinig ko? Nagso-sorry siya sa akin? Ang taong 'to, nagso-sorry sa akin? Imposible.

"I'm sorry," ulit niya.

Nawindang na talaga ako. Hindi ko inaaasahan na maririnig ko sa kanya ang mga katagang iyon.

The devil in a business suit was saying sorry to me. Gusto kong matawa.

Itinulak ko si Helios. "Lasing ka lang," sabi ko at tinalikuran siya.

Pero nakaiisang hakbang pa lang ako paakyat ng hagdan nang may marinig na kumalabog. Paglingon ay nakita ko si Helios na nakahiga na sa sahig.

"Help me up," sabi pa ng demonyo.

Iiwan ko na sana siya pero baka maalala niya ito kinabukasan at saktan na naman ako. Wala akong nagawa kundi tulungan siyang tumayo at alalayan paakyat ng hagdan.

Halos mapamura ako sa bigat ni Helios. Ang tangkad din naman kasi ng lalaking ito, 'tapos magpapaalalay sa akin? Ang sarap ihulog sa hagdan.

"Walanghiya kang lalaki ka. Ihulog kita riyan, eh," hinihingal kong sabi nang makarating kami sa itaas. Pareho kaming napasandal sa pader.

He let out a sexy laugh and then he pinned me to the wall.

Bumalik ang kaba ko. Naalala ko ang nangyari kanina nang malakas niya akong isinandal sa pader. Masakit pa rin ang likod ko at baka hindi ko na makaya kung sasaktan pa uli niya ako.

But instead, he softly caressed my cheeks. His rough hands felt so good against my skin. Idinikit din niya ang noo sa noo ko.

What the hell is happening with this devil?

"Do you hate me?" tanong niya.

I could smell his manly breath mixed with alcohol. Pinigilan kong mapapikit.

Gaga ka, Zuri. Baka nakalilimutan mong sinaktan ka lang naman niyan kanina.

"Do you hate me?" ulit niya.

Tumango ako. "Yes."

Mga ilang segundong hindi nagsalita si Helios bago ko siya nakitang ngumiti. He gave me a genuine smile.

"Don't worry, babaguhin natin 'yan," sabi niya bago ako hinalikan sa noo at naglakad papasok sa kuwarto niya.

Ako naman ay naiwang nakatayo roon at nakatanga. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Bumabait pala ito kapag nakainom ng alak?

Matatandaan pa kaya niya bukas ang nangyari ngayon?

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Commander, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Commander
@HiroYuu101
After getting pregnant due to a drunken mistake, Zuri decides to hide...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 46 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @HiroYuu101.
Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon