Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 4

576K 17.1K 6K
                                    

Nagpatuloy ang ganoong eksena namin ni Helios. Pahihirapan niya ako na halos hindi na ako makakain at makauwi ng bahay. Nagdadala na lang tuloy ako ng biskuwit at mga damit dahil kung minsan, hindi na talaga ako nakatatayo sa puwesto ko hangga't hindi ko natatapos ang mga ipinapagawa niya.

Nagbago na rin mismo si Helios. Halos araw-araw na siyang nagdadala ng iba't ibang babae sa office niya. At mula sa puwesto ko ay dinig na dinig ko ang mga halinghing at ungol nila. Halos masuka ako sa mga iyon.

Kagaya noong araw na iyon. May dinala na namang bagong babae ang boss ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae kaya hindi ko maiwasan ang mga eksenang pumapasok sa isip ko.

"Ohh... Faster, baby. I'm coming!" sabi ng babae.

Napatakip ako ng bibig at tumakbo papunta ng banyo nang maramdamang parang may humahalukay sa loob ng tiyan ko. Isinuka ko ang lahat pero halos tubig lang naman ang lumabas sa bibig ko.

Hinugasan ko ang bibig ko at tinitigan ang sarili sa salamin. I looked like a mess. Parang naging pugad na ng ibon ang buhok ko. Ang putla-putla ko na at halos wala nang kulay ang balat ko. Nangayayat na rin ako.

Naghilamos na lang ako ng mukha para man lang malinisan ang sarili ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay ganoon na lang ang takot ko nang makita si Helios na nakasandal sa may pintuan ng banyo. Nakatingin siya sa repleksiyon ko sa salamin at ganoon din ako sa kanya.

Humarap ako dahil natatakot ako na baka kung ano ang gawin niya sa akin habang nakatalikod ako.

"I thought I've told you not to leave your table until you finish everything?"

Humakbang siya palapit sa akin at hindi ko alam kung paanong atras ang gagawin ko. Naramdaman ko ang lababo sa likod ko kaya wala na akong maatrasan.

Napaigik ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Doble-doble na ang kaba ko nang inilapit niya ang mukha sa akin.

"Want me to fuck you hard, bitch?" Pagkatapos ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Itinikom ko ang bibig ko at hindi iyon ibinuka kahit halos kagatin na niya ang mga labi ko.

Sobrang sakit na ng mga labi ko dahil sa mga kagat niya at nalalasan ko na rin ang dugo doon. Nang may ilang minuto ang lumipas at hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko ay malakas n'ya akong sinampal.

"Open your fucking mouth, Zuri!" sabi ni Helios at muli akong sinunggaban ng halik.

Diniinan niya ang pagkakahawak sa pisngi ko pero hindi ko talaga ibinuka ang bibig ko kahit ano ang gawin niya. Nang ma-realize iyon ay saka lang niya ako binitiwan at malamig na tiningnan.

"Just do your fucking work," sabi ni Helios at iniwan na akong mag-isa sa banyo.

Napaupo na lang ako sa sahig at kusa nang tumulo ang mga luha ko. Parang araw-araw na yatang may sumasakit sa katawan ko dahil kay Helios. Kung hindi pagpapahirap sa trabaho ay pinagbubuhatan naman niya ako ng kamay. Isang beses niya akong nasampal. Noong isang araw ay natakot ako dahil akala ko, susuntukin niya ako. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.

I cried my heart's out inside that restroom until everything went black.

Nagising ako na nasa ospital na. Hindi ko alam kung paano o sino ang nagdala sa akin doon. Basta ang hindi ko makalilimutan ay ang sinabi ng doktor.

"Congratulations, misis! You're two weeks pregnant!"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napaiyak na lang ako na akala ng doktor ay tears of joy.

Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili at patuloy na umiiyak.

Hanggang sa nakatulugan ko na ang gabing iyon.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon