Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 2

670K 17.8K 8.1K
                                    

"You are all stupid!"

Napatalon ako sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw na iyon ng boss ko. Kay aga-aga, nakasigaw na naman. Oh, well. Ano pa nga ba ang bago? Oras-oras ko yatang naririnig ang pagsigaw niya kapag nandito ako sa trabaho.

Ayos lang naman sa akin. Basta ba hindi ako iyong nasisigawan.

"YOU ARE ALL FIRED! GET OUT! NOW!"

Wala pang isang segundo ay nakita ko na ang paglabas ng dalawang lalaki at isang babae sa opisina ng boss ko. Laglag ang mga balikat nilang lahat. Agad na dumeretso sa elevator ang dalawang lalaki samantalang ang babae ay malungkot na napatingin sa akin.

"Demonyo talaga si Mr. Gallagher! 'Di man lang naawa! Mabuti at nakatatagal ka rito?!"

Nginitian ko na lang siya at hindi na sumagot. Mabuti naman at umalis na rin siya at sumakay sa elevator.

Mag-iisang taon na rin kasi ako bilang secretary ni Mr. Helios Gallagher. Ako nga lang daw ang nakatagal bilang secretary niya. Iyong mga dating secretary daw kasi ay hindi man lang umaabot ng isang buwan.

I was working at Gallagher Empire as the CEO's secretary. Maraming trabaho ang nakalaan sa akin, lalo pa at ako na ang itinuturing na kanang kamay ng CEO. Maraming negosyo ang nasa ilalim ng kompanyang ito. Mula sa shipping airlines, condominiums, malls, supermarkets at amusement parks.

I would admit na hindi madali ang pagiging secretary ng isang Helios Gallagher. Gusto kasi niya, perfect ang lahat. Wala siya dapat makitang flaws sa mga gawa mo. At kapag perfect ang gawa ay hindi siya maninigaw. At first, it was hard. But eventually, nasanay na rin ako.

Kinuha ko ang flash drive at ilang mga papeles sa table ko. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto ng office ng boss ko. Hindi pa man siya nakakasagot ay binuksan ko na ang pinto at pumasok.

"WHAT?!" bulyaw niya pagkakita sa akin.

I put my stoic face on. Sa araw-araw ba naman na naririnig ko ang sigaw niya ay matatakot pa ba ako?

"Here's the report that you need for your presentation later, Boss," sabi ko at inilapag ang flash drive sa table niya. "And here's the hard copy for that report." Ang mga papeles naman ang ibinaba ko.

Kinuha ni Helios ang mga papeles at binasa ang ilang mga pahina roon. I held my head high. I was confident with my work. Perfect at walang flaws.

"How about the presentation for the Canadian investors?"

Napataas ang isang kilay ko. "I'm still working on that, Boss. I thought it's due next week? Do you want me to finish it today?"

Umiling naman siya. "No," he said.

Mabuti naman. Kaninang umaga lang niya inutos na gawin ang report na iyon at through e-mail pa niya sinabi, 'tapos manghihingi agad siya ng update?

"Okay, Boss. Is there anything else that you need?" tanong ko.

"Coffee."

"Okay, Boss," sabi ko bago lumabas at pumunta sa pantry para ipagtimpla ng kape ang boss kong ipinaglihi yata sa dragon. I brewed the coffee and put one teaspoon of cream and three teaspoons of sugar at hinalo iyon.

Kumatok muna ako nang tatlong beses bago binuksan ang pinto nang hindi hinihintay ang sagot ni Helios. I put the coffee in front of him.

"Here's your coffee, Boss," I said bago tumalikod at aalis na sana pero tinawag niya ako.

"Wait."

Lumingon uli ako sa kanya at nakita siyang may kinukuha sa drawer ng table niya. Isa iyong pulang envelope. Iniabot niya iyon sa akin.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon