Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 11

614K 16.9K 6.9K
                                    

"Where are you going?" tanong ni Mrs. Gallagher nang makita akong nakabihis. Naabutan ko ang buong pamilya na nag-aalmusal.

Napatingin ako kay Helios na patuloy lang sa pagkain at walang pakialam sa presensiya ko. Wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko. "Uhmm... Papasok na po sa trabaho."

"Oh, no," problemadong sabi ni Mrs. Gallagher. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo sa bakanteng upuan, sa tabi ni Helios. "You don't have to go to work from now on. Just take care of Summer na lang."

"Hala, hindi po puwede, Ma'am," nabibigla kong sagot. "Kailangan ko pong magtrabaho para may panggastos po ako sa anak ko."

"Kami na ang bahala sa mga gastusin n'yo ng apo ko," simpleng sabi ni Mr. Gallagher na parang sagot na iyon sa lahat.

Umiling-iling ako. "Hindi po puwede 'yon. Pinatira n'yo na po kami rito sa pamamahay n'yo nang walang hinihinging kapalit. The least I can do is to give my daughter all that she needs using my own money."

Napakabait nila sa akin at ayoko namang abusuhin iyon. Isa pa, nasanay ako na nagtatrabaho para maibigay ang lahat ng gusto ng anak ko.

"Hija..." tawag sa akin ni Mrs. Gallagher at hinawakan ang kamay ko. "You're not alone anymore. Nandiyan na si Helios na ama ni Summer. And we're also here to help you sa pagpapalaki sa anak n'yo. Hindi mo na kailangang solohin ang lahat."

"Mommy is right, Zuri," singit ni Artemis sa amin. "We'll help you raise your daughter. You're our family na rin and family members help each other, right?"

Napangiti ako sa kabutihan nilang lahat. Ang saya-saya ko na ganito ang pamilyang kalalakihan ni Summer. Full of love and support. Hindi katulad dati na ako lang ang lagi niyang kasama.

Wala sa sariling napatingin ako kay Helios. Nakita ko siyang nakatulala sa pagkain, umigting ang panga at galit ang mga mata. At alam kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

Naalala ko ang mga sinabi niya kagabi. Ang akala niya ay pera ang habol ko sa kanila. Kayang-kaya kong palakihin si Summer nang mag-isa kahit wala ang pera nila. Hindi ba na-realize ni Helios na kung totoo ang hinala niya, eh, di sana, noong nasa sinapupunan ko pa lang si Summer ay naghabol na ako sa pera niya? Itinago ko pa nga ang anak ko sa kanya, 'di ba?

Seriously? Hindi ko alam kung anong utak meron siya. Genius ba talaga ang taong 'to?

Umiling ako sa kagustuhan ni Mrs. Gallagher. "Sorry, Ma'am, pero gusto ko po talagang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko."

"Let her be, Mom," sabi ni Apollo at kumindat sa akin. "Hindi n'yo talaga mapipilit si Zuri. And besides, you know our company needs an efficient secretary like her, right?"

Ilang sandaling nakasimangot sa akin si Mrs. Gallagher bago bumuntong-hininga.

"All right. But you still don't have to go to work today, Zuri. You're on your leave, right?" sabi niya.

Tumango ako. Oo nga pala, may four days pang natitira sa leave ko.

"Mommy!"

Napatingin kaming lahat kay Summer na tumatakbo papunta sa amin. Nakasuot na siya ng school uniform.

Binati muna niya ng good morning na may kasamang halik sa pisngi ang lahat ng tao sa mesang iyon. Nang si Helios na ang babatiin niya ay nakatungo siya at mabilis lang ang ginawang paghalik bago masayang bumaling sa akin.

"Mommy!" Nawala ang ngiti ni Summer nang makita ang suot ko. "You have work? But I want you to take me to school, Mommy." Pagkatapos ay nag-pout pa siya.

Nakangiti ang lahat ng nasa mesa.

Hindi ko naman mapigilan na kurutin ang pisngi niya. "Mommy doesn't have wor—" sabi ko pero natigil iyon nang magsalita si Helios.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon