Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 3

589K 16K 10.5K
                                    

"TMI, BADING! Too much information!" sabi ni Jenica pagkatapos kong magkuwento. Namumula ang mukha niya at pinapaypayan ang sarili.

Tawa naman ako nang tawa. "Sorry. Nadala lang!" sabi ko.

Inirapan niya ako. "My God! Puwede namang i-skip 'yong SPG part, 'di ba? My virgin ears!" Tinakpan pa niya ang dalawang tainga na mas ikinatawa ko. "Sige na! I-continue mo na ang kuwento. 'Kainis."

Huminga muna ako nang malalim at inubos ang tawa ko bago ipinagpatuloy ang kuwento...

Nagising ako na parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. God! I hate hangovers!

Hindi muna ako gumalaw dahil pinapahupa ko muna ang sakit ng ulo ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, pagkatapos ay boses ng isang babae.

"Hon, your mom— Oh, my God!"

Napabalikwas ako sa sigaw na iyon at napangiwi sa pagsakit ng ulo ko. Pero lalo pa yatang sumakit ang ulo ko nang makitang napabalikwas din sa tabi ko ang... boss ko na walang kahit anong saplot sa katawan!

"Ahhh!" tili ko na ikinagulat ni Helios. Napatingin siya sa katawan niya at mukhang doon lang na-realize na nakahubad siya. Dali-dali siyang tumayo at nagsuot ng boxer shorts.

"Ahhh!" tili ko uli nang makitang wala rin akong saplot na kahit ano. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko.

"Helios." Napatingin ako kay Carmilla nang magsimula siyang humikbi. "How... how could you do this to me?" Pagkatapos ay tinakpan niya ng kamay ang buong mukha at doon umiyak nang umiyak.

Doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Pareho kami ng boss ko na nagising sa iisang kama at walang saplot sa katawan. Naalala ko ang mga ungol namin kagabi at ang lahat ng mga nangyari.

I'll be damned.

"C-Carmilla. Hey... it's not what you think," sabi ni Helios na namumutla ang mukha. Hindi alam kung lalapit ba kay Carmilla o ano.

"It's not what I think?!" galit na sabi ni Carmilla. "Sige nga?! Ipaliwanag mo kung ano'ng nangyari! Don't tell me na nag-Bible study kayo ni Zuri dito at pareho kayong nakahubad?!"

Hindi na nakaimik si Helios. Ako tuloy ang binalingan ni Carmilla.

"Zuri... I never thought na magagawa mo sa akin 'to. You, of all people," sabi niya at muling bumuhos ang mga luha.

Hindi ko namalayan pero napaiyak na rin ako.

Nakahihiya. Hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na iyon. Ang masama ay sa ikakasal pa! And worse ay kay Carmilla pa! And much worse dahil sa boss ko pa!

Remind yourself not to get drunk again, Zuri!

"No... Carmilla, please. Let me explain. Walang nangyari."

Napatingin ako kay Helios nang sabihin niya iyon. What the hell? Magsisinungaling siya? Kahit huling-huli na siya sa akto? Napakawalang kuwenta naman ng lalaking 'to.

I gasped when I saw how Carmilla slapped Helios on the face. Siguradong masakit iyon dahil bumakat ang kamay ni Carmilla sa mukha ng lalaki.

"Do you think I'm stupid?! Huwag mo akong gawing tanga, Helios!" Then Carmilla looked at me and I flinched. "Tell me, Zuri. May nangyari ba o wala?"

I saw the hope in Carmilla's eyes. Alam kong kahit nakita na niya kami sa ganitong kalagayan ay umaasa siyang wala pa ring nangyari. That's how much she loved Helios.

I looked at Helios' face. Sinasabi ng mga mata niya na magsinungaling ako. Puwede kong gawin iyon. Puwede kong lokohin na lang din si Carmilla. Pero tuwing nakikita ko ang mga mata niya ay parang hindi ko magawa. Babae rin ako. At alam kong masakit sa kanya pero kailangan niyang malaman ang totoo.

"Meron..." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.

Napapikit ako nang mas lumakas ang pag-iyak ni Carmilla. Alam kong isinusumpa na ako ng boss ko pero hindi ko kasi talaga kayang magsinungaling.

Nang dumilat ako ay nakita kong ibinato ni Carmilla ang engagement ring nila sa dibdib ni Helios na saktong nasalo naman ng lalaki.

"Wala nang kasalang magaganap. Goodbye, Helios," Carmilla said at mabilis na lumabas ng kuwarto.

Nakatitig lang si Helios sa singsing. Seryoso ang tingin niya at hindi talaga gumagalaw. Ako naman ay kinakabahan sa kung ano ang puwede niyang gawin sa akin.

I knew my boss. I knew how ruthless he was. At alam kong hindi niya ako mapapatawad sa nangyari.

Napatalon ako nang buong lakas na ibinato ni Helios ang singsing at malakas na nagmura.

"Goddammit!"

Mabilis siyang nakarating sa harap ko at walang babalang sinakal nang mahigpit ang leeg ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang maramdaman ang sakit. Ibinaon ko ang mga kuko ko sa kamay niya at nagbaka-sakaling bitiwan niya ang leeg ko pero hindi nangyari.

"Remember this, bitch. I will make your life a living hell. Pahihirapan kita hanggang sa magmakaawa kang patayin na lang kita. Be ready." Marahas na binitawan ni Helios ang leeg ko bago mabilis na nagbihis at lumabas ng kuwarto.

Napaiyak na lang ako habang hawak-hawak ang leeg ko. Medyo mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin at siguradong magmamarka iyon sa balat ko bukas.

Doble-doble ang kaba ko nang pumasok kinabukasan. Tama ang hinala ko. Nagkaroon nga ng pasa ang leeg ko kaya naglagay na lang ako ng scarf para matakpan.

Pumasok ako na parang walang nangyari. Binabati ko pabalik ang mga empleyadong bumabati sa akin. Nakangiti pa ako habang ginagawa iyon. Pero nang makatuntong ako sa floor ng CEO ay abot-langit na ang kaba ko. Alam kong tototohanin ni Helios ang banta sa akin kahapon pero wala akong ideya kung ano ang gagawin niya.

Mukhang hindi ko na kailangang maghintay pa nang matagal dahil pagkarating na pagkarating ko sa puwesto ko ay agad na tumunog ang intercom sa table ko.

"Zuri, get in here."

Wala na akong sinayang na oras at agad na pumasok sa opisina ni Helios. Ang una kong napansin ay ang gabundok na mga papeles sa harap ng table niya. Itinuro niya iyon.

"I want soft copies of these," sabi niya na hindi nakatingin sa akin.

"Boss?"

"Send them through my e-mail. At huwag kang uuwi hangga't hindi mo 'yan natatapos."

Napalunok ako sa mga papeles na nasa harap ko. Nasa mga isang libo yata ang pages niyon. At gusto niyang i-type ko ang lahat ng iyon at i-send sa e-mail niya?

Nang hindi ako kumilos ay napatingin na si Helios sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"What are you waiting for, bitch?"

Nangatal ang mga labi ko sa itinawag niya sa akin. Naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko kaya dali-dali kong kinuha ang mga papeles at lumabas ng office niya.

Nakaka-fifty pages pa lang yata ako nang maramdamang kumalam ang sikmura ko. Lunch break na rin pala. Tumayo ako para sana pumunta sa cafeteria at kumain nang marinig kong bumukas ang pinto ng office ni Helios.

"Where are you going?" malamig na tanong niya.

Napalunok ako. "Kakain, Boss."

"Have you already sent the soft copies on my e-mail?" Napatingin pa siya sa table ko para tingnan ang mga papeles na hindi ko pa tapos i-type.

"Hindi ko pa tapos, Boss."

"Then you will never leave your desk until you finish typing those fucking papers!" galit na sabi niya at nilagpasan ako.

"Boss—" pag-alma ko sana pero nagulat ako nangmalakas n'yang sampalin ang pisngi ko. Nalasahan ko pa ang dugo mula sa labi kong mukhang pumutok sa lakas ng pagkakasampal n'ya.

"Pinapasahod kita nang maayos kaya huwag kang magreklamo. I've told you that I will make your life a living hell, right? This is just the start, Zuri. Simula pa lang 'to." Pagkatapos ay sumakay na siya sa elevator.

Nanghihina akong napaupo sa sahig at umiyak nang umiyak. Masakit ang baba, masakit ang leeg at masakit... ang puso.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon