Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Chapter 1

767K 19.1K 3.6K
                                    

"Yaya Tams, iuwi mo agad si Summer after ng class niya, ha? And please, 'wag na 'wag po kayong kakausap ng kung sino-sino."

"May problema ba, Ma'am Zuri?"

Napatigil ako sa ginagawa dahil sa tanong ni Yaya Tams, ang babysitter ng anak ko. Nahalata siguro niya na hindi ako mapakali which was very unusual for me.

"Wala naman, Yaya Tams. Just do what I've said, okay?" Tumango naman siya kaya binalingan ko si Summer na tahimik na nakaupo sa sofa. "Hey, baby. Mommy will go na, okay?"

Naka-pout na nag-angat siya ng tingin. "Can you not go to work today, Mommy, please?" Nag-puppy eyes pa ang anak ko and I felt the urge na gawin na lang ang gusto niya.

Pero alam kong hindi puwede. Kailangan kong pumasok, lalo na ngayon. Kapag hindi ako pumasok ay lalong maghihinala si Helios na may mali. I should act normal.

"Sorry, baby. But Mommy has to go to work especially today. You saw my boss, right? Pagagalitan niya si Mommy kapag um-absent ako."

Nagliwanag ang mukha ni Summer. "Your boss who has the same eyes as mine?"

Napalunok ako. "Yes."

Simula nang magkaisip si Summer ay palagi na lang niyang itinatanong sa akin kung bakit ganoon ang kulay ng mga mata niya. Ang sa akin kasi ay kulay-brown at sa kanya ay electric blue.

Just like her father.

Kaya nang makita niya si Helios ay ganoon na lang ang tuwa niya dahil nakakita na rin siya ng kagaya ng kulay ng mga mata niya. Oh, well. He was her father. At ang mga mata lang ni Helios ang nakuha rito ni Summer.

Matapos ang ilan pang pilitan ay pumayag na rin ang anak ko na makaalis ako. Pero hindi ako dumeretso agad sa trabaho. Sa halip ay pumunta ako sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko.

"O, bading, kay aga mo yatang mambulabog?" bati ni Jenica pagkapasok ko. Agad kaming pumuwesto sa may gilid.

"Jen, he... saw," sabi ko at nagsimulang mangatal ang aking mga labi. Napasabunot pa ako sa buhok ko. "He saw."

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. No. Hindi niya puwedeng kunin sa akin ang anak ko. She's my everything.

"Teka nga," sabi ni Jenica at inabutan ako ng tissue. Ginamit ko iyon pamunas ng mga luha ko. "Para kang baliw riyan. Umiiyak basta-basta. From the start kasi!"

"Helios saw my daughter."

Nanlaki ang mga mata niya. Napatakip pa siya sa bibig. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig para magsalita pero agad ding itinikom.

Napairap ako. "Para kang baliw riyan."

"O to the M to the G! Helios? As in Helios Gallagher? Your daughter's father?!"

Tinampal ko ang bibig ni Jenica. Nakaiinis! Paano kung may nakasunod na sa aming tauhan ng Gallagher na iyon at marinig ang bibig ng kaibigan kong 'to?!

"Gusto mong bigyan pa kita ng megaphone?" inis na sabi ko.

"Teka... Teka... I can't breathe." Pinaypayan pa ni Jenica ang sarili.

Napairap uli ako. "Ikaw ba ang nanay ni Summer o ako?"

Hinintay ko munang kumalma ang kaibigan ko. Humingi ako ng isang baso ng tubig sa isang server at ibinigay iyon sa kanya.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Jenica pagkatapos makainom ng tubig. Mukhang kumalma na rin siya.

Ikinuwento ko ang nangyari kahapon. Kung paano nawala si Summer. Kung paano ko siya nakita. Kung paano tingnan ni Helios si Summer at kung paano niya tinanong kung anak ba niya ito.

"Tingin mo, may ideya na siya?"

"Hindi ko alam," sabi ko.

Pero sino ba ang niloko ko? Hindi itatanong ni Helios kung anak niya si Summer kung hindi siya nagduruda. Siguradong pinaiimbestigahan na niya ang anak ko ngayon.

"Ano'ng plano mo?"

Natigilan ako sa tanong ni Jenica. Ano nga ba ang plano ko? Hindi magtatagal ay malalaman din ni Helios ang totoo. He had his ways for everything. At kapag nalaman niyang anak nga niya si Summer ay siguradong kukunin niya ito sa akin.

"Itatago ko ang anak ko." Nanginig ang bibig ko nang sabihin iyon kay Jenica.

"You'll play the runaway girl again? Tingin mo, hindi ka niya hahanapin? Noong una, hindi ka niya hinanap dahil hindi niya alam na buntis ka. Pero kapag nalaman niyang may anak na siya, for sure babaliktarin niya ang mundo mahanap ka lang."

"He doesn't love me," sabi ko na parang iyon na ang kasagutan sa lahat.

"Yes, but you have his daughter. Bakit hindi mo na lang hayaang makasama niya ang anak mo? Malay mo, pumayag siyang maghati kayo sa oras ni Summer."

Umiling ako. Kilala ko si Helios Gallagher. Araw-araw ko siyang nakakasama sa trabaho. Araw-araw kong nararanasan kung gaano siya kalupit sa mga empleyado niya. And once na malaman niya ang tungkol kay Summer, kukunin at ilalayo niya sa akin ang anak ko.

"Ano ba kasi'ng nangyari, Zuri? Bakit mo hinayaang magkaanak sa lalaking 'yon? He's like a devil in a business suit. Hindi mo naman puwedeng sabihin sa akin na aksidenteng na-shoot lang, pagkatapos ay nabuo na si Summer, 'di ba?"

Napatingin ako kay Jenica. Wala pa kasi akong pinagkukuwentuhan ng mga nangyari sa akin noon. But maybe it was time to let her know kung ano ang nangyari five years ago. Para malaman niya kung bakit ganoon ko na lang itago ang anak ko kay Helios. Jenica was one of my true friends.

Nagsimula na akong magkuwento.

"It all started with this charity party na in-organize ng mga Gallagher."

A party that I never thought would change my life.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon