Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 5

594K 17K 4.9K
                                    

Nang matapos akong magkuwento ay nakita kong umiiyak na si Jenica. Pinupunasan niya ng panyo ang pisngi at napangiwi ako nang suminga pa siya doon.

"Okay ka lang?" tanong ko pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" tanong din niya at lalo pang umiyak.

Natawa na lang ako. Wala akong sinabihan sa ginawang pananakit sa akin ni Helios. Kahit ang mga magulang ko. Masyadong masakit ang mga dinanas ko at hindi ko kayang balikan pa iyon. Pero hindi ko akalain na maikukuwento ko ang lahat kay Jenica nang hindi umiiyak. Mas gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Masyado kasing masakit pa sa akin noon kaya hindi ko nagawang magkuwento kahit kanino. But I'm glad now. It seems like I've already moved on." Ngumiti ako.

Nagulat ako nang basta-basta na lang tumayo si Jenica at pagbalik ay may hawak nang bread knife.

"Ano'ng gagawin mo riyan?" tanong ko.

"Papatayin ko ang hinayupak na lalaking 'yon! Hayup siya! Matapos niyang magpakasarap sa 'yo, gagano'nin ka niya? Putulin ko ang daks niya, eh!"

Tawa lang ako nang tawa sa sinabi ni Jenica. Galit na galit din kasi ang mukha niya. Ang sarap pala sa feeling na may ganitong kaibigan. Iyong handa kang ipaglaban. I wondered kung noon ko pa kaya ito sinabi kay Jenica, mas naging madali kaya ang buhay ko?

Napatigil kaming dalawa nang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Speaking of the devil.

"Sino 'yan?" tanong ni Jenica nang makita ang pagngiwi ko.

"The devil in a business suit," sagot ko at nakitang wala sa sariling naibaba niya ang bread knife. Tumawa na lang ako at sinagot ang tawag.

"Where are you?" agad na tanong ni Helios kahit hindi pa ako nakakapagsalita.

Tiningnan ko ang relo ko. "I still have forty minutes before my work, Boss," sabi ko, hindi sinasagot ang tanong niya.

"You'll go to work today, right?"

Napataas ang kilay ko. Ano na naman ang problema ng lalaking 'to? It was very unusual na hanapin niya ako o tanungin kung papasok ako sa trabaho o hindi.

Hindi kaya uungkatin niya kung sino ang ama ni Summer Frost? O iyong tungkol sa pagkikita namin sa mall noong nakaraan?

Bigla akong kinabahan sa isiping iyon.

"Zuri?" untag niya sa kabilang linya.

Tumikhim ako bago sumagot. "Yes, Boss."

I heard him sigh. "All right, bring me coffee when you get here."

Hindi pa man ako nakapagsasalita ay narinig ko na ang dial tone sa kabilang linya.

Binabaan ako? Talk about manners. Mabuti na lang at hindi namana ni Summer Frost ang ugali ng ama niya.

"Ano'ng sabi?" tanong ni Jenica nang itago ko ang phone ko sa bag.

Nagkibit-balikat ako. "Hinahanap ako."

"Tingin mo may alam na siya?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jenica. Napangiti na lang ako. She loved my Summer Frost, too. At sobrang nagpapasalamat ako dahil lumaki man ang anak ko na walang ama, marami namang nagmamahal sa kanya.

"I don't know. Siguro wala pa. Knowing Helios, hindi 'yan mag-aaksaya ng oras na hanapin ako noon kung alam niyang may anak siya."

"Ano na'ng plano mo?"

Napatigil ako sa tanong na iyon ni Jenica. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin. Nahahati ang isip ko. Kapag naaalala ko ang mga ginawa sa akin ni Helios noon ay gusto kong itago na lang ang anak ko sa kanya. Ayokong makilala niya ang anak ko. Pero kapag naiisip ko si Summer na lumalaking walang ama, naaawa ako sa anak ko. Alam ko kung ano ang pakiramdam nang walang mga magulang. Kahit naman inampon ako ng mga Fitzgerald, hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na may kulang sa pagkatao ko.

"Basta, bading..." sabi ni Jenica kaya tiningnan ko siya. "Nandito lang ako, ha? Kung mag-decide ka man na itago uli si Summer sa ama niya, support pa rin kita. Alam ko namang para sa ikabubuti ni Summer ang magiging desisyon mo."

Napangiti ako at niyakap siya. "Salamat, Jen."

Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkalabas ko ng coffee shop ni Jenica. Tama lang ang desisyon ko na sabihin sa kanya ang lahat.

Agad na akong pumunta sa Gallagher Empire. Nang makarating doon ay pumunta muna ako sa pantry at nagtimpla ng kape para sa boss kong ipinaglihi sa dragon.

Kumatok ako nang tatlong beses sa office ni Helios at agad na pumasok kahit hindi pa siya sumasagot. Naabutan ko siyang may kung anong mga papeles na pinipirmahan.

"Here's your coffee, Boss," sabi ko at inilagay sa harap niya ang kape.

May kinuha siyang isang kapirasong papel at ibinigay iyon sa akin na agad ko namang kinuha. "Make a report out of that. I need that for the presentation tomorrow."

"Okay, Boss," sabi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. "Is there..." Tumikhim ako. "Is there anything that you need?"

"What's my schedule for today?" tanong niya at sumandal sa swivel chair pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa akin.

Kinabahan na naman ako. "A-ahm..." Tumikhim uli ako. "You have a lunch meeting with Mr. Dwayne Lovewood. At one thirty PM, you have a business proposal meeting with the Canadian investors. At three PM, you a have meeting with the board of directors."

"Is that all?"

"Yes, Boss," sagot ko at huminga nang malalim.

Naghintay pa ako ng iba pa niyang sasabihin pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Kinurot-kurot ako ang mga daliri ko sa kamay para sana maibsan ang kabang nararamdaman ko. Pero bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko kaya itinigil ko ang pagkurot at muling tumikhim.

"Is there anything that you need, Boss?" tanong ko pero hindi na nagsalita si Helios at muling tumitig lang sa akin. "If that's all, I'll take my leave now," sabi ko at nagmamadaling tumalikod.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay nagsalita siya.

"Summer Frost... Fitzgerald."

Napatigil ako at agad na humarap sa kanya. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko at halos himatayin na ako nang sabihin niya ang buong pangalan ng anak ko.

"B-Boss?" nauutal kong sabi. I cursed at myself mentally. Hindi niya dapat mahalata na kinakabahan ako.

"That's your daughter's name, right?"

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero lalo lang yata akong kinabahan. "Yes, Boss."

Umigting ang panga ni Helios. Alam kong nagagalit na naman siya. May alam na kaya siya? Does he know the truth already?

"Siguruhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo, Zuri," he said. I shivered at the way he looked at me. "Alam mo naman kung paano ako magalit, 'di ba?"

Tumango ako at dali-daling lumabas ng opisina niya. Naupo ako sa puwesto ko at napasabunot sa sariling buhok.

"Hindi pa niya alam... Hindi pa niya alam... Calm down... Calm down..." paulit-ulit kong sabi para pakalmahin ang sarili ko.

Oh, God. What should I do? What should I do?

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon