Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 7

616K 19.3K 9.3K
                                    

"I can show you the world. Shining, shimmering, splendid. Tell me, princess... nanananana... let your heart decide."

Napangiti ako nang marinig ang boses ni Summer na kumakanta nang madaanan ko ang kuwarto niya. Binuksan ko iyon at naabutan siyang nag-aayos ng damit na dadalhin para sa flight namin bukas.

Nang pumasok ako ay itinuloy niya ang pagkanta. "I can open your eyes..."

"Take you wonder by wonder. Over sideways and under on a magic carpet ride..." pagkanta ko rin.

"Mommy!" Lumapit sa akin si Summer at nagpakarga. Binuhat ko naman siya at umupo kami sa kama habang sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"What are you doing, baby?" tanong ko. Naalala ko tuloy noong baby pa siya. Palagi ko siyang kinakarga at kinakantahan para makatulog. Somehow, she really loved the sound of my voice.

"I'm helping you pack my things, Mommy." Umikot siya paharap sa akin. "Mommy, I'm really excited for tomorrow!"

"You're excited to leave the Philippines?" pang-aasar ko.

Nag-pout siya. "Yes..." mahina niyang sabi. Natawa ako sa pag-amin niyang iyon. "They always say things about my eyes. Even my classmates. They were always acting like it's their first time to see people with blue eyes. Poor them," mataray na sabi niya na may kasama pang pag-irap kaya lalo akong natawa.

"That's why you love New York kasi there's a lot of people there who have blue eyes din like yours, right?" sabi ko dahil kilalang-kilala ko ang anak ko.

"Yes, Mommy. Here kasi, they are treating me like an alien when it was them who look like an alien. Hmp!"

Shit lang! Ang taray ng anak ko!

"How about your boss, Mom?" tanong ni Summer pagkaraan.

Natigilan ako.

"Are they treating him like an alien, too?"

Natahimik ako. Mukhang kahit hindi pa alam ni Summer ang totoo ay curious na agad siya kay Helios. Dahil lang magkapareho... ang mga mata nila.

Ano kaya ang mararamdam ni Summer kapag nakikilala niya ang kanyang ama?

"Summer?"

"Yes, Mommy?" sabi niya, nakatuon sa akin ang buong atensiyon.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung itatanong ko ang tungkol doon. Was this the right time? O kailangan ko pang maghintay hanggang sa lumaki siya?

"Do you want to meet your father?"

Hindi ko inalis ang mga mata kay Summer nang itanong ko iyon. Nakatingin lang siya sa akin at kinakabahan ako sa isasagot niya.

Kahit kailan, kahit isang beses ay hindi hinanap sa akin ni Summer ang kanyang ama. Hindi siya nagtanong at wala akong ideya kung bakit. Ang alam ko, palaging hinahanap ng mga bata ang mga magulang nila. Kagaya kung paano ko hanapin ang papa ko noong bata ako.

Pero iba si Summer Frost.

Pero kahit ganoon, alam kong nangungulila rin siya sa ama. Nakikita ko kung paano niya tingnan ang mga may kumpletong pamilya kapag namamasyal kami sa mall. And it always breaks my heart.

Tumungo si Summer at pinaglaruan ang mga daliri. "I don't know, Mommy," mahinang sabi niya. Ilang sandali pa ay tumingin sa akin. "Do you want me to meet my father?"

Pinigilan kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit ibinalik niya sa akin ang tanong. Gusto kong sabihin na ayoko. Ayokong makita o makilala niya ang kanyang ama. Pero alam kong pansariling kagustuhan ko lang ang iniisip ko. Paano naman ang anak ko? I knew that she needed to meet her father.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon