Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 6

592K 16.7K 2.4K
                                    

Nakaalis na si Helios para sa lunch meeting niya pero heto ako at nakatulala lang. Tinatapos ko na dapat ang ipinagagawa niyang report pero hindi kasi maalis sa akin ang nangyari kanina.

Alam na ni Helios ang buong pangalan ni Summer. Ibig sabihin ay nag-iimbestiga na nga siya. And sooner or later, malalaman na rin niya kung sino ang totoong ama ni Summer. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na mangyari iyon.

Pero siguradong kukunin niya ang anak ko. Alam na alam ko iyon. He would do everything para makuha si Summer. At kahit ipaglaban ko pa ang karapatan ko sa korte, alam kong siya ang mananalo. He was a powerful billionaire. Isang bayad lang niya ay makukuha na niya ang gusto.

At isa lang ang paraang naiisip ko ngayon. And that was to hide his daughter again. Pero kapag nahanap niya kami ni Summer... saka ko na lang poproblemahin 'yon.

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at nagtaka nang makitang si Mrs. Gallagher ang tumatawag.

"Hello, Ma'am?" sabi ko pagkasagot ng tawag.

"Zuri! I'm here at the restaurant near the building. Join me for lunch, hija."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko pa tapos ang ipinagagawa ng boss kong ipinaglihi sa dragon. Baka magalit na naman iyon.

"Ma'am, kasi—" apela ko pero napatigil ako nang magsalita uli siya.

"Don't worry about my son. I already told him that you'll have lunch with me. I'll wait for you, ha? Bye!"

Hindi na ako nakapagsalita nang binabaan niya ako ng tawag. At least napaalam siya bago tinapos ang tawag. Unlike her son.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Maganda na rin siguro 'to para makausap ko si Mrs. Gallagher tungkol sa pinoproblema ko. Baka matulungan niya ako sa pagdedesisyon kung ano ang dapat gawin.

Nagligpit na muna ako ng mga gamit ko sa table bago umalis. Mahirap na. Baka mauna pang makabalik ang boss ko at bugahan na naman ako ng apoy kapag nakitang makalat ang table ko.

Agada ko rin namang nakita si Mrs. Gallagher nang makarating ako sa restaurant. Nag-order muna kami ng pagkain bago niya ako kinausap.

"How are you, hija? I hope na hindi ka pinahihirapan ni Helios sa trabaho?" tanong niya bago sumubo ng pasta.

"I'm fine with my work, Ma'am. Hindi naman ako pinahihirapan ng boss ko." Hindi katulad dati.

Sumimangot siya. "Zuri, I've told you to call me 'Tita.' Ikaw ang nanay ng apo ko so stop calling me 'Ma'am.'"

Napangiwi ako. Ilang beses na kasi niyang sinasabi sa akin na tawagin ko siyang "Tita" pero hindi ko ginagawa. Naiilang kasi ako. I mean, siya pa rin naman ang nanay ng boss ko.

"Sorry, Ma'am. Baka po kasi magtaka si Helios kung bakit 'Tita' ang tawag ko sa inyo."

"The hell with my son!" Nanlaki ang mga mata ko nang murahin niya ang sariling anak. "Huwag mong pansinin ang anak kong 'yon. Basta, I want you to call me 'Tita.'"

"Okay po, Tita," I said para lang tumigil na siya.

Napangiti naman siya. "Good."

Ilang sandali kaming kumain nang tahimik bago uli nagsalita si Mrs. Gallagher.

"How's Summer, by the way? How's my adorable apo?"

Napangiti ako nang banggitin niya ang anak ko. Summer was really my happy pill. "'Ayun, cute pa rin," sabi ko.

Natawa naman si Mrs. Gallagher. "Hades should see her, too! For sure my husband will love Summer, too!" ngiting-ngiting sabi niya pero ako naman ay napangiwi.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon