Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 10

608K 16.6K 8.4K
                                    

"Mommy, are we going somewhere again?"

Panay ang tanong sa akin ni Summer habang nag-eempake kami. Dadalhin ko na rin kasi ang lahat ng mga gamit niya sa pupuntahan namin.

"Baby, I told you that we're going to live with your lola and daddy from now on, right?"

"Do we really need to live with them, Mommy?" nakangiwing tanong niya.

Mukhang ayaw talaga ni Summer kay Helios. Hindi maganda ang naging first impression niya sa ama. Kunsabagay, ako rin naman ay ayaw ko sa boss kong iyon na ipinaglihi sa dragon.

Pero hindi dapat nagtatanim ng sama ng loob si Summer sa kanyang ama. Ayokong lumaki siyang may galit sa puso. Hindi iyon makabubuti para sa kanya. Kaya sana ay bumawi si Helios kahit man lang sa anak ko.

Pagkatapos naming mag-empake ay sakto namang pagtunog ng doorbell. Binuksan iyon ni Yaya Tams at sinabing may mga nakaunipormeng lalaki raw sa labas. Iyon na siguro ang maghahatid sa amin papunta sa mansiyon ng mga Gallagher.

Sumakay na kami sa kotse kasama si Yaya Tams. Mabuti at pumayag si Mrs. Gallagher na si Yaya Tams na lang ang maging babysitter ng anak ko. Ayoko kasing kumuha pa kami ng bago at baka manibago si Summer.

Sobra-sobra ang kaba ko nang makapasok na ang kotse sa malaking gate ng mansiyon ng mga Gallagher. Hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang mga tao roon. Sina Mrs. Gallagher at Helios lang kasi ang madalas kong makita. Samantalang ang ibang Gallagher ay nakikita ko lang kapag may meeting o hindi kaya ay may formal party silang dinadaluhan at imbitado rin ako.

"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver kaya agad na kaming bumaba ng anak ko.

"Summer!"

Nakita ko ang mag-asawang Gallagher sa may pinto pa lang ng mansiyon. Mabilis na lumapit si Mrs. Gallagher kay Summer at kinarga ito.

"Lola!" ngiting-ngiting sabi ng anak ko na hinalikan pa sa pisngi ang ginang.

"Is this... is this my granddaughter?" hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Hades Gallagher. Nakita kong maluha-luha pa siya.

"Zuri, sila na ang magdadala ng mga gamit n'yo," sabi sa akin ni Mrs. Gallagher at binalingan si Yaya Tams na tahimik na nakatayo sa tabi ko. "Yaya Tams, go with them. They'll show you to your room."

Inilabas ng mga kasambahay ng mga Gallagher ang mga gamit namin sa kotse at ipinasok sa loob ng mansiyon. Sumunod naman si Yaya Tams sa kanila.

Nang pagbaling ko ay napansin kong buhat na si Summer ng lolo nito.

"Lolo, you have the same eyes as mine!" maligayang sabi ng anak ko.

"Ganoon talaga. Malakas ang genes ko, eh," natatawang sagot naman ni Mr. Gallagher.

Pumasok na sila kaya sumunod na rin ako.

Nakikita kong welcome kami ni Summer sa bahay na ito. Giliw na giliw ang mag-asawa sa anak ko. Alam kong mamahalin din nila si Summer.

"Oh, my gosh! Is that my pamangkin?!"

Napatingin ako nang marinig ang sigaw na iyon. Nakita ko si Artemis na kasama ang kakambal na si Apollo na nakatayo malapit lang sa may pinto na parang hinihintay kami.

"Wow!" sabi ng anak ko at titig na titig kay Artemis. "You look like a goddess."

"Aww... Thank you," madramang sabi ni Artemis bago ako binalingan. "Your daughter is so honest, Zuri. You raised her well."

Nagtawanan kaming lahat.

"Hey..." Napalingon ako kay Apollo na nasa gilid ko na pala. Niyakap niya ako. "Welcome to Gallagher family, Zuri."

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon