Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 9

587K 16.2K 4.9K
                                    

"Why don't we all go inside and talk first?" sabi ni Mrs. Gallagher, saka pumasok sa loob ng vacation house kaya wala kaming nagawa ni Helios kundi ang sumunod sa kanya.

Pinaakyat na muna ni Mrs. Gallagher si Summer sa itaas at nagpaakyat din ng mga laruan para malibang ang anak ko. Naupo si Mrs. Gallagher sa pang-isahang sofa habang kami naman ni Helios ay magkaharap na nakaupo.

Kinabahan ako sa sinabi ni Helios kanina. Gusto niyang umuwi kami sa Pilipinas at gusto niyang kasama ako? Ano ang gagawin niya sa Pilipinas? Tototohanin kaya niya ang sinabi na ilalayo sa akin ang anak ko? Kung ganoon nga ay hindi niya ako mapapapayag na umuwi sa Pilipinas. Magkamatayan na.

"I can't believe you knew about this, Mom?! At kailan pa?!" tanong ni Helios sa kanyang ina.

Tinaasan lang siya ni Mrs. Gallagher ng kilay at maarteng uminom ng kape. "Two years ago? One year?" kibit-balikat na sabi ng ginang at muling uminom ng kape.

"And you didn't tell me about this?!"

Naiinis nang binalingan ni Mrs. Gallagher ang anak. Ako naman ay tahimik lang na pinanonood ang dalawa. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano dahil parang nakalimutan na nilang nandito ako.

"Son, hindi na ako magtataka kung bakit itinago ni Zuri ang anak n'yo. Sa ugali mong 'yan?"

"Damn," mahinang bulong ni Helios bago siya galit na bumaling sa akin. "Kukunin ko ang anak ko."

Kinabahan ako. Mukhang desidido na talaga siyang kunin si Summer sa akin. At alam kong kayang-kaya niyang gawin iyon.

"No... Please, Boss... 'Wag ang anak ko," sabi ko. Nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko pero agad ko rin iyong pinunasan. Hindi dapat ako magmukhang mahina sa harap niya. Baka lalong hindi niya ibigay sa akin si Summer kapag nakita niyang kayang-kaya niya akong durugin anumang oras.

Mukhang hindi man lang natinag si Helios at mas malamig ang mga matang tiningnan ako. "Don't worry. I'll pay you for those five years na pag-aalaga mo sa anak ko. Magkano ba'ng gusto mo? Five million? Ten? One billion? Name it." Humalukipkip siya at sumandal sa backrest ng sofa.

Nainsulto ako sa sinabi niya. Ano ang akala niya sa anak ko? Laruan? Na puwedeng bilhin basta-basta? Napakasama talaga ng lalaking 'to! Kung puwede lang sana ay hindi na siya makilala ni Summer.

"Hindi ko kailangan ng pera mo," I said through my gritted teeth. Sa isip ay pinapatay ko na si Helios nang paulit-ulit.

Tumawa siya. Then he smirked at me. "'Di ba 'yon naman ang gusto mo? You planned this. That's why you entered my room that night, right?"

"Ilang beses ko bang sasabihin bago mo maisaksak sa kukote mo na si Apollo ang nagdala sa akin doon? I was drunk!"

Nagulat ako nang malakas na hampasin ni Helios ang mesa sa harap namin. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero hindi ako nagpatalo at galit din siyang tiningnan.

"You know what? I don't care," galit niyang sabi. "We will go back to the Philippines, kukunin ko ang anak ko and I'll change her surname into Gallagher."

Helios looked determined at gusto kong maiyak dahil alam kong tototohanin niya ang sinabi. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Please, Boss... Don't take her away from me." Not my Summer Frost. Not my daughter.

"Stop it. Both of you," sa wakas ay sabi ni Mrs. Gallagher na tahimik lang na nanonood sa amin kanina pa. Ibinaba niya ang tasa at seryoso akong tiningnan. "Zuri, hindi niya kukunin ang anak mo sa 'yo."

"Mom!" angal ni Helios kaya binalingan siya ng kanyang ina.

"Helios, you will not take the child away from her mother." Mariin ang bawat salita ni Mrs. Gallagher.

Hiding The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon