“Luegan,ikaw na munang bahala diyan ha at may nag-aapply.”bungad sa'kin ni Aling Gorya,pagdating na pagdating niya.
Kabubukas pa lang nang restaurant kaya wala pang costumer at wala pa din akong ibang kasama maliban na lang sa cook namin na dumiretso na sa termino niya.
“Ipapalit ko kay Besty,masyadong makupad.Palagi pang wala.”Bubulong-bulong ni Aling Gorya.
Sumunod na pumasok ang lalakeng iniwan ko lang sandali kanina.Napakunot ang noo kung sinundan siya nang tingin sa maliit na kwarto na nagsilbing opisina ni Aling Gorya.
Ngunit hindi ko na napansin ang kanyang paglabas nang sunod-sunod na pumasok ang mga taong suki na nang restaurant.
Sikat ang restaurant ni Aling Gorya sa buong bayan nang Santiago bukod sa ito lang ang pinakamalaking restaurant sa buong bayan,sobrang galing din nang nakuha ni Aling Gorya na cook at lahat nang niluluto niya ay patok na patok.Kaya minsan ang mga kumain na dito nang agahan ay bumabalik pa sa tanghalian at hapunan.
Sa sobrang busy ay hindi ko na napansin kung dumating na ba iyong iba kung kasama.Tuloy-tuloy lang ako sa paghahatid at pagkukuha nang order na hindi alintana ang paligid ko.
“Waiter!”
May biglang nagtaas nang kamay kaya mabilis ang kilos na lalapitan ko na sana ito nang may pumigil sa braso ko.
“Ako 'yon,pahinga ka.”
Nabigla ako at walang nagawa kundi sundan lang siya nang tingin papunta sa dapat sanay puntahan ko.Nakatunganga lang ako at hindi makapaniwala hanggang sa makabalik siya sa pwesto ko.
Bagay na bagay sa kanya ang puting pulo na pinaresan nang itim na slacks at itim din na sumbrero.
“Alam kong gwapo ako pero nakakabawas nang kagandahan mo ang paglalaway mo sa'kin.”Biglang bulong niya nang makadaan siya sa tabi ko.
Napatikom naman ako nang bibig na hindi ko namalayang nakabukas na pala.Nakakahiya!
“Aling Gorya!!”Nagmadaling lumabas nang kanyang kwarto si Aling Gorya sa sigaw ko.Gulat na gulat pa ang kanyang mukha na nilibot nang tingin ang loob nang kanyang restaurant.
“May sunog ba?”Nanlalaki ang kanyang mga matang sinilip ang kusina.
“Aling Gorya,bakit niyo tinanggap ang taong 'yan?”halos pabulong kong tanong at tinuro si Josan.“hindi niyo ba alam na iyan ang estrangherong pinatuloy ni Manong Diosdado?”
“Ayyys,ikawng bata ka.Akala ko ano na.”Muli siyang pakembot-kembot na naglakad papasok nang kanyang kwarto.
“Aling Gorya,”muli kong tawag sa kanya kaya lumingon ulit siya sa direksyon ko.“Paano na iyong iba kung kasama?”
“Nag-absent 'yong isa tapos 'yong dalawa pa,dinispatsa ko na.”sagot lang niya saka muling pumasok sa kwarto niya.
Napasimangot nalang akong sinundan ito nang tingin.
“Ayaw mo ba sa'kin dito?”Sinilip niya ang mukha ko kaya sinamaan ko siya nang tingin.
“Lagi na nga kitang nakikita sa bahay pati ba naman dito?”bahagya ko siyang itinulak nang pilit parin niyang sinisilip ang mukha ko.“magsasawa ako sa pagmumukha mo bago ko pa man makikita ang alien na sinasabi mo.”
Umalog ang balikat niya nang mahina siyang natawa.Ipinatong niya ang braso sa counter at mas lalo pang sinilip ang mukha kong pilit iniiwas sa kanya.
“'Yong mga alien nga hindi nagsasawa sa pagmumukha kong mula bata ay nakita na nila.”
“Eh ikaw lang ang may hitsura do'n eh.”
“Lahat naman sila may hitsura,hindi nga lang maiguhit.”
Napatingin ako sa kanya.Ngumiti siya sa paraang nakikita ko ang mapuputi niyang ngipin kaya hindi ako nakatiis at pinisil ko ang matatangos niyang ilong.Natatawa naman siyang umatras palayo sa'kin.
“Sya nga pala,hindi mo man lang ba ako iwe-welcome?”biglang tanong niya at binitbit ang tray na may lamang pagkain.“Wala na nga akong welcome party sa bahay mo pati sa trabaho,wala rin?Anong silbi nang pagkababae mo?”
Napasinghap akong sinundan siya nang tingin sa isang mesang naghihintay sa kanya.Kinuha ko na rin ang isang tray at hinatid naman sa katabi lang din niya.
“Hoy,wag mong kinukwestyon ang pagkababae ko!”Sinundan ko siya papuntang counter saka siya hinarap.“ikaw ang biglang pumasok sa bahay at trabaho ko na walang babala kaya iwelcome mo ang sarili mo.”
“'Yong mga aliens yumuyuko sila kapag dadating ako,hindi mo ba gagawin 'yon?”
Umirap ako sa kanya kaya ngumiti na naman siyang tumitig sa'kin.“E di bumalik ka do'n.”
Mas lumapit siya sa'kin hanggang sa magkadikit na ang mga braso namin.Natigilan ako at hindi nakakilos nang parang kinoryente ang braso ko sa simpleng pagdikit lang na iyon.
“Bakit pa ako babalik doon nandito na ang aanakan ko,”bulong niya.
Muli nalang akong napairap.Araw-araw ko nalang na nariring 'yon,nasasanay na ang tenga ko.Kung nakakabuntis lang ang bawat banggit niya no'n,sigurado ako nakakarami na kami.
“Landi mo talagang alien ka.”
Mas lumapad ang ngiti sa labi niya.“thank you.”
Napangiwi nalang ako.Wala talagang nakakasira sa mood nang taong 'to,masyadong masayahin.
“Wala talagang welcome?”Muling tanong niya.
“Welcome.”Sarkastiko kong sabi na binagayan ko nang pang-iinsulto na ngiti.
Yumukod siya sa harap ko para pumantay ang mukha niya sa'kin kaya nawala ang kanina'y nang-iinsulto kong ngiti at bahagyang nagpanic ang kalooban ko.
“Thank you...”mahina niyang sabi habang mas lumalapit pa ang kanyang mukha sa'kin.Mariin akong napapikit at napakagat-labing hinintay ang susunod niyang hakbang.“....love.”at tila tumigil ang mundo ko nang dumampi ang labi niya sa pisngi ko.
Tumahimik ang buong paligid at tanging malalakas na tibok nang puso ko na lamang ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...