Epilogue

0 0 0
                                    

Everything is just too perfect to the point na natatakot na akong baka panaginip lang 'to o kung hindi naman baka may manggulo sa pinakamasayang parte nang buhay ko.Napaparanoid na ako,oo, pero wala akong magawa.

Tumugtog ang musika at bumukas ang pintuan nang simbahan. Bumungad sa'kin ang red carpet at puting bulaklak na nakahilera sa bawat gilid.Nakangiting mukha nang mga taong nagkaroon nang malaking parte sa buhay ko at mga petal na ginawang confitte sa harap ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa bouquet nang bulaklak at nagsimulang naglakad papasok nang simbahan.

Napakagat-labi ako para pigilan ang paglabas nang iba't-ibang emosyon nang makita ko si Daddy papunta sa'kin.He smiled as he offered me his shoulder.

“I didn't realize how big you are already until I see you now in your white wedding gown,”he whispered as we walked down the isle.

“Dad,I'm still your baby at madagdagan pa ako,”Masaya akong ngumiti sa kanya ngunit sumimangot lang siya.

“Kahit kailan yata hindi ako maging handa na makita kang malaki ang tiyan.”

Natawa ako kaya napangiti na rin siya.Pero napasimangot ako nang makita si Josan sa harap at naghihintay sa'kin.Gosh,ayokong umiyak.Nakangiti siya ngunit halatang hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya.He would rubbed his hand together,minsan ngingiti,mapapakagat-labi,huhugot nang malalim na buntong-hininga at nag-iexhale at inhale.

Lumaki ang ngiti niya nang huminto na kami ni Daddy sa harap niya.

“Kinakabahan ka?”I asked him.

Ngunit si Daddy ang sumagot.“Dapat lang.Nakataya dito ang itlog niya.”

“Dad!”Saway ko dito ngunit nagkibit-balikat lang siya.

“So Sir,can I call you Daddy now?”Josan asked at ngiting-ngiti siya na parang umaasa na this time oo na ang isasagot ni Daddy.

“Hindi pa tapos ang kasal,marami pang pwedeng mangyari sa loob nang isang oras.”

Bumagsak ang balikat ni Josan as he stared at my father na parang wala lang namang pakialam sa reaksyon niya.

Napapailing na hinila ko nalang si Josan paharap sa paring nakatalagang magkasal sa'min.

“Bilisan na natin,father para matapos na 'to.”Bulong ko kay father.

Siniko ako ni Josan kaya nilingon ko siya.“Can't wait to make a baby?”nakangising tanong niya.

“We have so much time to make a baby,love.”bulong ko rin sa kanya.Masyadong maingay ang paligid para magkaroon nang normal na usapan.“ang ayoko lang mangyari ay ang maudlot ang kasal natin kapag may alien na namang biglang susulpot.”

He leaned on me as he whispered,“ako lang ang nag-iisang alien dito,love.You don't have to worry.”

“Ahhmm.”

Gulat kaming napaayos nang tayo ni Josan nang tumikhim sa harap namin si Father.I totally forgot na nasa harap pa pala namin siya.

“And you're gorgeous today and everyday,”pahabol na bulong niya kaya tahimik akong natawa.“you take my breath away..again.”

Sinundot ko siya sa tagiliran para umayos na siya lalo na't ang sama na nang tingin ni Father sa kanya.

“Sorry,Father.I just love my wife so much that I can't wait to give him a dozen baby.”

I giggled ngunit napayuko ako sa hiya.Still the Josan I knew,sobrang bulgar at sobrang ingay.


“I,now pronounce you,husband and wife.”Anunsyo ni Father.“You may now kiss the bride!”

Humarap kaming pareho ni Josan sa isa't-isa habang hindi parin mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi.

Inalis niya ang veil sa mukha ko at kinagat-kagat ang labi para basain iyon as he smiled na tila sinasadyang patagalin ang kanyang halik para inipin ako.

Napanguso akong tinitigan siya.“Kiss me already,”utos ko kaya mahina siyang natawa.

“Gusto ko this time ikaw ang hahalik sa'kin,love—”

Hindi ko na siya pinatapos pa.Hinawakan ko ang kanyang damit at hinila siya palapit.Sinunggaban ko nang halik ang labi niya na at hindi ito binitawan hanggang sa naramdaman kong tumugon narin siya.

Pumuno sa loob nang simbahan ang palakpakan nang mga tao kaya napilitang maghiwalay kami ni Josan.Humarap kami sa lahat na magkahawak-kamay.

Lumapit sa'min si Daddy as he gave us both a hug.Namumula ang kanyang mga mata na halatang galing sa pag-iyak.

“Daddy,”malambot ang ngiting iginawad ni Josan kay Daddy.“salamat at ipinagkatiwala mo sa'kin si Luegan.”

Tinapik ni Daddy ang balikat ni Josan as he gave him a small smile.“You're balls is safe for now.”Hindi talaga pinalampas eh noh.

Hinapit ni Josan ang bewang ko palapit sa kanya.“I officially own you now,”bulong niya.“You're my Mrs.Zodin.”

Iniangkla ko ang aking mga braso sa batok at pinakatitigan ang buong mukha niya lalo na ang kanyang labi na nakakuha nang atensyon ko noon pa man.

“I'm already yours,noon pa man.Hindi mo nga lang nahalata when I submitted my heart to you.”

Idinikit niya ang noo sa noo ko as he close his eyes.“Let's get out of here.”

Napangiti akong napatingin sa paligid ko.Ang iba ay busy sa pag-uusap sa isa't-isa habang ang iba naman ay nagpulasan na ngunit marami parin ang natira para hintayin ang paglabas naming dalawa sa simbahan bilang mag-asawa na.I think we can make our exit already.

Hindi na ako kumontra pa nang hinila ako ni Josan patakbo at palabas nang simbahan.Rinig na rinig ko ang boses ni Daddy na tumatawag sa'kin ngunit hindi ko na siya liningon.

Humahangos kaming nakalabas nang simbahan ngunit kapwa may ngiti sa aming mga labi.

Ipinasyal ko ang aking mga mata sa paligid while smiling ear to ear.Parang bago lahat nang nakikita ko sa paligid kahit na andon naman iyon simula palang.Nilanghap ko ang hangin at pati ito'y naging presko sa pakiramdam ko.

I am now a Mrs.Luegano Prodis Zodin,and I will start the next chapter of my story.Nang walang highschool bullies at alien na pilit nanakawin sa'kin ang aking Josan.There maybe a struggle and heartbreak ahead but I'm not afraid to face it anymore cause I know I had Josan at my side,my love and my half-alien and half-human husband and I'll never...ever be alone anymore.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon