Kiss in the tree

0 0 0
                                    


"Kausapin mo naman ako."May himig nang pagmamakaawa ang boses niya nang hindi ko na siya kinibo.Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang kamay ko.

"Anong nangyari diyan?"Bigla niyang hinigit ang kamay ko at iniksamin ang hintuturo ko."Anong nangyari dito?"Pagalit na niyang tanong habang matiim akong tinitigan.

"Nasugatan."I coldly replied.Napatitig rin ako sa kamay kong hawak-hawak niya.Namumula ito at bahagya pang bumuka.Hindi ko kasi ito ginamot at hinayaan nalang nang hindi na umagos ang dugo dito.

"Saan?!"

"Sa bubog nang baso."Binawi ko ang kamay ko ngunit muli lamang niya itong hinila pabalik.

"Bakit hindi ka nag-iingat?Nainspeksyon na 'to oh."Nalukot ang mukha niya na muling ininspeksyon ang sugat ko.Nang walang anu-ano'y bigla niyang binaklas ang laylayan nang damit niya at pinulupot ito sa hintuturo ko."Next time,mag-ingat ka naman."

Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang ang ginagawa niya hanggang sa matapos siya.Hinawakan niya ang baba ko at itinaas hanggang sa magkalebel na ang mukha namin.

"Kausapin mo 'ko,love."Muling nakiusap ang mga mata niya at hindi ko matatagalang titigan iyon.Pakiramdam ko matutunaw ako kapag nagtatagal ang mga mata niya sa'kin.

"Dumating si Ate,"and then I started talking.With just those pleading eyes of his nagawa niya akong magsumbong.

"What does she want now?"Nag-igting ang kanyang panga at nag-abot ang kanyang kilay.

"She wants me to clear her name."

"Tss,not even a sorry."Napailing siya."At kapag nagpadala ka naman,kukutusan talaga kita!"

"And Garth."

Natigilan siya.He stared at me for a while na para bang naghihintay na sasabihin kong nagbibiro lang ako.

"Siya ang pinalit ni Aling Gorya sa'yo.Ang ingay-ingay niya since you left para siyang first time pang nakaranas na maiwan."Nagbuga ako nang hangin sa kamay ko saka ito ikinaskas nang makaramdam na ako nang lamig.

Hinila naman ni Josan ang kumot na yakap ko pataas sa aking katawan."May ginawa ba siyang masama sa'yo?"

Napailing ako.

"Bakit all of the sudden bigla nalang silang nagsulputan?"Todong kunot ang kanyang noo na parang nag-iisip siya."That's it I'm going back to your apartment."

Inabot niya ang bag niyang nakasabit pati na ang kumot niya.Ipinasok na sana niya ang kumot sa kanyang bag nang hawakan ko ang kanyang braso.

"Hindi pwede."Bumubwelo pa ako kung paano ko sabihin sa kanya ang alien na itinago ko sa apartment ko.Natatakot akong magagalit na naman siya.Alam ko namang hindi ko dapat ginawa 'yon but I just wanna see him.Masyado nang negative ang ihip nang hanging nalalanghap ko nang nawala siya.

He tilted his head as he looked at me.Nagtatanong ang mga matang ipinukol niya sa akin.

"I..I.."I took a deep breath bago sinalubong ang kanyang mga tingin."I tied an alien in my room."

Sandali siyang hindi nakakibo hanggang sa unti-unting namimilog ang kanyang mga mata and he gasped.

"What the hell,Luegan!!"Napasabunot siya nang kanyang buhok kaya muntikan siyang mahulog sa sangang kanyang kinauupuan.Mabuti nalang at agad kong nahawakan ang kanyang braso.

Napahilamos siya nang mukha nang makaayos ulit siya nang upo."Ano bang iniisip mo?!"He half-yelled and half-whispered.

Ngumiti ako sa kanya sabay nagpeace sign.Galit nga siya.

"Bakit mo ginawa 'yon?Alam mo bang maari ka niyang saktan sa ginawa mo?!"Ilang ulit siyang napasabunot nang kanyang buhok sa sobrang prostrasyon.

"Kung makakawala pa siya don."Mahina kong sagot na pinagsisihan ko nang lumingon siya sa'kin at masama ang tingin.
"I'm sorry."

"Sabihin mo nga sa'kin ang kahit isa man lang na rason kung bakit mo ginawa 'yon para maintindihan kita kung bakit mo itinaya ang kaligtasan mo-"

"I just wanted to see you."Halos pabulong ko na namang sagot pero naririnig naman niya dahil napahinto siya.

"Ano nga ulit 'yon?"

Napayuko ako.Nanlalamig ako na pinagpapawisan.Para akong nanliligaw sa kanya sa nararamdaman ko."I-I w-wanted to s-see you?"

Parang may dumaang anghel sa pagitan namin matapos kong ulitin ang sinabi ko.Naiilang na ako sa pagiging tahimik niya kaya bahagya ko siyang sinilip sa gilid nang mga mata ko.

Nakatitig lang siya sa'kin hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at naging tawa iyon.

"Yes.Woahhh!!"Nagfistbump siya at parang gusto pa yatang tumalon kung hindi lang sa kinalalagyan niya.

Naguguluhang nakatitig lang ako sa kanya.Hindi ko makuha kung bakit sobrang saya niya eh kani-kanila lang galit na galit siya.

"Do you what that means?You miss me!"Huminahon na siya ngunit hindi parin mawala-wala ang malaking ngiti sa kanyang labi.

Napayuko ako lalo.Hindi na ako makatingin sa kanya sa hiya.Nag-iinit din ang pisngi ko kaya sigurado akong pulang-pula narin ito kaya mas lalo akong hindi makatingin sa kanya.Bakit pa niya iniisip na namiss ko siya kung pwede namang gusto ko lang talaga siyang makita without a reason.Well,miss ko naman talaga siya.

"You miss me?"Tanong niya na parang hindi parin makapaniwala.

Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita dahil nakayuko ako."Ikaw lang ang may sabi no'n."

Lumapat ang daliri niya sa chin ko at bago pa man ako makapagreact ay itiningala na niya ang mukha ko at nakita ang nanunukso niyang ngiti.

"You miss me?"Muling tanong niya kaya napairap na naman ako at mag-iiwas na sana nang tingin nang hinawakan na niya ang panga ko para iharap muli sa kanya.

Nakaramdam na ako nang inis sa ginagawa niya.I don't want him to see me blush pero kahit anong iwas ko wala akong magawa.

"Namiss kita kaya gusto kitang makita.Masaya ka na-"

Hindi na ako nakahuma pa nang biglang lumapit ang mukha niya sa'kin at lumapat ang labi niya sa labi ko.I was in utter shock at tila naging bato na ako sa kinauupuan ko.

Nakakilos na lang ako nang hinapit niya ang batok ko at mas pinagdaiti ang labi naming dalawa.Gumapang ang nakakakiliting sensasyon sa buong katawan ko at hindi ko maiwasang magustuhan iyon.

Nakapikit ang kanyang mga mata as he sucked my lower lips na nakadagdag sa kiliting nararamdaman ko kaya napapikit narin ako.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon