Hurt

0 0 0
                                    


“Mang Diosdado,”

Gulat na bumungad si Mang Diosdado nang pagbuksan ako nito matapos nang ilang beses kong pagkatok sa kanyang pinto.

“Aba't akala ko nasa puder ka na nang mga magulang mo?”He opened his door wide kaya pumasok na ako.

“May hinahanap lang po ako.”

“Sobrang importante ba at bumalik ka talaga dito?”Pumasok siya nang kusina at pinagtimpla ako nang juice.

“Naalala niyo po ba si Josan?'Yong lalaking dumating dito kamakailan lang?”

Sandali siyang napahinto sa ginagawa at napakunot noong napatingala sa kawalan.“'Yong binata bang pinatuloy ko dito ang tinutukoy mo?”

Mabilis akong napatango at tinitigan siya,umaasang baka nagpunta dito si Josan nang kinuha ako ni Daddy.

“Pasensya ka na,hindi ko na siya nakita matapos no'ng umalis siya dito.”

Nanlulumong sumandal ako sa pader.Inabot niya sa'kin ang juice kaya pilit ko siyang nginitian at tinanggap ito.

“Naging malapit pala kayo sa isa't-isa,”he smiled.“Kailan mo siya huling nakita?”

“Kasama ko siya no'ng nahimatay ako.I'd never saw him jump pero sure ako nakatakas siya ayaw niya do'n eh.”Bahagya kong inikot-ikot ang basong hawak at pinapanood ang paglitaw nang mga particles na hindi pa tuluyang natunaw.

“Anong ‘nakatakas’?”Kumunot ang noo niya at matiim akong tinitigan.

Sandali akong natigilan at napatitig kay Mang Diosdado.Maniniwala kaya siya kapag sinabi kong nakakakita ako nang alien at balak kaming kidnapin ni Josan?I don't think so.Baka iisipin lang niyang kulang ako sa pahinga o baka ang mas malala iisipin niyang nababaliw na ako.

“May nagtangka po kasing kumidnap sa'min ni Josan.Isinakay po kami sa...lumilipad..lumilipad na sasakyan.”Muli akong napatingin sa basong hawak.Hindi ko matatagalan ang pagkakatitig niya pakiramdam ko hinalukay niya ang katotohanan sa sinasabi ko.“Nagtangka po kaming tumakas pero sobrang dami po nila kaya itinulak na ako ni Josan palabas.Hindi ko man nakitang sumunod siya sa'kin pero alam ko nakatakas siya,he don't like it there why would he stay.”

Mas lalong kumunot ang noo ni Mang Diosdado as he keep on staring at me.Ngunit parang wala naman sa'kin ang atensyon niya parang ang lalim nang kanyang iniisip.

“Alam mo bang matapos kang kunin nang mga magulang mo eh may balitang may sumabog daw sa kalangitan.”naglakad siya sa kanyang maliit na sala at hinalungkat ang nilagyan niya nang kanyang mga CD.“May copy ako no'n dito eh.”

Pinanood ko lang siya hanggang sa mahanap na niya ang tinutukoy niya at ipasok iyon sa DVD.“I don't know if it help pero wala kasing nakakaalam kung ano ang pagsabog na 'yon.”

Naupo ako sa tabi niya at nanood narin nang pumailanlang na ang boses nang newscaster.Wala namang kakaiba hanggang sa namataan ko ang malaking pagsabog sa kalangitan.Sa sobrang laki nito magtataka ka talaga kung ano iyon lalo pa't wala namang eroplanong dumaan sa parteng iyon.

Napakurap ako nang magsimula na namang mamasa ang aking mga mata.Umayos ako nang upo nang maramdaman kong nanginginig na naman ako.

“Okay ka lang iha,”tanong ni Mang Diosdado.

Marahas akong napailing.I'll never be okay kapag hindi ko mahanap si Josan.Hindi siya kasama sa sumabog.Babawi pa ako eh.Hindi niya ako iiwan.

“Napadaan ako sa lugar kung saan ka namin natagpuan at may nakikita akong mga basag na bagay.May mga damit,helmet,armour.Ewan hindi ko maintindihan.Wala pa akong nakikitang gano'n dito sa atin.”

Tumayo ako at mabilis ang hakbang na lumabas nang bahay niya.Naririnig ko pa ang kanyang pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito pinansin.Sinasabi nang puso kong hindi siya kasama sa sumabog na nakatakas siya katulad ko pero there's this feeling inside me na kailangan kong puntahan ang lugar na iyon.

Tulad nang sabi ni Mang Diosdado,nakakalat ang mga natitirang kagamitan nang alien sa buong paligid.May mga durog na durog nang mga kasuotan nila ngunit wala naman ang katawan nang nagmamay-ari nito.May apparatus din akong nakikita na ginagamit lang sa mga laboratoryo.

Napahinto ako sa pagkakalkal nang mga natitirang gamit nang may mamataan akong isang damit.Sunog na ang kalahati nito ngunit nakilala ko parin ang may ari nito.

Nanginginig ang aking mga kamay nang pulutin ko ito.Punong-puno ito nang tuyong dugo na halos humalo na ito sa kulay nang damit na asul.

Hindi ko na napigilan ang sarili at bumigay na rin ang katawan ko at napaluhod ako sa lupa.Nag-uunahan sa pagpatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan at tuluyan akong napahagulhol.

“Josan!!”Inilibot ko ang paningin sa paligid baka sakaling nasa paligid lang siya.“Wag mo naman akong paglaruan nang ganito oh,hinubad mo lang 'to diba.”

Ngunit walang Josan na lumabas kaya mas lalo ang napaiyak.Mahigpit kong niyakap ang natitira sa damit niya at napapikit.

“Josan naman eh,papaibigin mo pa ako lalo,diba?Aanakan mo pa ako eh.Magpakita ka please.”Nanlalabo na ang paningin ko ngunit wala na akong pakialam.Masyadong masakit.Masyadong mabigat ang dibdib ko.Muli akong napahagulgol hanggang sa wala nang boses na lumabas sa bibig ko ngunit hindi man lang nito nabawasan ang sakit na aking nararamdaman.

“Babawi pa ako Josan eh.Babawi pa ako.Bakit mo ako iniwan.Akala ko ba sabay tayong babangon mula sa pagkakahulog natin sa isa't-isa bakit iniwan mo ako.Ang daya mo.”Pakiramdam ko bumubulong nalang ako sa hangin.Hindi na niya ako maririnig.Tuluyan na niya akong iniwan.Hindi ko nga nasabi na mahal na mahal ko siya eh.

“I love you.”

Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko nang maalala ang huli niyang sinabi.“Mahal?Mahal mo 'ko pero iniwan mo rin ako!Sana hindi mo nalang sinabi kung iiwan mo rin ako!!”

“Josan.”

I don't know what you did to me but I like you so much,Luegan.Kaya pahinga ka muna at babantayan kita.”

“Josan.”

“Continue then.Yayakapin lang kita para maramdaman mong hindi ka na nag-iisa.”

“Josan!!”

Bumagsak ang katawan ko sa lupa ngunit hindi ko na naisip 'yon.Mahigpit ko paring yakap ang damit na natira ni Josan at pilit iwinaksi ang alaala niya na pilit nagsusumiksik sa isip ko.Hindi ko na kaya ang sakit na naidulot nito sa damdamin ko.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon