Hindi gaya no'ng nakaraang araw na mabilis ang aking paglalakad makarating lang sa apartment ko sa takot sa alien na nakasunod sa'kin.This time,binagalan ko.Hindi ko na naramdaman ang takot kundi pagkairita.Ang dami nang nangyayari nitong nakaraang araw at hindi na siya masaya.
Ayokong umuwi.Gusto ko siyang makita.Gusto kong siya ang kasama ko ngayong gabi at hindi ang ate kong walang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko.Pero hindi ko naman siya mahanap kung mayroong laging nakabuntot sa'kin.
Kailangan ko nang gumawa nang paraan.Kailangan na niyang tigilan si Josan at ang mundo nang mga tao.
Lumiko ako sa isang subdivision na walang masyadong tao at pumasok sa maliit na eskinita kung saan tambakan yata nang mga gamit na hindi na nagagamit.
Mabilis akong nagtago at sinilip ang pagdaan niya.Sandali siyang tumigil sa may kinaroroonan ko at sumilip.Nahigit ko ang hininga at mas lalo siniksik ang sarili sa pader para hindi niya ako makita.
Matapos sumilip ay naglakad na ulit siya sa direksyon nang apartment ko.Nang makalayo siya ay lumabas agad ako sa pinagtaguan at tahimik ang hakbang na sinundan siya.
Gusto kong matawa sa nangyayari.Palinga-linga parin siya na parang hinahanap ako samantalang nasa likod lang niya ako.Kung kanina ay siya ang sumusunod sa'kin ngayon ako naman.
He seem harmless lalo na at wala naman siyang ginagawang masama sa'kin kaya nagkaroon ako nang lakas nang loob na ibaliktad ang sitwasyon.
Bigla siyang napahinto kaya huminto rin ako.Ilang hakbang nalang ay makarating na kami sa apartment.Hindi siya kumibo.Parang nakikiramdam lang.
Napalinga ako sa paligid ko.Kailangan kong makahanap nang pangdepensa kung sakali mang may gagawin siyang hindi maganda.Tyempo namang ang kinatatayuan namin ay hindi pa natatapos na mini-garden at may mga gamit pang hindi itinago nang may-ari.Pinili kong kunin ang medyo may kahabaang tubo na gawin yatang dekorasyon.
"Luegan!!"
Hayy,malas talaga!Hinawakan ko nang maigi sa dalawa kong kamay ang tubo at inihandang ihampas sa nasa harap ko.
"Oh my God!Sino yang nasa harap mo?!"Nagtitili na naman siya bago patakbong pumasok nang apartment ko.
Dahan-dahan ang ginawang paglingon nang alien sa kinaroroonan ko ngunit bago pa man ako nito tuluyang makita ay hinampas ko na siya nang tubo nang dalawang ulit kaya bumagsak siya nang sahig at hindi na gumalaw.
"Sorry."Nasabi ko nalang.Pinatid ko siya kung buhay pa ba siya pero hindi siya nagresponse."Hala,patay ka na agad?"
Sinilip ko ang mukha niya at nakapikit nga ito.Bahagya kong ibinaba ang takip sa mukha niya at nakita ang kanyang ilong.Napakaliit nang ilong niya.Nakakahinga pa ba siya nito?Sobrang liit nang ilong niya na halos hindi na ito mahahawakan.Idinampi ko ang hintuturo ko sa ilong niya at may hangin parin naman mula dito kaya buhay pa siya.
Gamit ang suot-suot niyang cloak ay hinila ko siya patungong apartment ko.Pero hindi pa man ako nakaabot ay hiningal na ako.
"Bigat mo,grabe."
Ilang hila pa ang ginawa ko at naipasok ko rin siya sa apartment ko nang hindi nagigising.
"Oh my God!You killed him?!"
"No,"sagot ko.Patakbo kong tinungo ang kusina at hinalungkat lahat nang gamit na tinipon ko noong isang araw.Gamit na maaring gamitin pangdepensa.Kinuha ko ang mahabang tali at bumalik sa sala.
Hindi lumapit o tumulong man lang si Ate nang muli kong hinila ang alien papasok nang kwarto ko.Tatakbo lang siya palayo sa'kin at muling nagtitili.
"No!Not in my room!"
"Correction,kwarto ko 'to."Humihingal pa ako nang ibinagsak ko ang katawan nang alien at hinarap siya."Kung ayaw mong may kasamang ganito ang mukha..."tuluyan kong kinuha ang cloak nang alien pati na ang takip nang kanyang mukha."..sa pagtulog,you're free to leave."
Napaawang ang kanyang labi nang matitigan niya ang hitsura nito."What is that thing?!"
Itinali ko ang dalawang kamay nang alien sa likod pati na ang dalawang paa saka ko itinali ang hulihang bahagi nang lubid sa kama ko.
"Saan ako matutulog?!"
Napailing nalang ako sa muling tanong ni Ate.May alien siyang nakita pero ang tutulugan parin niya ang iniisip niya.
"Doon ka matulog sa Garth mo."Mahina kong sabi na alam kong naririnig naman niya nang hindi siya nakasagot.
"Bakit alam mo ba kung saan siya ngayon nakatira?"See?Hindi man lang siya nag-deny.
"Bakit ko alam eh kayong dalawa ang may connection. "
Nang masigurong mahigpit na ang pagkakatali ko ay saka ako kumuha nang bag at nagpasok doon nang isang kumot at jacket.
"Wala na akong pakialam sa kanya noh,mas gusto ko nalang na malinis ang pangalan ko at ikaw ang gagawa no'n."Parang siguradong-sigurado talaga siya na gagawin ko ang gusto niya.Kung makapagsalita eh parang nag-uutos lang.
"Wala kang mapapala sa'kin."Malamig kong tugon saka ko isinabit ang bag sa balikat ko.
"What?Hindi ka na takot sa'kin?"Nakataas ang gilid nang kanyang labi na tila ba nang-uuyam.
Napatingin lang ako sa kanya saglit at muling itinuon sa sarili ang atensyon.Inaayos ko ang nagulo kong buhok at pinahiran ang namumuo kong pawis.Hindi narin ako nagbihis.Gusto ko nang makaalis dito bago pa man magising ang itinali kong alien.Ngunit sa ginawa ko ay lalo lang nainis si Ate.Hinablot niya ang bag ko kaya nadala ako.
"Bakit ba ang lakas-lakas na nang loob mo ngayong baliwalain ako hah!"Singhal niya na ikinangiwi ko.Sobrang tinis nang boses niya at sa malapit pa talaga yon sa tenga ko.
Marahas kong binawi ang bag ko na hawak-hawak niya at walang emosyon siyang pinakatitigan.
"Umayos ka ate hangga't may respeto pa ako at kapatid pa ang turing ko sayo dahil kung hindi baka makaladkad na kita sa labas at kalimutan kong mas nakakatanda ka sa'kin."Nilampasan ko siyang hindi na nakasagot pa at tila nagulat sa isinagot ko."Hindi ako babalik sa atin kaya umalis ka na."
Lumabas ako nang apartment at diretsong tinahak ang madilim nang daan patungong parke.Kung binabantayan man niya ako alam kong pupunta din siya sa parke.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...