Followed him

0 0 0
                                    


“I'm sorry,I can't go with you.”Matiim na tinitigan ni Josan ang alien na parang nakikinig rin naman.“I am not one of you.Dito ako nabubuhay at dito ang mundo ko.”

Nakataas ang kilay na pinanood ko lang ang dalawa na matamang nag-uusap,kung nag-uusap ba talaga ang tawag when Josan do all the talking.

“Hindi ko rin masikmurang bigyan nang anak ang prinsesa niyo dahil hindi ko naman siya kauri and it's even impossible na may mabubuo nga because as I said hindi kami magkauri.”

Napatingin ako sa mukha ni Josan.Seryosong-seryoso talaga siya sa lahat nang sinasabi niya kaya hindi ko napigilang itanong ang kanina ko pa gustong itanong.

“Naiintindihan ka ba niya?”

Napasimangot bigla si Josan na lumingon sa'kin.“Wala namang mawawala kung itry ko diba?Nakikinig na man siya malay mo may naintindihan pala siya.”

“You just pour your heart out kahit wala ka namang kasiguraduhang naiintindihan niya!Nagmukha kang baliw.”

Napangiti siya nang pilyo sa direksyon ko.Ano na naman kayang ihihirit nito at ganyan na naman ang ngiti niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin gaya nang kadalasan niyang ginagawa sa tuwing babanat siya habang may ngiti parin sa labi.“Sinabi ko nga sa'yo na aanakan kita eh kahit walang kasiguraduhan kung magiging akin ka nga.”

Napakurap ako nang mas lumapit pa ang mukha niya sa'kin at sinadyang bundulin ang tungki nang ilong ko sa ilong niya.Mabilis akong umatras palayo sa kanya na ikinatawa naman niya.Napahawak nalang ako sa dibdib nang maramdaman ang abnormal nitong pagtibok.Heart,relax.Si Josan lang 'yan.

“Kakalagan na kita hah basta babalik ka lang kung saan ka nanggagaling.”Baling niya sa Alien na agad kong ikinaalarma.

“Wait.Paano kung aatakehin tayo niyan?”Bulong ko kay Josan saka ako muling nagtago sa likod niya.

“Don't worry,love.Magkakamatayan muna kami bago ka niya mahawakan.”Bulong niya pabalik.

Napailing nalang ako at napapakagat nang labi para pigilan ang pagngiti.Lahat nalang nang sinasabi nang lokong 'to nakakapagpataba nang puso.Hindi na talaga ako makakabangon nitong ginagawa niya.

Dahan-dahan niyang kinalag ang pagkakatali ko nang walang pag-aalinlangan.Ako naman ay napahawak na sa damit niya sa likod.Wala kasi itong ginagawa sa'kin tapos bigla ko nalang siyang hinambalos nang tubo tapos tinali ko pa kaya hindi na ako magtataka kung aatakihin ako nito bigla.

Mabilis na napatayo ang alien nang makalagan na siya.Pinulot niya ang cloak na nahubad nang itinali ko siya at mabilis itong isinuot pati na ang mask na nasa tabi lang.

Naglakad siya palapit nang pinto nang hindi hinihiwalay ang mga mata sa aming dalawa ni Josan.Paatras siyang naglakad palabas habang nakasunod naman kami.

“Ahhhh!!!!”Nagtitili na naman si Ate nang paglabas niya nang kusina ay ito ang bumungad sa kanya.

Nagulat ang alien sa biglaang sigaw ni Ate Luenna kaya kumaripas ito nang takbo palabas.

“Dito ka lang.”Nagmamadaling sinundan ni Josan ang alien palabas.Ako naman ay napahinto sa pinto.

“Josan,saan ka pupunta?!”

Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa gitnang labi para patahimikin ako at dahan-dahang sumunod sa alien na tumatakbo parin.

“Ano na namang plano nang lalakeng 'to!”Napapadyak akong sinundan siya nang tingin.Napalingon ako sa loob nang apartment ko.Arrgghhh,gusto mo na namang manatili nalang ako dito at hintayin ang pagbabalik mo?!Heck no!!!

Mabilis akong tumakbo sa direksyong tinahak nang dalawa baka maabutan ko pa.Hindi ko kayang maghintay nalang nang maghintay hanggang sa bumalik siya.Paano kung marami sila doon tapos sapilitan siya nitong dalhin.Kung magkagano'n maaring hindi ko na siya makikita pa.

“Luegan!Where are you going?!”Sigaw ni Ate Luenna nang makalayo na ako.“You can't leave me here!”

Hindi ko nalang siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Humihingal akong napahinto nang tila dead end na ang napuntahan ko.Napapikit akong napahawak sa tuhod kong nanginginig na.

Wala na akong nakitang bahay kahit saan,puro nalang puno ang nakapalibot sa'kin.Hindi ko narin nakita ang kalsadang dinaanan ko kanina.Sa sobrang pagpupukos sa taong iniisip kong si Josan ay tila naligaw na ako.Hayy malas nga naman.

Nang mahimasmasan ako ay muli akong naglakad-lakad habang nagmamanman rin ako sa paligid baka makita ko si Josan o ang alien man lang.

Napakunot ang noo ko nang makarating ako sa isang clearing.Nahawi ang lahat nang mga damo,mahahaba man o maliit na tila ba may dumapo o nahulog ditong isang malaking bagay.

Hahakbang na sana ako ulit para makita ito nang maigi at malapitan nang biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako padapa.

“Ahhhmp—”

Tinakpan nito ang bibig ko kaya hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko sana kaya mas lalo akong nagwala.

“Ssshh,”bulong nito sa mismong tenga ko.Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya para hindi na ako makagalaw“It's me.”

Napahinto ako sa pagwawala at nilingon ang may-ari nang kamay na nakatakip sa bibig ko.
Binaba niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko nang magkasalubong ang tingin naming dalawa.

“Josan—”Muli niyang tinakpan ang bibig ko nang di ko napigilang mapalakas ang boses ko.

“What are you doing here?!”Pabulong ngunit galit niyang tanong.“Diba sinabi ko sayong manatili ka doon?”

“And what?let you do whatever you do alone?”

“Yeah!”

“Well,guess what!I won't let you do this alone!”Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib ko at tinaasan siya nang kilay.“hindi sa lahat nang panahon na kakayanin mo lahat nang mag-isa,okay.Sometimes you just need someone and I want to be that someone.”

Napahilamos siya nang mukha at malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Pumupungay ang kanyang mga matang matiim nang nakatitig sa akin.Bumagsak ang kanyang balikat sa kawalang-magawa.

Nakaramdam ako nang konsensya nang makita ko ang gano'ng mukha niya.Parang nakadagdag lang ako sa problema niya pero andito na 'to eh nasimulan ko na kaya itutuloy ko na.Babawi nalang ako kapag natapos na lahat nang ito.

“Kailan mo ba susundin ang lahat nang sasabihin ko sayo ha?”

“Kapag sayo na ako.”Ngingiti-ngiti pa akong sumagot pero nang marealize ko ang lumabas sa aking bibig ay dahan-dahan iyong naglaho.Dahan-dahan kong nilingon si Josan sa tabi ko at nakitang nagpipigil itong mapangiti.“I mean...ahmm..k-kung matapos na 'to!Susundin na kita kung matapos na 'to.”

Agad akong nag-iwas nang tingin at madiing ipinikit ang mga mata.God,nakakahiya ang kalandian ko!!Nahawaan na yata ako sa kalandian nang katabi ko.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon