Nag-angat ako nang tingin nang maramdaman kong may humaplos sa buhok ko at bumungad sa'kin ang mukha niyang basa narin sa sariling luha ngunit nakangiti naman.
“I'm sorry.”he whispered.“Araw-araw nalang kitang pinaiyak,love.”
Mas lalo akong humagulgol nang marinig ang tawag niya sa'kin na matagal ko nang inaasam na marinig ulit.“Bakit?Bakit mo ko iniwan?”
“Hindi kita iniwan,love.Kung saan ka ando'n lang ako at pinanood ka.Pinanood kitang araw-araw nagdurusa dahil sa'kin.”
“Akala ko ba mahal mo 'ko bakit hindi ka man lang nagpakita sa'kin?”
“Dahil kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.Ilang buwan din akong nanatili sa ospital para gumaling.Natatakot akong kinalimutan mo na ako kaya nang makalabas na ako nang ospital ay sobrang saya ko na makita kita dito.”He smiled as he wiped away the tears in my eyes.“but i had to fix myself first para kapag magpakita na ako sa'yo may maipagmamalaki na ako,hindi mo na kailangang bigyan ako nang pera para makakain,at may mukha akong ihaharap sa Daddy mo at hindi na siya mag-aatubiling payagan ako kapag hingin ko ang permiso niya para anakan ang prinsesa niya.”
Sinuntok ko siya sa dibdib dahilan para mapapaubo siya.“Ang hirap nang dinaanan ko nang akala ko namatay ka na!Tapos nagawa mo pang magbiro?!”
“Babawi naman ako ah!”Natatawa niyang wika.“atsaka anong birong pinagsasabi mo.It was my dream since the day I've met you!”
“Sa tingin mo basta-basta nalang ako papayag na anakan mo ko matapos mo akong paiyakin nang isang taon!”bahagya akong umisod sa pagkakaupo palayo sa kanya.“atsaka baka sinapian ka nang alien kaya ka nagpakita sa'kin noh para ako naman ang susunod mong patayin!”
Napatakip siya nang bibig at tahimik na tumawa kaya inirapan ko siya at akmang tatayo para tuluyang lumayo sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinila ulit palapit sa kanya.
Sumubsob ako sa dibdib niyang walang saplot kaya nanlalaki ang mga mata kong napatitig dito lalo pa nang hinapit niya ang bewang ko at mahigpit akong niyakap.
“I miss you,love.”bulong niya sa mismong tenga ko.“Give me one minute to hold you this close.”
Nagtaasan ang balahibo sa leeg at tenga ko nang dumapo ang kanyang hininga sa balat ko na naging dahilan para gumapang na naman ang libo-libong bultahe sa buong katawan ko at maramdaman ang pag-iinit nang aking pisngi.
I tried to pushed him away pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa'kin.“Josan,you're naked,”bulong ko na tinawanan lang naman niya.“and you smelled ice cream.”
“Hindi lang naman ako amoy ice cream,lasang ice cream rin.You can lick it if you want.”Muling bulong niya at parang sinasadya pa talaga niyang mas ilapit ang bibig niya sa tenga ko para maramdaman ko ang kanyang labi na dumadampi sa balat ko kapag nagsasalita siya.
Mas lalong nag-iinit ang pisngi ko sa ginawa niya kaya malakas ko na siyang itinulak.“Malandi ka paring alien!”
“Thank you.”Bahagya siyang yumukod at hindi parin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi kaya hindi ko napigilang mapangiti rin at sinugod siya nang yakap.Bahala na kung hubad ang katawan niya.I miss him so bad.
“Ahmm,”
Mabilis akong bumitaw sa kanya nang nakitang may tao palang nanonood sa aming dalawa.He smiled at me and Josan na lumingon din sa kinatatayuan niya.
“Garth?”
Muli siyang ngumiti sa'kin.Matapos ko siyang makita no'ng araw na nagising ako sa bahay ay wala na akong balita sa kanya kaya nakakagulat na makita ko siyang muli dito sa Santiago.
“You've been here all along?”
“Yeah—”May sasabihin pa sana ito ngunit ang sama na nang tingin sa kanya ni Josan.
“Sa akin ka may kailangan diba?You don't have to talk to her.”Matigas na sabi ni Josan.
Napayuko naman si Garth at lihim na napangiti.Ano naman kayang nangyari sa dalawang 'to?
“Hinahanap ka ni Mang Diosdado,kailangan niya raw ang suhestiyon mo sa paaralang gusto niyong itayo.”
Kumunot ang noo ko sa narinig.Napatingin ako kay Josan na nahuli kong nakatingin lang din pala sa'kin kaya agad akong nag-iwas nang tingin.
“Susunod na ako,”baling niya kay Garth na agad namang tumalima.Wait,iiwan na naman niya ako?!Ngayon pa nga lang siya nagpakita tapos gano'n nalang 'yon at aalis na naman siya?!
“Wait!!”Sigaw ko kay Garth na ikinalingon nang dalawang lalaki.“Akin si Josan ngayon.”
Sandaling hindi nakahuma si Garth at napatitig lang sa'kin.
Josan cleared his throat na ikinalingon nang isa,“You heard her,sa kanya ako.”
Kagat-labing napayuko ako.Nakakahiya!!Ramdam na ramdam kong nakatingin si Josan sa direksyon ko kaya mas lalo akong napayuko.Ayokong makita ang mukha niyang pinagtatawanan na naman ako.
“Paano 'yong—”
“Siya nang bahala do'n,sabihin mo.”
Narinig ko ang yabag ni Garth na naglakad palayo pero hindi parin ako kumilos sa pagkakayuko.Tumahimik ang paligid kaya napatingala na ako.Bigla akong kinabahan na baka iniwan na naman niya ako.
Napalinga ako sa paligid nang hindi ko siya makita sa kinatatayuan niya kanina.
“Iniwan mo na naman ba ako?”naibulong ko sa sarili.Hahakbang na sana ako palayo para hanapin siya nang maramdaman ko ang kamay sa pulsuhan ko.Lumingon ako sa may-ari nito at nakita siyang nakangiti habang may hawak na ice cream.
“Bumili lang ako dahil natapon 'yong ice cream mo kanina.”
Napanguso akong napatingala sa mukha niya.“Akala ko iniwan mo na naman ako eh.”
“Hindi na mangyayari 'yon.Marami pa akong plano eh.Babawi pa ako sa'yo at marami pa akong gustong matutunan sa mundo mo.Pero may isa akong gustong gawin na hindi na makapaghintay,”bahagya siyang yumukod at mas inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha ko kaya bahagya kong iniatras ang aking mukha.He stared at my eyes to my nose at tumigil ang kanyang mga mata sa labi ko.
Napalunok ako nang mas lumapit pa ang mukha niya sa'kin while staring at my lips.Umatras na naman ako kaya napangiti siya.
“Stop moving,love.Mahahalikan parin naman kita kahit ayaw mo.”
Nabigla nalang ako nang bigla niya akong hinalikan at hindi ako nakaiwas.I froze when his lips moved at marahang kinagat ang ibabang labi ko.“I really wanted to do that.”
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...