“Love,”
Napalingon ako sa kanya.Umabot sa mata niya ang ngiti niya at parang nakita ko pang nagspark iyon.“Dito ka,mahihirapan ka diyan.”
Nag-iwas agad ako nang tingin.Hindi ko matagalan ang pagtitig sa mukha niya lalo pa't hindi parin humupa ang init sa pisngi ko matapos niya akong halikan.“Komportable naman ako dito.”Kahit hindi naman talaga.Nakakailang na kasi siyang katabi.Kung pwede nga lang tumakbo at magtago ginawa ko na.Nakakahiya kasi at hindi man lang ako nagalit nang halikan niya ako kanina nang walang pahintulot at nagustuhan ko pa talaga hah.
“Komportable ka dyan,halika na.”Muling aya niya pero hindi parin ako kumilos.“One,”
Gulat akong napalingon sa kanya nang magsimula siyang magbilang.Seryoso ang mukha niya kaya mas lalo akong naalarma.
“Two,”
“Eto na!”Dahan-dahan akong tumayo at ginawang tulay ang sangang kinauupuan ko kanina papunta sa kanya samantalang siya naman ay nakalahad ang mga kamay na handang sumalo sa'kin.
Pinaupo niya ako sa malaking sanga na parang ginawa niyang higaan.Malaki iyon at parang komportable naman lalo na't marami rin itong kamay na halos kasinglaki nang mga braso ni Josan sa bawat gilid nito.
Nang makaupo ako ay naupo naman siya sa tabi ko at sumandal sa malaking katawan nang puno.Hinawakan niya ang ulo ko para isandal iyon sa dibdib niya pero umiwas lang ako.
“Naiilang ka ba sa'kin?”Tanong niya.
“No.”
“Nahihiya?”
“No!”Sinamaan ko siya nang tingin ngunit agad lang din akong nag-iwas nang tingin nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
“Naiilang ka nga.”
“Josan!”
Napangiti lang siya at mas lalong idinikit ang katawan niya sa'kin.
“Gusto mo halikan kita ulit para hindi ka na mailang?”Halos dumikit ang labi niya sa tenga ko kaya dumampi ang hininga niya sa balat ko na nagdulot na naman nang kiliti sa'kin.
“That's it!Babalik ako sa apartment!”Biglang sigaw ko para lang makalayo sa kanya at mawala ang kakaibang sensasyong dulot niya.
Kumilos na ako para bumaba ngunit hinapit niya lang ang bewang ko palapit sa kanya at ang isa naman niyang kamay ay humawak sa ulo ko para ilagay iyon sa dibdib niya.
“Sleep.”
Ngunit paano ako makakatulog sa kalagayan ko?Ramdam na ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko,ang hininga niya sa ulo ko at ang dibdib naming dalawa na nagpapalakasan sa pagtibok.
“Josan,”
“Just sleep,love.”Bulong niya.
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa naramdaman kong kumalma na sa pagtibok ang puso niya at lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
“Luegan,”
Napamulat ako nang may mahinang tumapik sa pisngi ko at bumungad sa'kin ang nakangiwing mukha ni Josan.Napatingin ako sa paligid.Maliwanag na ang araw ngunit hindi iyon masyadong umabot sa'min dahil sa malagong dahon nang puno.
“Kailangan na nating umalis dito.Ang sakit na nang likod ko.”
Mabilis akong napabangon nang mapagtantong nakayakap parin pala siya sa'kin at ang kamay ko naman ay nakapatong sa dibdib niya.
“Sorry.”Pinahid ko ang bawat sulok nang mata ko pati na ang labi saka inayos ang buhok ko.
“Saan ka na pupunta?”Tanong ko nang maayos na siyang nakaupo at bahagyang nag-unat.“Saan ka ba pupunta?”
“Sa apartment ko.”Kibit-balikat ko.
“E di sa apartment mo.”Naghikab siyang bumaba nang puno at sumunod naman ako.
“Paano 'yong isa pang alien?”
Nagkibit-balikat naman siya.“I can't live you with that two demons in your apartment.”
Bumagsak ang balikat ko nang maalalang ando'n pa pala si ate.Mas gugustuhin ko pa yatang kasama ang isang alien sa apartment ko kesa sa kanya.Masyadong maingay.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak palapit sa kanya kaya sumubsob ako sa dibdib niya.
“Bagal mo,gutom ako.”
Napangiwi akong hinawakan ang ilong kong natupi yata sa tigas nang dibdib niya.“Naghapunan ka naman diba?”Naiinis kong tanong.Kung makapanghila ang isang 'to eh parang kailangang-kailangan na niyang kumain eh ako 'tong hindi nakapaghapunan.
“Hindi kaya ako kumain kagabi.”
Hindi makapaniwalang napatitig lang ako sa likod niya nang maglakad siyang hawak-hawak ang kamay ko kaya nahatak na naman niya ako.
“Bakit?!Naubos na ba 'yong pera?!”
“No.”Bigla siyang huminto at humarap sa'kin kaya muntik na naman akong bumangga sa kanya.“Mas masaya kasi kung kasama kitang kumain.”
Napanguso ako habang napangiti naman siya at mahinang kinurot ang pisngi ko.
“Lalo kang gumaganda araw-araw,love.”Pilyo siyang ngumiti.
I can't help myself at napangiti narin ako.Masyadong pafall.Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak niya at inunahan siya sa paglalakad.Natatawa naman siyang sumunod sa'kin.
“Where have you been?!”Bungad sa'min ni Ate Luenna nang pumasok kami ni Josan sa apartment.“Do you know how horrible you are at iniwan mo ako ditong hindi ka man lang nagluto?!Kasama ang...'yong..'yong bagay na 'yon!”
Napataas ang kilay ko sa kanya.Kung makabagay naman siya parang hindi niya nakitang kauri lang din niya ito.
“That thing is waking up—”Napatigil siya at napatingin sa lalakeng nakasunod sa'kin.“And who is this gorgeous and hot looking guy?”Malandi siyang ngumiti kay Josan na binalewala lang naman siya.Lumapit siya dito at hahawakan sana ang katawan nang lalake pero sinamaan siya nito nang tingin.
“Don't touch me.”Matigas na sabi ni Josan na ikinaawang nang labi ni Ate Luenna.“At wag na wag kang magkakamaling saktan ang Luegan ko.”
“What the heck!Who is this guy?”Napakuyom ang kamaong nagpapadyak palapit sa'kin si Ate Luenna.
“Where is it?”Tanong naman ni Josan kaya hindi ko na nasagot si Ate Luenna.
“Sa kwarto ko.”Sagot ko.Agad tumalima si Josan papasok nang kwarto ko habang nakabuntot naman ako.
Napalundag ang alien nang bumukas ang pinto nang kwarto ko at pumasok kami ni Josan.Agad akong nagtago sa likod ni Josan nang mapatingin sa'kin ang malalaki nitong mga mata.Natatakot akong baka magwala ito sa galit dahil sa ginawa ko at makawala sa pagkakatali tapos bigla nalang akong atakihin.Naku,ano nalang mangyayari sa balat ko kapag madapuan nang kamay niyang buto at balat.
Sinusundan nito nang tingin si Josan hanggang sa makalapit ang lalake.Ni hindi na ito gumalaw at nagpumilit na makawala man lang.Parang kampante itong hindi siya sasaktan nang lalake.
“Yaks!!Such a horrible face!!”
Arrgghh!!
Natatawa nalang ako nang sabay pa kaming napairap ni Josan sa naging sigaw ni Ate Luenna.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...