Escape

0 0 0
                                    

Bumalikwas ako nang bangon nang naramdaman ang pagtapik ni Josan sa pisngi ko.Pupungas-pungas pa akong napatingin sa kanya.

“It's time to move,”he whispered. Nakahanda ang kanyang postura habang nakatuon ang tingin sa likod ko.

Napalingon ako sa tinitingnan niya at sakto namang may tumunog na tila ba may bubukas pero wala naman akong nakikita.

“Ano iyon?”Pabulong kong tanong.Isang beses lang tumunog iyon at hindi na nadagdagan pa.

Tumayo si Josan saka niya inilahad ang kanyang kamay para sa'kin.Agad ko namang tinanggap 'yon at tumayo narin.Hinila niya ako sa likod niya kaya hindi ko na makita ang kung ano mang hinihintay niya dahil sa laki nang bulto nang kanyang katawan.

Muli kong narinig ang tunog na parang may bubukas kaya napasilip ako sa harap ni Josan.Unti-unting bumukas ang kanina lang ay akala ko pader lamang.

Pumasok ang tatlong alien na naka armour kaya mas ihinarang ni Josan ang sarili niya sa'kin.

“Stay in my back,Luegan.”Pabulong na utos ni Josan habang matiim na nakatitig sa tatlong nasa harap.

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.Kasasabi ko lang na walang magpapakahero,diba?Ano 'yon sa panaginip ko lang nasabi?Bakit heto na naman siya at handang gawing shield ang sarili para sa'kin?Nakakainis ka,Josan!

“Diba,protektahan natin ang isa't -isa?Ano na naman 'yang ginagawa mo?”

“Ako muna bahala sa'yo hangga't kaya ko pa saka ka nalang kumilos kapag pagod na ako.”

“Pero—”

Bigla siyang humarap sa'kin at hinawakan ang panga ko.“No buts.This time makinig ka muna sa'kin.You want me alive,right?”

Tumango naman ako.Kaya nga ako lalaban diba,para mailigtas siya sa kanila at mabuhay kaming dalawa.

He smiled,“then you have to listen to me.Sa ngayon ako muna bahala,saka ka na kapag hindi ko na kaya.”

Hindi ko 'yon gusto pero napayuko nalang ako sa kawalang magawa.Napahamak siya sa katigasan nang ulo ko eh kaya this time susunod muna ako.

Hindi nanlaban si Josan nang hawakan siya nang dalawang alien at iginiya palabas sa kwartong pinasukan namin.Kaya hindi nalang din ako nagwala nang nilapitan naman ako nang isa.

Nasa hallway na kami nang biglang yumanig ang kinatatayuan namin kaya muntikan akong mabuwal kundi lang sa mahigpit na pagkakahawak nang alien sa braso ko.

Gumapang ang kaba sa buong katawan ko nang makita ang takot sa mukha ni Josan nang lumingon siya sa'kin.Hindi pa ako sigurado kung ano ang nangyari pero sigurado akong hindi ko magugustuhan ito.

Parang walang nangyari na muli akong hinila nang alien na nakahawak sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad sa mahabang hallway.Nang biglang sinipa ni Josan ang nasa kaliwa niya.Hindi yon masyadong nakaapekto dito dahil sa metal na armour nitong suot pero nabitawan naman siya nito.

Sa bilis nang pangyayari ay hindi ako nakakilos at natuod lang akong nakatingin sa nasa unahan ko.

Hinead-bang naman ni Josan ang nasa kabila niya kaya nagising ako sa pagkabigla at napasinghap.Sakit no'n.

Binitawan ako nang isa at patakbong sinugod si Josan sa likod kaya nagulantang akong makitang biglang tumalon ito nang mataas at iniamba ang siko sa direksyon ni Josan.

“Josan!Sa likod!”

Mabilis na napalingon si Josan at agad naiwasan ang pagtama nang siko nito sa leeg niya.Hinawakan niya ang braso nito saka ito ibinalibag sa isa pa.

Napapangiti ako't napapailing sa ginawa niya.Sarap niyang tingnan.I mean,nakakamangha siyang tingnan.Ahmm.Pero tumulong ka naman,girl.Masyado ka nang nagpakaprinsesa habang binubugbog ang prinsipe mo.

Mabilis akong napalinga sa paligid baka sakaling may makita akong maari kong gamitin para lumaban.Kaso nga lang,wala talaga akong makita.

Lalayo pa sana ako para maghanap nang biglang may humatak sa'kin patakbo kaya napatakbo narin ako.

“Bilisan mo,Luegan!”Sigaw ni Josan na siya palang humatak sa'kin.

Napalingon ako sa likod at nanlalaki ang mga matang mas binilisan ang pagtakbo.Dumarami nang dumarami ang mga alien na nakasunod sa'min at hindi ko alam kung saan sila nanggaling eh kanina lang tatatlo lang naman sila.

“Josan,saan tayo pupunta?”tanong ko nang lumiko pa kami sa isa na namang pasilyo.

“Sa pinto palabas.”Humihingal niyang sagot habang panay ang lingon sa mga nakasunod sa amin.

Muli na namang yumanig ang tinatapakan namin kaya muntik na naman akong matumba buti nalang maagap si Josan at nahapit niya ang aking bewang at nayakap niya ako.

“Okay ka lang?”Nag-alalang tanong niya saka sinapo ang mukha ko at ihinarap sa kanya.

Marahas akong tumango bilang sagot.Rinig na rinig ko ang mga yabag nang mga alien na humahabol sa'min kaya napalingon ako sa pinanggalingan namin.“Rumami sila nang rumami,Josan.”Naiinis na reklamo ko.Every second yata ay nadagdagan ang bilang nila.Natatakot na akong baka hindi kami makatakas dito bago pa man ito makalipad nang mataas.

Muli akong hinila ni Josan patakbo hanggang sa tumambad na sa amin ang pinto palabas.Mabilis siyang lumapit dito at may pinipindot-pindot na hindi ko naman makita ngunit kapag natatapat ang hintuturo niya dito ay saka naman ito iilaw.

Napapadyak na ako sa pagkainip nang ilang minuto pa ay hindi pa bumukas ang pinto.Lumalakas nang lumalakas ang yabag nang mga paparating kaya napapakapit na ako sa laylayan nang damit ni Josan.

“Josan,andyan na sila!”

Hinila akong muli ni Josan para itago sa likod niya at matapang na hinarap ang mga paparating.

“When I say jump,you jump.”Pabulong na utos niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tumango ako as I bite my lips para mapigilan ang panginginig na aking nararamdaman.

Napaatras kami ni Josan nang tumambad na sa harap namin isa-isa ang mga alien.Lahat sila naka-armour kaya wala talaga kaming laban.Kung titingnan para lang din silang mga knight sa isang palasyo sa suot nila at hindi mo mapagkakamalang alien.

Napahinto sila sa pagsugod sa'min nang unti-unting bumukas ang pinto na nasa likod ko.Tumama ang malakas na ihip nang hangin sa mukha ko kaya napapikit ako.

Nagulat ako nang humakbang pa paatras si Josan hanggang sa isang dangkal nalang at mahuhulog na ako.

Sinubukan kong silipin ang baba ngunit hindi ko magawa sa lakas nang ihip nang hangin at nakakalula na ang taas nang inilipad nito.

“Luegan,”

I froze when he called my name.Malungkot ang kanyang pagkakabigkas sa aking pangalan kaya hindi agad ako nakalingon sa kanya.Something tells me na hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.

Hinawakan niya ang panga ko at ihinarap sa kanya.Lumakas ang tibok nang puso ko nang makita ang ngiti niyang may bahid nang kalungkutan.

He kissed my forehead to the top of my nose hanggang sa dumampi ang mainit niyang labi sa labi ko.

“I love you.”He whispered between his kiss bago niya ako itinulak palabas.

Naramdaman ko ang pag-agos nang luha sa mga mata ko nang sa huling pagkakataon ay ngumiti siya hanggang sa unti-unting lumalabo siya sa paningin ko.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon