“Hindi parin siya pumasok?”Galit na si Aling Gorya,umagang-umaga palang.“Akala ko pa naman matino siyang tao mas malala pa pala siya!”
To the rescue naman agad ako.“Baka naman po may nangyari lang,Aling Gorya.”
“Edi sana nagpaalam siya sa'kin—”
Nagtaka ako nang hindi na nadagdagan pa ang mga pagrereklamo ni Aling Gorya kaya nilingon ko siya.Nakabuka ang kanyang bibig na tila hindi makapaniwalang nakatitig lang sa entrance nang restaurant.
Nabitawan ko ang empty tray na hawak-hawak ko nang makita ko ang pinakatitigan niya.Gumapang ang takot sa buong katawan ko at bigla akong pinagpawisan nang malamig.
“Luegan,”
Ilang ulit ko nang naririnig ang boses ni Aling Gorya pero parang ang layo nito sa pandinig ko.Nakatitig lang ako sa bagong dating na nakatitig din sa direksyon ko.
Standing there was the same guy I saw in my apartment.Same face mask and black cloak.Bakit nagpapakita na naman siya sa'kin?Kapwa lang kami nagtitigan na parang naghihintay kung sino ang unang gagalaw.Lahat nang mga mata nang tao ay nakatingin na sa'kin na tila ba I did something stupid pero tila namanhid na ako.Nabalutan nang kaba at takot ang buong sistema ko pero kahit papaano sa kaloob-looban ko nakaramdam ako nang kaunting ginhawa knowing na hindi pa nila nahuli sa Josan.
“Luegan!”Sigaw ni Aling Gorya sa mismong mukha ko na nagpapagising sa'kin kasabay nang ilang ulit niyang pagyugyog sa balikat ko.“Ano bang nangyayari sa'yo?!”
Napatingin ako sa kanyang mukha na puno nang pag-alala ngunit muling naagaw ang atensyon ko sa bagong dating nang maupo ito sa pinakatagong parte nang restaurant.
“Are you okay?”Tanong niya kaya alinlangan akong napatango.“Alam kong weird siyang tingnan but he's a costumer na kailangan nang serbisyo natin so act natural and smile.”
For Godsake hindi lang siya weird tingnan!It's an alien!Alien!!!Hindi lang siya basta weird,Aling Gorya!It's creepy at nakakatakot!!
“What can I give you,Sir?”
Nag-angat siya nang tingin sa'kin kaya napalunok ako.Itinago ko rin sa likod ko ang panginginig nang mga kamay ko at pilit na ngumiti sa harap ko.
Nang hindi siya tumugon ay binuklat ko ang menu na nasa harap niya.
“Dito po kayo pipili sa oorderin niyo po.”Nanginginig pa ang mga kamay kong itinuro ang mga available sa araw na iyon.Pilit ko ring iniiwasan ang tumingin sa kanya kahit na ramdam na ramdam ko ang mga titig niya.
Kumilos ang mga kamay niya kaya bahagya akong napaatras.Natatakot ako na baka hihilahin niya ako o baka may huhugutin siya tapos sasaksakin niya ako.Naku,hindi pa ako handang mamatay.
Pero ang ginawa niya'y tinuro lang naman niya ang main course namin gamit ang payat niyang hintuturo.Kung ibang tao lang siguro ang nasa kinatatayuan ko ngayon baka nagsisigaw na 'yon sa gulat kapag nakita ang kamay niya ngunit aware naman ako na hindi ordinaryo ang kaharap ko kaya mas napigilan ko ang gulat at pagkahanga.
“Is that all,Sir?”Tanong ko at pilit na ngumiti.
Nang hindi siya sumagot na alam ko namang hindi mangyayari ay tumalikod na ako.Nakahinga pa ako nang maluwag nang makalayo na ako sa mesa niya.
“Anong in-order niya?”Mahinang tanong ni Aling Gorya nang makalapit ako sa counter na kinatatayuan niya.Nakatingin siya sa pinanggalingan ko na tila ba naintriga siya sa bagong dating.
“The main course po.”
“Talaga?!”Hindi makapaniwalang bulalas niya.
'Yong main course kasi namin eh medyo mahal kaya walang masyadong umorder no'n kasi nga wala namang masyadong malaking pagkakakitaan ang tagadito kaya doon nalang sila sa kaya nila kaya gano'n nalang ang naging reaksyon ni Aling Gorya.Pero sobrang sarap din kasi nang main course kaya hindi talaga ito basta-basta.
“Sa tingin mo nagtatago siya?”Muling tanong niya nang hindi inaalis ang tingin dito kaya nakitingin narin ako.“Hindi ko kasi makita ang mukha niya,masyadong tago.Hayy,ang dami nang kababalaghang nangyayari nitong mga araw dito sa Santiago.Una,'yong lalakeng nahulog daw mula sa taas tapos 'yong biglang pagkawala ni Josan at eto ring isa na nakakaintrigang tingnan.”
Hindi ko naiwasang matawa sa isip ko.Nakakaintriga?You have no idea kung gaano ka nakakatakot ang mga pangyayari sa paligid mo,Aling Gorya.
Napatitig ako sa alien na nakatingin rin sa direksyon ko.Kung hindi mo siya pagtutuunan nang pansin hindi mo mahahalatang iba siya kung hindi lang sa bakal na sapatos na minsan ay natatakpan nang mahaba niyang cloak.Paano kaya niya naitago ang antenna niya?Sabi ni Josan meron daw silang gano'n.
Mabilis ang hakbang ko pauwi lalo na't alam kong nakasunod siya sa'kin kanina pa.Hindi niya ako nilubayan kahit na alam naman niya kung saan ako nakatira.
Maagang nagsarado nang restaurant si Aling Gorya.Reasons niya?Natakot daw siya sa alien na 'yon nang hindi ito umaalis sa pinag-uupuan nito mula kaninang umaga baka daw may plano itong masama sa pagsapit nang dilim.Hindi pa nga niya alam na alien ito paano pa kaya kung makita niya ang mukha nito baka hindi na siya magbubukas nang restaurant at magkukulong na sa kanyang kwarto.
Hindi man nagtangkang lumapit sa'kin ang alien hindi ko parin maiwasang makaramdam nang takot na baka saka lang siya aatake kapag mag-isa nalang ako kaya ang ginawa ko ay nakikisabay nalang ako sa mga taong pinili ring maglakad tulad ko.
Nang makarating ako sa apartment ko ay mabilis akong pumasok at agad sinarado ang pinto.Nang nakalock na ito ay sinilip ko siya sa labas.Nakatayo lang siya sa harap nang apartment ko at muling nagtama ang aming mga mata.
“Oh my gosh!Bakit ang laki nang mata niya!”
Halos atakihin naman ako sa puso nang biglaang may matinis na boses na sumigaw sa mismong tabi ko.
Namimilog ang mata ko nang makilala ito.Dalawang taon na ang lumipas pero hindi ko parin nakalimutan ang mukha niyang gulat na gulat nang makitang buhay ako.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...