Alien

0 0 0
                                    


Aliens.Aliens?!Hindi ako nakakilos.Natatakot akong kapag kumilos ako maramdaman ko siya sa likod ko.Though hindi naman sobrang pangit ang pagkaka-describe ni Josan but still hindi ko alam kung anong maramdaman ko.Excited dahil makakakita na ako nang alien at takot na baka kunin na nila si Josan.

Pinakiramdaman ko ang paligid pero wala namang kakaiba.Everyone is just busy eating,talking and laughing.Kung may alien man bakit hindi man lang sila nagtatakbo?

"Tinatakot mo lang ba ako,Josan?"

Ngunit hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sa likod ko.

"Tumayo ka but don't look back."Utos niya at nagsimula nang tumayo.

"Bakit ba hindi ako pwedeng lumingon?Mamamatay ba ako kapag natitigan ko ang alien na sinasabi mo?"Naiinis na ako pero tumayo nalang din ako.Kung may alien kasi bakit hindi man lang nagkagulo ang mga tao dito.

"He's wearing a cloak and a mask,love,"bulong niya nang dahan-dahan kaming lumabas nang karinderya."Hindi ka niya pwedeng makita kaya wag kang lumingon."

Nang malayo na ang distansya namin sa karinderya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patakbo.

"Josan,saan tayo pupunta?"

"Uuwi ka."Maikli niyang sagot.Maya't maya siyang napapalingon sa likod namin kaya napalingon nalang din ako ngunit wala namang nakasunod sa'min."Kapag may napansin kang kahina-hinala,close all the window and door.Wag kang magpapasok nang hindi mo nakikita ang mukha.Gather all your things na pwede mong panlaban,they're afraid of people na hindi natatakot sa kanila."

Napahinto ako at bahagya siyang hinila."Paano ka?"Kung makapagpaalala kasi ito parang hindi siya sasama sa'kin.

"Ililigaw ko siya."

"Hindi ka sasama sa'kin?"Nanlulumong tanong ko."Akala ko ba poprotektahan mo ko?"Natigilan ako.'Yan din pala ang naging tanong ko kay Garth nang trinaydor niya ako.Ngayon 'yan din ang naging tanong ko kay Josan sa pag-iwan niya sa'kin.So ironic. "Fine,"marahan kong binawi ang kamay kong hawak parin niya."But just so you know,I wanted to fight it with you pero parang gusto mo yatang ipain 'yang sarili mo.Next time na tatakas ka sa kanila,please wag ka nang magpakita sa'kin kung iiwan mo lang din ako."

Napangiti siyang hinila ako paharap sa kanya at bahagyang yumuko kaya bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya.
"Didn't you notice?May epekto na ako sa'yo,Luegan."

"Ano bang pinagsasabi mo?"Naguguluhang tanong ko.

"Unti-unti ka nang nahuhulog sa'kin,love."Lumapad ang ngiti sa labi niya na parang napakasaya niya sa nadiskubre.Para pang kumislap ang mga mata niya."Hindi naman pala mahirap paibigin ang isang Luegano Prodis.I can't wait na tapusin ang problemang 'to,love."

"Tss,umalis ka na nga lang.As a half-alien and half-human,ang dami mong alam."

"Sa pagbabalik ko,paiibigin pa kita lalo,"nakangiti parin niyang wika.

Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.He kissed on my forehead kasabay nang paghagod niya sa buhok ko.Natulero ako't hindi na nakakilos pa.

"Go home and remember what I said."Binitawan niya akong nagulat pa sa bilis niya.Naglakad siya paatras at hindi niya hinihiwalay ang kanyang mga mata sa'kin habang suot parin ang kanyang mga ngiti.


Napasimangot akong naglakad pauwi.Hindi man lang ako nakapagpaalam!Pinatid ko ang bawat bagay na nadadaanan ko sa inis.Paano pala kung hindi na siya makakabalik?Edi pagsisihan ko pang hindi ko man lang siya nayakap.Hindi naman siguro masama kung yayakapin ko siya,hinalikan rin naman niya ako eh.Pero ano na ngayon?Wala na!Tatanga-tanga ka kasi!

Huminto ako sa isang lumang pader at sumandal dito.Ang bigat nang dibdib ko.Parang bigla-bigla naubos lahat nang enerhiya ko.Gustong-gusto kong bumalik at samahan siya pero baka mas ikapahamak pa niya ang pagsama ko.Bahala na nga siya.Pinili niyang mag-isa edi mag-isa siya!Paki ko!

Sinunod ko lahat nang gusto niya.Sinigurado kong nakalock lahat nang pinto at bintana.Tinipon ko rin lahat nang mga bagay na maaari kong gamiting panlaban.Ngunit sumapit nalang ang gabi ay wala namang nangyayari.Gusto ko rin namang makakita nang alien noh kaya hindi ako natulog,nag-aabang lang ako kung ano mang mangyayari sa susunod pang oras.Gusto ko ring makita si Josan,sa tahimik nang apartment ko minsan naiisip ko nalang na sumunod sa kanya.

Nakakain kaya 'yon?Paano niya kalabanin ang alien kung gutom siya?Paano siya makakasurvive nang ilang araw eh wala siyang dala kahit ano?

Naupo ako sa malapit sa bintana at dumungaw doon.Tahimik na ang buong paligid at wala naring ilaw lahat nang kabahayan.Baka nga ako nalang ang gising pero wala talaga akong planong matulog.Hintayin ko siya para kapag dumating siya,agad ko siyang mapagbuksan.

Ngunit ilang oras pa ang dumaan ay walang Josan at alien na dumating.Nakaramdaman narin ako nang antok kaya imbes na maghintay ay matulog nalang ako baka hindi nga siya darating at pupuyatin ko lang ang sarili ko.

Isasarado ko na sana ang bintana nang may mahagip ang aking paningin.Isang tao ang napansin kong naglalakad sa dilim.Palinga-linga ito.Hihinto at muling magtatago.Paulit-ulit lang siya nang gano'n hanggang sa isang block nalang ang layo niya sa apartment ko.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang cloak.Wait,Cloak?!Hindi nga?!Kahina-hinala.Kahina-hinala ang galaw niya.Hindi kaya ang taong 'yan ang sinasabi ni Josan na alien?!Teka,tao nga ba 'yan?

Dahan-dahan kong sinarado ang bintana para hindi niya mapansin pero nag-iwan parin ako nang maliit na siwang para makita ko ang bawat galaw niya.

He keep on moving hanggang sa matapat na siya sa apartment ko.Nang huminto siya ay saka ko lang tuluyang sinarado ang pinto at nilock ito.Tumatambol ang dibdib ko sa kaba.Why is it here?Akala ko ba ililigaw siya ni Josan?

I tiptoed out of my room.Nang makarating sa sala ay saka lang ako huminto at pinakiramdaman ang paligid.Tahimik.Sa sobrang tahimik ay matatakot ka na,na baka may susulpot sa kung saan.Lumapit ako sa pinto at idinikit ang tenga dito.

Ngunit wala akong narinig.Lumapit rin ako sa may bintana at bahagyang hinawi ang nakatakip dito para silipin ang labas nang apartment ko.Wala sa kalsada at wala din sa maliit na playground.Nang mapatingin ako sa mismong tapat nang pinto ko ay muntikan na akong mapasigaw.

Standing there was the cloaked man-alien pala.Nakatingin sa'kin ang kanyang malalaking bilog at itim na mata.Napalunok nalang ako nang hindi ko maigalaw ang aking katawan.Nakatitig lang kami sa isa't-isa,ako na takot at siya na hindi ko alam kung anong reaksyon.He tilted his head na parang pinag-aralan ako.

"..they're afraid of people na hindi natatakot sa kanila."Nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Josan.Matatakot ko kaya siya kapag haharapin ko siya at ipakitang hindi ako natatakot?Pero natatakot ako!

Kumuha ako nang maliit na kitchen knive at humugot na malalim na hininga.Bahala na nga.Marahas kong binuksan ang pinto at iniumang ang hawak kong patalim pero wala akong nakitang alien.

"Hindi ako natatakot sayo!Labas!"

Ngunit ni anino nito ay hindi ko na nakita.Gano'n nalang 'yon?Titigan niya lang ako tapos aalis na siya?

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon