BTS 1

420 22 0
                                    

*Kring*

*Kring*

Tunog ng alarm clock ang dahilan para—

*Bogsh*

Ayun para mahulog ako sa higaan ko. Agad kong kinuha iyon sa mesang malapit sa hinihigaan ko. Gawa pa naman siya sa bakal, tapos may parang dalawang maliit na symbals sa taas. A typical alarm clock, sinadya kong bumili para effective na makagising ako kaagad, kaso wrong timing. Kainis!

Ang saya ko sayo. Umayos ako ng upo at pinag lapat ko ang mga palad ko.

"Thank you po, Papa G! Thank you Lord!"

Pagkatapos ay iniligpit ko na ang higaan ko sa loob lang ng limang segundo.

  Yup, ganun talaga.


Ginawa ko na ang morning rituals ko. Kumain ng agahan, ihanda ang baon kong pagkain, naligo, nagbihis at ayos narin ng sarili.

Mag isa nalang kasi ako. Wala ng ang mama ko dahil sa aksidente sa sasakyan.  Noong nasa elementary palang ako at dahil mahal ni papa si mama ay sumunod ito sa kanya. Tumawid si Papa no'n  habang may mga nag- uunahang mga sasakyan sa kalsada, ilang araw palang nun ng ilibing si mama. Hinatid ako ni papa sa mga kamag anak namin pero hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin ay nangyari ang hindi ko inaasahan
Kitang- kita ko kung paano siya hagipin nung truck. Pakiramdam ko hindi basta basta maglalakad si Papa sa gitna ng kalasada, para kasing may nakita siya doon at tumakbo para malipatan kung anu man ang nandoon sa gitna ng daan.

Pagkatapos tumilapon ni papa at nangyari ang aksidente ay nakita kong may itim na shadow,hugis ng tao, nakalutang dito palibot sa lugar kung saan namatay si Papa.

Matagal na akong nakakakita ng ganu'ng mga bagay magmula ng bata palang ako.  Sabi ng mga magulang ko huwag ko raw pansinin. Nakakatakot ang itsura nila,  kahit umaga o gabi pa man 'yan. Kahit saan ako tumingin, kahit sa loob pa ng banyo sa bahay namin at kahit ngayon sa apartment na tinutuluyan ko.

Yes, I can see dead people, spirits. Simula ng nawala ang magulang ko ay hindi ko alam ang gagawin ko sobrang takot na takot ako nang mga panahon na 'yun. Mga mahihinang bulong sa magkabilang tenga ko na dahilan para mag taas ang mga balahibo ko sa katawan, may humahawak sa kamay ko at binti, may nakapansan pa nga minsan sa balikat ko at nakadagan pag nakahiga ako. Alam nila Papa at Mama na may mga ganitong nangyayari kaya hindi nila nila ako iniiwan mag isa pero wala eh. Ngayon silang dalawa ay magkasama sa kabilang mundo habang ako ay nag iisa. Isang kwintas ang ibinigay nila sa akin. Sanggol palang ako, wala akong ideya kung anong klaseng kwintas iyon. Isang maliit na bilog na marble na may magkahalong kulay asul at itim, may cage ito gawa sa silver.

Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako nagagawang pasukin ng mga kaluluwang gustong pumasok sa katawan ko.

Nang nakapag-aral ako ng highschool ay natutunan kong gumamit ng computer at doon ay nag search tungkol sa sitwasyon ko. Pumasok ako at nag- aral ako ng  Taekwando, para narin sa self defense ko kapag kasi na napapansin nung mga kaluluwang pagalagala na nakikita ko sila ay sinaksaktan nila ako para makapasok lang sa katawan ko. Kaya lumalaban ako. Hindi nila alam na sobrang nakakatakot sila kaya ako napapatingin.

Ang dami ko ng sinabi pero hindi papala ako nakakapag papakilala.
I am Moriah Ryle,  19 years old. Second year college, pinasukan lahat ng scholarship sa may bayan para narin 'yun sa allowance ko sa pag- aaral kahit na free education na ngayon sa lahat ng paaralan. Hindi ako exorcist para gawing pagkakakitaan ang exorcism na sabi ng ilang nakakakita sa kakayahan ko. Tao din naman na ako napapagod. Tumutulong ako kung kailangan. Gusto kong makapagtapos ng pag aaral. Gusto kong maging isang normal na tao kahit ng yung totoo hindi yun ang nangyayari.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon