BTS 24

66 8 0
                                    

MORIAH RYLE

"I love you, makakabalik ka na." Nakangiting sabi nito bago maging malabo ang paningin ko, hindi ko man siya nahawakan. Marahil iyon na ang huli.

Ang huli para sa amin na hangang ngayon ay hindi ko kayang tanggapin.

Paalam, ang salitang ayokong sabihin pero wala na akong magagawa.

***

Iba't ibang tunog ang naririnig ko.  May nag- uusap, mga ingay mula sa mga nag- uunahang sasakyan, mga yapak ng mga tao na nagmamadali para makapunta sa kung saan man ang pupuntahan. Mayroong mga huni ng ibon din akong naririnig, ang pag hampas ng marahan ng bawat sangga ng puno sa paligid.

Sa hindi malamang dahilan ay nagmulat ako ng mata, mahapdi at maluhaluha ang nararamdaman ko sa mga mata ko.

Nakakasilaw ang matinding sikat ng araw na tumatama sa pares ng mata ko. Napako naman ang paningin ko sa maaliwalas na kalangitan, ang kulay asul na himpapawid kung saan malayang nakapalibot ang makakapal na puting mga ulap.

Natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa gilid ng kalsada. Pinapalibutan ng ilang tao, puno ng pag aalala, pagtataka ang mga nakapinta sa bawat mukha nila. Ang ilan ay tinatanong ako kung

'ayos lang ba ako.'

Tinanong ko rin ang sarili ko 'ayos lang ba talaga ako' hindi ko alam.

Bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako? Na parang kalahati ng pagkatao ko ay nawala

Naramdaman ko na may ilan din nag-uusap sa may gilid ko. Marahan kong itinigalid o inilingon ang ulo ko sa kanang bandang ko at natagpuan ko ang isang lalaki na nakahandusay rin sa sahig gaya ko.

Bakit ba kami nakahiga?

Nagkabanggaan ba kami at nawalan ng malay?

Napakaamo ng mukha niya. Habang pinagmamasdan ko ang buong mukha nito. Malayo siya sa pwesto ko ay may luhang pumatak sa pisngi ko na sinundan pa ng ilan hanggang sa tila walang awat sa pag- agos.

Bakit ba ako umiiyak?

Marahan akong inalalayan ng mga tao sa paligid ko at tinanong kung bakit ako umiiyak at ang nagpa gulo sa isipan ko ang tanong ng isa na kung

'Kilala mo ba siya?'

Ano? Kilala ko ba siya?

''Hindi po. Hindi ko pa siya kilala," ang sagot ko.

***

3 months passed

Abala sa mga activities sa school.  Mga reports, assignments tapos mga requirements na kailangang ayusin para sa susunod na semester.

Bukod sa pagiging abala sa school , may dumagdag pa sa gawain ko sa buhay. Ayoko itong pansinin, ngunit palagi itong nahahagip ng mga lente ng mata ko. Pinipilit kong aalahanin kung saan ko ba siya nakita, para kasing nakita ko na siya dati.

Wala naman siyang ginagawa, basta lagi ko lang siyang nakikita at ang nakapagtataka ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin.

Stalker ko ba siya?

Hindi ko rin siya nakikilala, baka New transferee?

Anyways I don't want to waste my time with a nobody.

"Leave me or else I'll break your nose!"

"Bakit ba napakainit ng ulo mo, this passed few months?"sabad niya.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon