MORIAH RYLE
Tila nakakabingi ang binitawan kong mga salita kaya hanggang ngayon ay nakatulala siya sa malayo parang may tinitingnan ito na hindi ko nakikita. Huminga nalang ako ng malalim at tuningala sa kulay abo na langit.
'Bakit kaya galit si Prince Lourde kay Clark kapag nasa isip ko ito at binabanggit sa kanya?'
Kailangan ko talagang maglakas loob na magtanong kay Prince Lourde kaso malabo dahil maingat ito sa kung anuman ang tinatago niya sa pagkatao niya.
"Thank you sa time, Mori!" sabi nito at gulo pa sa buhok ko.
"Same, let's call it a day. See you tomorrow!" paalam ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.
'Pumasok? Bakit nakabukas ang pinto.'
Agad na akong nag lakad papunta sa sala ngunit nang makita ko ang pinto ng kwarto ko na nakaawang ay mabilis akong pumasok doon at nagsimula na akong kabahan na hindi ko na mapigilan ang puso ko pagtibok ng mabilis pa sa normal.
"PRINCE LOURDE!" Sigaw ko sa gulat na makita ko na nakahandusay siya sa sahig na puno ng halos ang braso at mukha. Sira-: sira ang uniform na suot nito na parang nasunog sa apoy.
Agad akong lumuhod at niyakap ito. Hinihingal ito ng malalim at nakapikit. Nanginginig ang mga kamay at pinapawisan ang mukha niya.
"P-Prince Lourde! Anong nangyayari sayo?!" natataranta kong sabi at inaalog siya para magising, maging ang mga palad ko ay nanginginig sa kaba at takot na yumayakap ng ngayon sa sistema ko.
"M-mori" mahinang sabi nito na may pagka garalgal pa ang tono.
"Nandito ako. Bakit ganyan ang nangyari sayo?" naluluha kong sabi at hindi ko mapigilan na mapahigpit ang yakap ko sa kanya. Para itong nakulong din sa Dark room at pinarusahan doon ng walang tigil gaya ng naranasan ko doon noon.
"D-dito ka lang. Huwag mo akong Iiwan," nakapikit parin nitong sabi at humawak ang nanginginig nitong kamay.
***
Dalawang oras na akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Nalinisan ko narin siya at napalitan ng damit, kahit na napunasan ko na ang mukha niya ay bakas parin ang sakit na natamo niya ngayon. Hindi ko binitawan ang palad niya at ganu'n din siya kapag ikikilos ko ng marahan lang ang kamay ko ay siya namang paghigpit ng hawak niya na tila ayaw akong pakawalaan.
Nangilid ang mga luha ko ng maalala na wala akong ginawa mula umaga hanggang hapon kundi ang mag gala sa labas habang nandito sa bahay si Sungit na halos lagutan na ng hininga at mawala ng tuluyan.
Napayuko nalang ako at hinayaan na bumagsak ang mga luha ko sa aking pisngi. Kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan, kung agad lang akong nakauwi kung nasa tabi niya lang ako baka nagawa ko pa siyang protektahan.
"B-Bakit andyan ka nakaupo? H-Halika d
rito," dinig kong sabi ng isang boses kaya agad akong nagpunas ng basang pisngi at tumingala. Marahan itong naupo na agad ko namang inalalayan. Tumabi ako sa kanya sa kama at lumapit para tulungan itong makaupo ng maayos. Halata parin na sobrang hina ng pangangatawan nito ngayon."Mahiga ka na lang," nauutal kong sabi sa kanya sabay punas sa tumutulo kong sipon at pangingilid na naman ng mga luha ko. Hindi ko maiwasan na ang masayang pares na mata nito ay nababalutan ng sobrang kalungkutan, kaya ngayon ay sobrang naapektuhan ako kaya hindi ko mapigilan na mapaiyak kahit anong pigil ko.
"G-gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita," mahina kong sabi.
"Isang ngiti mo lang at yakap, ayos na ako. Huwag ka ng umiyak lalo akong nahihirapan," pinakalma ko ang sarili ko at kahit masakit ay ginawa ko ang makakaya ko na hindi mapaiyak sa lagay niya ngayon, kahit na puno ng galos ang braso at mukha niya ay niyakap ko na siya ng buong higpit.
BINABASA MO ANG
Behind the shadows [C0MPLETED]
HorrorYou should not try to get close to her and talk to her anymore, either. She can see things that should remain unseen. R18 | Novel (Under Revision)