MORIAH RYLE
Nasabi ko ng nakakakita ako ng mga multo, mga shadow at mga entity sa paligid ko. Ngunit [to palang ang unang beses na makakita ako dark shadow na nasa loob ng isang tao. Nakapagtataka, hindi ako pwedeng matakot baka matalo ako.
Kinabukasan ay diretso ligo at kain ng kaunting agahan. Hindi narin ako natulog magdamag. Hinahanap ko ang sagot kung anong klaseng shadow ang nasa lalaki kahapon. At school theres an event and I will go just to sign for the attendance. Wala namang importanteng gagawin mabuting ipagpatuloy ko nalang ang gagawin kong movie marathon na naudlot.
Naglalakad na ako ngayon sa gilid ng kalsada, sabay suot ng earphones dahil bumubulong na naman ang mga makukulit na spirits. Ayokong sirain nila ang magandang araw ko ngayon. Ramdam ko ang lamig at sariwang hangin sa paligid ko. Ang marahang pag sayaw ng mga sanga at ang pagtagos ng sikat ng araw sa mga puno sa gilid ng kalsada. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin, hindi dahil sa mga malalamig na presensya ng mga multo na nasa paligid ko lang din. Nakatingin naman ako sa kwintas ko. Salamat dito dahil ito ang naging sandata ko, ang bantay ko sa mga masasamang elemento. Nakangiti ako sa kadahilanang kahit iniwan na ako ng mga magulang ko ay may isang bagay parin akong kasama na sila rin ang nagbigay, tila nandito parin sila para tulungan ako.
Nagptuloy ako sa pag bagtas ng daan pauwi. Gusto ko nang hubarin na itong uniform ko at magpalit ng damit pang bahay. Pinagmamasdan ko ang ilang tao na busy sa mga kausap at kasama nila. Ang ilan ay nakaupo sa tapat ng ilang shop at ang ilan nagmamadaling maglakad. Ang mga sasakyan ay nag uunahan rin sa kalsada. Napaka abalang lugar.
Sa paglilibot ng aking mga mata ay napatigil ako. Ang mga ngiting nakapinta sa aking mukha ay tila nabubura. Nakita ko ulit siya! Ang misteryosong lalaki na may shadow sa loob ma katawan nito. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Habang ito'y nakayuko naglalakad ng diretso patawid mg pedestrian line. Sa bandang dibdib nito makikita ang tila maitim na usok, na para bang pilit nagtatago sa loob ng katawan ng lalaki. Kung titingnan payat na ang lalaki at parang wala sa sarili. Malalim ang mga mata, at walang gana, parang may sakit siya na hindi mo malaman. Gusto ko itong habulin pero ayaw kumilos ng mga paa ko na parang may pumipigil na huwag akong lalapit. Hinayaan ko nalang, wala naman akong magagawa dahil nasa malayo palang ako ay parang hinihigop na nito ang lakas ko.
Iniwas ko ang paningin ko at nagpatuloy sa paglalakad. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Wala sa plano ko ngayon araw ang makipag-away sa kung sinong mga multo. Muli, ibinaling ko ang paningin ko doon sa lalaki. Mabilis na tumigil ang mundo ko ng tumalikod agad ako ko nang matitigan yung lalaki. Hindi ko naman inaasahan na palapit ito kung saan ako nakatayo. Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko, nakayuko parin ito na parang walang pakialam sa paligid.
Pigil ang hininga ko nang nasa tapat ko na siya hanggang sa makalagpas na ito. Tulad ko normal ang itsura nito kahit may kakaiba sa kanya. Nakahawak ako sa kwintas ko bigla itong bumigat dahilan para masakal ako. Masakit sa leeg at nahihirapang huminga. Dahan -dahan akong napapaluhod sa lupa. Tumingin ako sa paligid para makahingi ng tulong. Hindi ako makahinga napansin ko muli ang lalaki na may itim na shadow sa dibdib. Isang metro nalang ang layo nito sa akin nagkatitigan kami. Umihip ang malakas at malamig na hangin. Nagdilim ang langit at parang uulan pa ng wala sa oras.
Napaupo na ako dahil sobrang nasasaktan na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko maintidihan kung bakit bigla nalang nawalan ng malay ang lalaki sa tabi ko at nakahiga na ito sa lupa kasunod noon ay ang nagdilim ng paningin ko at nawalan din ng malay.
***
Nagising ako dahil sa sobrang liwanag na parang nakatapat sa akin ang haring araw.
BINABASA MO ANG
Behind the shadows [C0MPLETED]
HorrorYou should not try to get close to her and talk to her anymore, either. She can see things that should remain unseen. R18 | Novel (Under Revision)