"I want you." Nahihya niyang sagot na parang hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya sa akin.Baliw ba siya o may sumanib na spirit sa kanya?
"You want to die!" Naiinis kong sabi dahil nasasayang ang oras ko sa kabaliwang nalalaman niya.
"No! I mean I want you to help me." Diretso niyang sabi.
He have a friend na gusto niyang tulungan. Tinanong ko kung bakit sa akin o kung bakit ako? Pulis ba ako? Anong rason bakit sa akin siya lumapit at napaka importante ata ng sasabihin niya? Ano bang nakita nitong lalaki na to sa akin? Hanggang sa magkwento na siya. Napapansin niya raw ako na parang gaya ng napapanuod niya sa internet na may mga sixth senses. Napansin niya na may ability ako na ganun. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ay tumayo na ako at tiningnan siya ng masama.
"Don't me." Mariin kong sabi. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noon, yung tinulungan ko na maging miserable pag tumulong pa ako.
"Pero gusto ko siyang matulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan." Pagmamakaawa niya at tumayo narin.
Kinuha ko na yung bag ko at isinakbit sa balikat ko para maka alis na. Biglang may narinig kaming nagsisigaw at di kalayuan ay may nag tatakbuhang mga estudyante na parang may kung anong nangyaring hindi maganda. Hindi ko na binigyan ng pansin itong si Voltaire. Ngunit may pag ka makulit ang isang ito. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na talaga napigilan ay mabilis akong naglakad para hindi na siya mangulit pa.
Hindi ako makadaan sa dami ng mga nakaharang sa hallway. Tila may mga artistang dumating at pinag kakaguluhan ito ng mga estudyante.
"Excuse me!?" Nagtaka ako kung bakit iba ang mga reaksyon ng mga mukha nila na parang nakakita ng multo.
"Tumawag kayo ng mga teachers!" sigaw nung isang estudyante.
Ano bang nangyayari?
Hanggang sa isinuot ko ang sarili ko sa mga nagkukumpulang mga estudyante. At nakita ko na ang pinagkakaguluhan nila. Mga iilang lalaki ang hawakhawak ang isang babaeng parang may sumanib na kung ano sa katawan niya. Nagpupumiglas ito. Namumuti ang mata, umiiyak, pawis na pawis, halatang pagod na pagod sa kakasigaw at takot na takot.
Umalis na ako ayoko na isali pa ang sarili ko sa mga ganoong sitwasyon kung hindi rin ako makakatulong. Habang naglalakad palayo doon ay nabunggo pa ako sa isang student. Nawala kasi ako sa sarili ko matapos kong makita yung kanina, yung matandang babae kaninang umaga. Sinasakal niya yung babae kaya siya nagkakaganon.
Bakit niya ba sinasakal yung babae? Napatingala ako ng magsalita ang nabunggo ko.
" Anong meron doon?" tanong ni Voltaire.
Siya nanaman? Hindi ko siya pinansin. Akmang aalis na ako para iwan siya ng bigla siyang sumigaw para tawagin ang isang pangalan.
"Rangel!" Sigaw nito, kaya napalingon ako kung saan siya nakatingin. Isang babae ng umiiyak at may mantsa ang damit tila tinapunan ito ng juice. Basa rin ang hawak niyang mga libro. Nasa sulok ito at iniiwasan ng mga ibang estudyante. Agad na lumapit si Voltaire doon sa babae at hinubad ang coat nito tsaka ipinatong sa magkabilang balikat ni Rangel.
"Binully ka na naman ba nila? Sabi ko naman sayo umiwas ka diba! Ba't di moko tinawagan ha! Alam mo naman na ayokong nangyayari sayo 'to!" Singhal ni Voltaire kay Rangel, tinulungan niya itong tumayo at inalayo sa iba. Lumapit sila sa akin. Nakayuko lang yung babae. Nakaramdam ako ng kakaiba ng makita ko sa di kalayuan yung matandang babae na nakatingin sa akin agad akong napatingin kay Rangel.
BINABASA MO ANG
Behind the shadows [C0MPLETED]
HorrorYou should not try to get close to her and talk to her anymore, either. She can see things that should remain unseen. R18 | Novel (Under Revision)