MORIAH RYLE
Pagpasok ko ng school doon ko nabalitaan ang lahat. Nakakulong na yung lalaki. Namatay yung isa sa mga bata at yung ate nila, yung babaeng tutulungan ko sana pero lalo lang lumala ang nangyari. Ang nanay naman ay kinuha yung nag iisang nakaligtas pamamaril. Nasa trabaho ito kaya wala ito sa bahay ng mga oras na iyon.
Dahil sa nangyaring iyon ay hindi ko na pinakialaman ang buhay ng iba. Tama naman kasi na kahit anong gawin ko ay nangyayari parin kung ano ang nakatakdang mangyari. Kahit isipin ko na aksidente ang nangyari kila mama at papa hindi ko maiwasang isipin na baka 'yun na ang oras nila.
Hinayaan ko lang na guluhin ako ng mga multo. Mga pili nalang ang tinutulungan ko. Hindi tao kundi mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Mabait naman ako sa mga tao at multong mabait sa akin. Huwag mo lang akong subukang galitin baka mabali lahat ng buto mo at madislocate ang mga ito. Kaya kong pumatay gamit ang mga kamay ko pero wala 'yun sa mga plano ko sa ngayon. Kapag binangga mo ako o nagawa mong i-judge mo ako sisiguraduhin kong mamamatay ka sa sakit kapag inatake kita ng skills ko sa teakwondo.
"Oo, obvious na kasi na hindi ako normal."
Sino ba naman ang nakakakita ng mga multo? Iba ako sa mga may sixth senses o third eye, kasi may iba ako abilidad maliban sa nakakakita ng multo.
Ngayon naglalakad ako sa hallway para pumasok sa sumunod kong klase ngayong umaga. Sa iba normal lang na maglakad sa malinis na hallway na nilalakaran ko, pero para sa akin nakikita ko ang nagkalat na spirits. Iba iba ang nakikita ko. May tumitingin sa mata ko at nakikinig face to face pa. Hindi ko na pinapansin kahit na kinakabahan parin ako kapag sobrang lapit nila. May mga duguan ang katawan, may naaagnas na, hiwa sa leeg at mukha.
Mayroon din na nakatayo lang pero ang sama ng tingin. Madalas ay naka puting damit at mahabang buhok at natatakpan ang mukha na may pares ng mata na puro puti. May multo rin na kapag lumapit sa akin ay parang zombie kung maglakad. Ang iba naman ay gumagapang habang malikot ang ulo at namumuti pa ang mga mata nito. May mga multo rin na lumulutang at nasa itaas ko at bigla nalang magpapakita habang nakabaligtad pa.
Ngayon, wala na ako sa public place kung saan may nakakakita sa akin ay hinaharap ko ang mga multo na tinatakot at sinububukang kunin ang katawan ko. Isa- isa ko silang kinalaban hanggang sa kalahati sa kanila ang naglaho.
Umiwas narin ang iba sa akin at hindi na ako ginulo. Ngunit may nahagip ang lente ng mga mata ko kanina ko pa kasi napapansin ang isang matandang babae at naglalakad nang nakayuko, na parang wala siya sa sarili. Umiiyak ito at duguan ang braso nito sa kaliwa. Dahil walang nakakakita sa akin dito ay nilapitan ko siya at kinausap.
"Ano pong nangyari?"
Humarap siya sa akin. Basa ng luha ang kanyang mga pisngi. Patuloy parin ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata."Ang anak ko...ang anak ko,"
mahina niyang sabi na hinawakan pa ang kamay ko,nanginginig pa ito. Ako naman ay nilakasan ang loob ko kahit na kinakain ako ng takot.Hindi ko rin kasi maiwasan na hindi matakot, hindi parin ako sanay. Napakasakit ng pag- iyak niya. Medyo nasasaktan ako sa paraan ng paghawak niya, parang galit halos mapupunit na yung balat ko. Binawi ko yung kamay ko dahil hindi na maganda yung pakiramdam ko. Hindi na ako nakapag salita at naglaho siya bigla sa tabi ko.Weird.
Nakapagtataka kung bakit niya sinasabi ang salitang anak?
Tanghali na. Pumasok na ako sa room ko. Sa iba normal lang ang lahat ng nasa loob ng room na ito pero hindi nila alam na may mga ligaw ng multo ang umaaligid sa kanila. Naupo na ako sa harapan malapit sa table ng teacher. Napalingon ako sa likurang banda ko dahil sa mga mai-ingay na bulong nung mga spirits. Dalawang white lady na may binubulong doon sa na kaklase kong lalaki na gwapo. Maganda ang pangangatawan, ang pares ng kanyang mga mata ay kay gandang titigan at may manipis na labi at yung ilong niya na hindi gaanong matangos. Ang isa sa mga multo ay nakayakap. Ang isa naman ay hinahalikan sa leeg yung lalaki. Itong lalaki naman na ito ay palagi ang haplos sa leeg at parang may nakapasan sa balikat niya hindi niya alam na may mga white lady na niyayakap at hinahalikan siya.
BINABASA MO ANG
Behind the shadows [C0MPLETED]
HorrorYou should not try to get close to her and talk to her anymore, either. She can see things that should remain unseen. R18 | Novel (Under Revision)