BTS 4

127 19 0
                                    

MORIAH RYLE

Nasa may library ako, naghahanap ng mga libro para sa gagawin kong project. Malamig dito dahil fully air-conditioning pero hindi ko inaasahan na may lalamig pa sa pakiramdam ko ngayon na may nakahawak  sa balikat ko. Huminga ako ng malalim at Inihanda ko ang sarili ko para sa atake na gagawin ko sa multong ito, istorbo.

"Ano na naman ba?"  Napatigil ako ng mama ni Rangel ang nakahawak pala sa balikat ko. Agad naman na akong humingi ng paumanhin.

"Pasensya na po akala ko po kasi— "  Napansin ko rin si Voltaire at Rangel na nandito rin. Hindi ko alam kung bakit nasa paligid ko sila ngayon? Simula ng malaman ni Voltaire ang iba sa akin.

"Salamat sayo mapapanatag na ako dahil may tutulong na sa anak ko. Salamat ng marami."

"Kay Voltaire po kayo magpasalamat."  Nasabi ko nalang habang nakatingin sila sa akin na parang nagtataka. Bakit ba sila nandito? Sinusundan ba nila ako?

" Alam ko, pero malaki parin ang naitulong mo."  Hindi parin siya nagsasawang magpasalamat sa akin. May naalala na naman ako. Si mama.

"Opo, walang anuman babantayan ko rin po si Rangel,"  wala na akong masabi kaya hinayaan ko na kung ano man ang lumabas sa bibig ko.

May luhang tumulo sa mga mata nito nag-iba ang itsura nito hindi tulad noon na malungkot, maputla, may mga dugo sa katawan. Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya kung bakit kakaiba ang itsura nito.

Ngayon nakatingin ako sa kanya parang muli itong nabuhay nagawa nitong ngitian nito kahit na hindi parin ako komportable dahil multo parin siya. Niyakap niya ako kaya lalo akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hindi ako huminga ng ilang minuto, nabingi ako ng wala sa oras sa sobrang kalabog ng puso ko. Ang huli kong narinig sa kanya bago ito mawala ay

"Pakisabi kay Rangel. Mahal ko siya."

* Flashback*

Nasa school siya nakaupo sa may hulihang parte, tila isang classroom ito. May lalaki sa harapan na nagtuturo ito marahil ang teacher nila sa klase. Tahimik ang mga estudyante at nakikinig lamang sa guro sa harap. Palagian ang paglingon  nito sa labas kung nasaan ang ilang magulang na nagbabantay sa kanila. Bumalik ang paningin nito sa guro sa harap ngunit ilang sandali nanaman ay tumingin ulit ito sa labas para tingnan ang mama nito. Nandoon parin nakatayo at tahimik na tinitingnan din ito na parang sinasabing, ''Nandito lang ako, huwag kang matakot.'' Ngumiti siya at humarap na sa harapan.

Ilang sandali pa ay may mga sigaw sa labas na tila may nag aaway.  Isa sa mga kaklase nito ang tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. Tinawag siya ng guro ngunit hindi ito nakinig. Napatayo na rin ito at mabilis na hinanap ang mama nito na nasa labas. Kinakabahan na ang pakiramdam nito. Naging maayos din dahil nakita nito ang mama na nasa labas parin.

Hindi malinaw kung bakit may nagkakagulo sa labas kung nasaan ang mama nito. Sa kabilang banda ay nasali ang mama nito kahit na lumalayo na ito sa nangyayaring gulo. Nagsimula nang mag sigawan ang ilang mga magulang.

"Ano ba! Kumalma kayo mag-usap kayo ng mabuti!"

"Wala siya dito!"

Hindi magkaintindihan ang lahat. May ilang umaawat na pero nanatiling nagsasagutan ang ilan. Sa hindi kalayuan ay may dalawang lalaki ang nakasakay sa motorsiklo. Nakaitim ang mga damit nila mula ulo hanggang paa maging ang suot na helmet. Ang isang lalaki ay may hawak ng isang bagay nakataas ang kamay sa ere na tila may itinuturo sa direksyon kung saan may mga nagkakagulo. Nakakabinging putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Mabilis ang pangyayari,  walang nagtangkang gumawa ng inggay dahil sa pagkabigla. Matulin na nawala ang naka motorsiklo. Mabilis na napukaw ng mapulang dugo ang lahat. Dugo na tumulo sa sahig. Walang isang kurap ay napahiga sa sahig ang isang babae.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon