BTS 15

55 9 0
                                    

MORIAH RYLE

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakangiti ng hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nakatulog ako na sobrang kaba sa dibdib ko. Pinipilit ko na pigilan ang nararamdaman ko pero masyado itong malakas at nakakabingi ang pag huhumiyaw nito. Ang pag sigaw na gusto ko na si Sungit kahit napaka imposible. Nakakabaliw pala rito.

Kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam ko. Ngayon lang ako nakapag pahinga ng matiwasay, walang mga multo at si Pangit na istorbo.

Paglabas ko ng kwarto ay wala akong nadatnan. Maliwanag narin sa labas, umaga na ba o tanghali? Nasaan kaya si Sungit. Pumasok na siguro. Nag unat unat muna ako tapos nagsimula na akong mag linis ng sala, kusina at banyo. Magluluto na sana ako ng mapansin ko na may marinig ako sa harap ng pintuan.

'May multo ba?'

Kumuha agad ako ng sandok para maipukpok ko sa kung sino man ang nagpupumilit na buksan yung pinto nitong kwarto. Nakahanda na akong ihampas sa kanya ng mabuksan na niya yung pinto.

"WHAAAHHH!!" Sigaw ko na ikinatigil ko at siya naman ay natuod sa kinakatayuan niya habang nakatingin sa sandok na hawak ko na nakataas sa ere. Parang may enerhiyang pumigil doon.

"What are you doing?" Walang emosyon niyang tanong at pumasok na sa loob nitong bahay. Nilagpasan niya lang ako at hindi ako makaalis kasi parang may magic siyang ginawa sa kamay ko na nanatiling nakataas. Asar.

"Oy! Baka naman! Akala ko kasi multo na kaya. . .Teka! Multo ka diba?!" reklamo ko tapos nawala na yung kung anong ginawa niya sa kamay ko at kaagad na lumapit sa kanya.

May mga paper bags itong inilagay sa may mesa, mga pagkain, prutas, gulay at karne. May birthday ba?

"Hindi mo man lang ako pinagbuksan. Dito parin ako nakatira," sabi niya at nagsimula ng magluto.

"Malay ko bang nasa may labas ka? Anong oras na ba? Bakit wala ka sa school?"

"Linggo ngayon."

Inihagis niya bigla yung susi sa may mukha ko, buti nalang ay kaagad akong nakaiwas.

"Pakibalik 'yan kay Manang Melba. Kilala mo naman yung matandang maliit diba?"
Minsan talaga may pagka judgemental tong Sungit na 'to. Tsk.

"Bakit hindi ikaw? Baka hindi mo na ako papasukin dito kapag lumabas ako."

Kinuha niya yung susi na hawak- hawak ko  ngayon at mabilis na lumabas ng kwarto. Ay beast mode?

Tahimik lang akong nagbabasa ng ilang lumang libro sa may sala. Kulang pa nga ang mga pages nito. Si Prince Lourde naman ay kanina pa nagluluto, hindi ko mawari kung anong niluluto niya. Mag iisang oras na siyang nagwawala doon sa may kusina, kung ano ano ng mga utensils ang binabalibag niya at nahuhulog pa ang ilan sa sahig. Ayokong lumapit baka ihampas niya sa akin yung maiinit na kawali at kaldero.

"Prince Lourde," tawag ko na ikinatigil niya at napalingon sa akin. Nakakunot ang noo nito halatang naasar na. Agad kong hinarang ang librong hawak ko sa mukha ko baka isampal niya sa akin yung sandok.

"Ano bang ginagawa niyo po?" tanong ko habang tinitingnan ang mga nagkalat na gulay at karne sa mesa at lababo. Hindi ko masabi na nagluluto siya kasi mukhang hindi naman.

"Ahhm. . .I can help you."

''No.'' Nalamig nitong sabi at hawak sa kamay ko. Hala! Ang aga aga galit agad? Anyare.

"Sa labas na lang tayo kakain," sabi nito at kinalakad niya ako palabas. Hindi na ako nakasagot kasi sobrang seryoso ng mga mata nitong nakatingin sa akin, diretso at walang kurap. Please heart! Tumigil ka nga sa pagtibok ng sobrang bilis, hirap huminga eh.

-Plaza-

Kung ano ano ng stall ng pagkain ang pinuntahan namin. Malapit ng mag tanghali at nakakaramdam narin ako ng gutom. Ang arte kasi ng kasama ko, hindi mapirmi sa isang lugar. Ako naman ay parang bata na nakasunod sa likuran niya, kapag nakatalikod siya ay sinisipa ko ang mga multong lumalapit sa akin, buti nalang gutom ako at napapalakas ang atake ko sa kanila.

Sa huli ay ice cream lang ang nakain ko. Nawalan na ako ng ganang kumain ng pagkain. Hinihintay ko nalang si Sungit na makalabas sa isang shop. May binili siguro. Tapos kanina ay may kinakausap itong mga multo na nagkakalkal ng basura. Napapakamot nalang ako ulo ko kasi ano ano pinanggagawa niya.

"Baka gusto mo akong tulungang magbuhat?" Sarkastiko nitong sabi at abot ng isang plastic bag. Inabot ko naman agad kasi ,no choice.

4 hours left nakauwi rin.

Nasa may rooftop kami ng apartment na tinutuluyan namin. Mataas at sobrang dilim ng paligid, mahangin din at ang tahimik. Kung kailan gabi na saka siya pupunta sa ganitong lugar, ano star gazing lang?

Hindi ko na maaninag si Prince Lourde. Naupo na lang ako sa sulok, kung ano-ano pa ang naapakan ko. Mga bakal na nakakalat sa sahig at mga yero at lata. May mga lubid pa at alambre. Nasa junk shop ba ako?

"Sungit? Asan ka? Baklang 'to! Bakit mo ako dinala dito at iiwan nalang basta!" Singhal ko tapos wala akong narinig na sagot! See?! Tatadyakan ko talaga yang batok niya pagnakita ko siya.

"Sige lang! Pagnakita kita, matutulog ka magdamag! Naku sinasabi ko sayo!'' sabi ko na nangangatog na ang mga tuhod ko, kahit liwanag lang sana galing sa buwan kaso wala kahit anino ng buwan. Ang dilim ng kalawakan ngayong gabi. Lalo pang nadagdagan ang takot ko baka mag pakita si Pangit!

Napatayo ako bigla nang may kung anong bagay akong naaninag sa may harapan ko, parang imahe ng itim na elemento na nakalutang sa ere. Palapit ito ng palapit sa akin hanggang sa. . .

"Boooooo!!" Malakas na sabi ni Sungit malapit sa kanang tenga ko. Nakakabingi, kaunti nalang ay mababasag na ang eardrums ko sa pagsigaw niya. Sa inis ko ay agad ko siyang sinuntok sa mukha.

*Bogsh*

Dinig kong paglagapak niya sa sahig. Sa lahat ng deserving, ikaw ay pinaka- deserving! Gutom ako, nakakalimutan mo!

"Whomsoever!!" Sigaw niya. Naka -adjust na ang paningin ko at kita ko siya ng bahagya sa gitna ng dilim. Napansin ko sa galaw nito na may pinupunasan siya sa bandang bibig nito, mukha mo! Bagay sayo 'yan!

"Mang gulat ka na sa bagong gising, huwag lang sa gutom na tulad ko!" Sigaw ko din sa kanya.

"Bwisit! Ang sakit!"

"Weak." komento ko kaagad.

*15*

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon