BTS 12

64 11 0
                                    


MORIAH RYLE

Nasa harapan lang ang tingin ko. Sa tingin nila ay mukhang interesado ako sa pakikinig sa guro sa harap. Ang totoo ay lutang ang isip ko sa nangyari. Ikaw ba naman ang kaladkarin nitong Sungit na ito. Masyado naman siyang conscious sa time. Naiwan pa yung chocolate drink ko sa taas at itong mga gamit at band aid, alcohol ang naidala ko.

"Sayang yun, itong alcohol nalang kaya inumin ko," bulong ko at hinawakan ang maliit na bote ng alcohol na nasa harapan ko.

"Oy, napano ka?" Tanong ni Sungit na nasa harapan ko. Inihiga ko nalang ang ulo ko na pagod na. Gusto ko talagang matulog na. Bahala na. Istorbo kasi si Pangit at ginulo pa ako sa panaginip ko. Hindi ko siya pinansin. Iidlip muna ako sandali.

Naramdaman ko na gumalaw yung upuan nito na parang tumayo siya dahil nakita ko yung mga sapatos nito sa sahig. May nahulog naman sa mesa nito na mga papel, ang ilan ay pumailalim sa mesa ko at paa.

Walang gana ko itong punulot mula sa sahig at binasa sandali. 'Reapers'

"Sayo ata to," sabi ko na walang emosyon, harap sa kanya at abot ng ilang mga papel.

Napakunot ang noo ko at halos magdikit ang mga kilay ko sa gitna.

Nasaan ang mga kasama kong nag-aaral dito kanina? Asan si teacher na nakatayo sa harapan at nagtuturo rito.

Kinuha na ni Sungit ang mga papel sa kamay ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na balat nito. Ang mga daliri nito na dumikit sa kamay ko dahilan para manunmabalik ako sa katinuan.

"Na-nasaan yung mga na-nandito kanina?"
kinusot kusot ko pa ang mga mata ko, pero kami lang talaga ang nandito sa kwarto.

Isinalansan niya ng maayos ang mga papel na hawak nito.

"Natutulog ka kasi kaya pinaalis ko, baka maistorbo ka sa pagtulog," sagot nito at halos mahulog ako sa kinauupuan ko at tila umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Ano daw?!

"Ha? Teka? Seryoso?" Nagtataka kong tanong na sinagot niya ng dalawang pagtango.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. Anong mangyayari bakit. . .bakit niya yun ginawa.

"Ahh nga pala. . .nagtataka parin ako kung saang lupalop ka nang galing? Kupas na yang damit mo eh," sabi nito at bigla niyang sinipa ang inuupuan ko, kaya napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Tayo! May mga uniforms sa room ng Student Council, kumuha ka ro'n. Bilis, ipapasa ko rin itong mga papel."

Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya, nawala narin ang antok ko at pagod sa nangyari kani -kanina lang.

Sa hallway, halos lahat ng nakakasalubong namin ay naglalaho bigla, mga multo na kanina ay nagkalat sa hallway ay mabilis na nagtatago kung saan, kapag nakita nila si Sungit na naglalakad. Gayunpaman may mga mahihinang bulong akong naririnig, mga tawa na napupunta sa hagikhik at halakhak. Napapatakip nalang ako sa tenga ko para hindi sila narinig hanggang sa mauntog nanaman ako sa pader— ay hindi pala pader.

"Ay. . .pasensya na," sabi ko at nag bow. Sakit ng noo ko. Sing tigas ng pader yung likod niya ay mali dibdib niya! Nang mai-angat ko yung mukha ko ay tumabad sa akin yung pouch nito, which is doon yun sa tapat ng dibdib nito.

'Prince Lourde.'

Kulay gold at nakasulat in cursives, ang ganda ng pagka burda ng pangalan nito sa pouch niya. Ang tingkad nito, nagliliwanag ito kung saan naghahari sa paligid black and white na kulay.

Matalim ang tingin nito kung saan na parang may pinagbabantaan sa malayo, nang lingon sana ako ay natigil ako.

"Halika na," malamig na sabi nito, marahan niyang pinagsiklop ang mga palad namin, ang weird! Ilang sandali pa ay kinaladkad niya na naman ako! Pambihira!

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon