BTS 8

75 11 0
                                    

MORIAH RYLE

Sa pagod at sakit ng katawan ko ay unti unti na akong nakakatulog. Nang may isang hindi normal na biglang gumising sa akin sa pagkakatulog. Wala talagang manners ang mga espiritu dito, kaiinis!

"Hoy whomsoever! Gumising ka d'yan!" Dinig kong sabi ng isang lalaki na boses sa gilid ko.

Ahh! baka nananaginip lang ako. Bakit ang tahimik na ulit? Hinayaan ko nalang na makatulog ulit kahit dinig ko parin na nagsasalita sila.

"Gising ba siya?" Seryosong tanong ni Sungit. Talagang may galit sa akin itong bingi na 'to! Malamang! Hindi ako patay tulad nila! Kaasar!

May humawak sa kanang balikat ko at itinihaya ako. Naramdaman ko kaagad yung hapdi at kirot sa buong katawan ko.

"She still, Prince Lourde." sabi ng isang lalaki naman. Akmang hahawakan muli nila ako ng marahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa harapan ko ilan na  mga nakabalot na uko at si sungit na naka tingin sa duguan kong mukha. Pinilit kong bumangon.

"Mawalang galang na, ano po? Hindi pa ba sapat ang pananakit niyo sa akin ha! Magpahinga man lang ay ipagkakait niyo!" Naiinis kong sabi na parang wala sila narinig kasi wala naman sila ka rea-reaksyon sa eksena ko. Bingi din ata.

"Hoy ikaw!" Singhal ko kay sungit. Dahan -dahan ako tumayo ng pigilan ako ni Clark na umiiling, parang sinasabi nito na hindi tama kung ano man ang gagawin ko.

"Do not! Mori, please be calm! Huwag kang padalos dalos sa pananalita mo! He's the Prince—"

"I don't give a d*mn care!" Naiirita na sabi ko at hinarap si Sungit.

"Happy? Ikaw na tong nang agaw ng bahay ko tapos ngayon ipapahuli mo ulit ako?! Langya naman anong klaseng sistema ang pinapatupad mo Prince Sungit!" Ngumisi lang siya ng nakakaloko akala mo hindi ako seryoso. Puputok na ang mga ugat ko sa noo sa inis.

"Ano uulitin ko ba? From the top?!"

"I'm still impressed at you miss whomsoever," walang kwenta nitong sabi sa akin.

"Hoy! May pangalan ako! Sungit!"
May lumapit sa kanya at parang may sinabi kay sungit. Napatingin ako kay Clark na sobrang nag-aalala sa mga mata.

"Hindi ka nag- iingat Mori," malungkot na sabi nito bago ko naramdaman na may itinurok sa bandang leeg ko at bumulagta sa sahig. Hindi ko napansin ang pagkikos nila. Until darkness ate me.

***

Sa sobrang puti ng paligid na akala ko ay nasa langit na ako. Nang maka- adjust ang paningin ko ay nakahiga ako sa isang hospital couch sa may gilid. Mga aparato at mga gamit na usual makikita sa isang clinic. Sa  gilid ko naman ay may white lady na sobrang bagsak ng itim na buhok nito na nasa harapan pa. Agaw pansin kasi siya lang ang may itim na kulay sa buong kwarto na ito. Slendrina is that you?

"Ano ba! Mamatay ako sa atake sa puso sayo eh! Umayos ka nga!" Naiinis kong sabi. Humarap pa siya sa akin na parang robot ang kilos. Kainis, nakakatakot parang sadako.

"Ay pasensya na ate! Nag pa- rebond kasi ako kanina. Actually hindi pa siya tapos kasi pinatawag ako ni Prince Lourde."

Inilapit ko ang kamay ko para hatiin ang buhok nito sa gitna. Ako itong nahihirapan sa kanya, baka wala siyang makita. Nang buksan ko ay ibinalik ko kaagad! Gross! May taga ang mukha niya! Nanginginig yung kamay ko at umatras at napasandal sa pader. Baklang to! Nakalagulat yung mukha niya! Halos makita ko na yung laman sa loob eh.

"Ayos na 'yan! Ganyan ka nalang ha! Basta dahan- dahan ka lang baka mabunggo ka," tumawa pa ako na halata ang takot sa tono ng boses ko.

"Actually namatay ako dahil nabunggo ako kasi naman tumatakbo ako nun dahil hinahabol ako ng itak at —" Awat ko sa pagku-kwento niya.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon