MORIAH RYLE
Hinawakan ko ang kamay ni Sungit at inilipat ang maliit liwanag sa kamay niya. Napapikit ito, dinaramdam ang kung anong dala ng liwanag aa katawan nito. Hanggang sa idilat nito ang berde niyang mata at bahagyang ngumiti. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung sapat na ba ang salitang salamat. Sa kabila ng sakit na naramdaman mo sa akin ay ipinagkatiwala mo pa sa akin ang kapangyarihan ng kwintas mo sa tulad ko."
''Makakaalis tayo dito, pangako." Niyakap ko narin siya pabalik.
Napahiwalay ako kay Prince Lourde. May makapal na usok ang bumalot sa kanya. Napatingin ako sa kamay ko na unti unti na rin nababalutan ng itim na usok. Hanggang sa maramdaman ko ang pagyanig ng semento na inaapakan namin.
"Prince Lourde?! Nasaan ka?! " Sigaw ko pero wala akong makita. Sobrang dilim at nakakahilo na dahil sa pag lindol. Napasinghap ako at naramdaman ko na umangat ako sa kawalan habang may mahigpit na nakasakal sa akin.
"Nasaan ang kwintas!" Galit na sigaw ni Prime sa akin. Halos mabasag ang eardrums ko sa pagsinghal n'ya.
"Nasa iyo na diba!" Sigaw ko rin dahilan para bitawan niya ako. Si Prince Lourde naman ngayon ang hawak niya. Tang-na!
May hawak na manipis na espada si Clark ngayon. Palapit siya sa akin, wala akong ibang nakikita sa mga mata kundi kasamaan. Maling- mali talaga na pagkatiwalaan ko siya, ibig sabihin ako ang dahilan na gustong gusto niyang makuha. Masyado akong nabulag sa mga salita niya.
Ang bagay na gusto nitong makuha ay na sakin, kaya pala. Kaya pala laging nasa tabi ko siya para makuha ang kwintas ko. Sarap gilitan ng leeg nito!
Nabaling ang atensyon ko sa kinakatayuan nila Prime. Matapos gumaling si Prince Lourde pahihirapan niya ulit? Kaasar!
"Ibibigay mo o tutuluyan ko na ito?!" Pagbabanta niya.
"Iyan ang hindi mo dapat gawin!" Seryoso kong sabi. Mabilis kong inatake si Clark at pagkatapos na maitumba ay kinuha ang espada na hawak niya. Iniwan ko siyang mag- isa doon para si Pangit naman ang makaharap ko.
"Pagod na ako sa pagmumukha mo! " Sigaw ko sa kanya.
Handa ko ng ibaon ang espada sa kanya ng mapansin ko na nakatayo ng tahimik si Sungit at naka yuko. May nakapalibot na naman sa kanyang itim na usok. Bwis*t!
Agad nangilid ang mga luha ko sa mata. Kontrolado na naman niya si Prince Lourde. Sa inis ko ay walang sabi kong inatake ito ngunit mabilis din na humarang si Prince Lourde para hindi matamaan si Prime.
"Umalis ka d'yan!" Seryoso kong sabi kay Sungit pero nag pumilit pa itong humarang. Sumingit naman si Prime .
''Isuko mo kung ang kwintas mo! " Galit niyang sabi, hindi ko siya pinakinggan. Kating- kati na akong durugin ang bungo niya.
Sa unang hakbang palang ng paa ko ay may naramdaman akong paghawak sa balikat ko. Nang humarap ako ay nakita ko si Clark na hawak ang kwintas.
"Nawala ang kapangyarihan nito. Anong ginawa mo?! Nasaan ito?!" Nanggagalaiti niyang singhal.
Buhay ka pa! Peste naman! Asar!
"Hindi ko alam." Walang emosyon kong sagot.
"Alam mo, kung hindi naman. Gusto kong ipaalam na sa lahat ng dapat kong kamuhiaan dito ay ikaw!" Kaunti nalang ay murahin ko na siya.
"Alam ko rin iyon. Ikaw lang ang mahina ang utak at hindi mo man lang napansin iyon." Matatawa pa niyang sabi. Bwis*t talaga!
"Talaga bang gustong gusto mong magkaroon ng kapangyarihan ano? So desperate. " Sobrang talim na ng pagtitig ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Behind the shadows [C0MPLETED]
HorrorYou should not try to get close to her and talk to her anymore, either. She can see things that should remain unseen. R18 | Novel (Under Revision)