BTS 13

69 11 0
                                    

MORIAH RYLE

Kasalukuyan akong humihigop ng noodles nang magising si Sungit.

"Aww—sakit," sabi ko. Dahilan para bumalik sa mangkok yung noodles na nasa bibig ko. Bigla kasi siyang nagising at napwersa niya ang ulo niya, feeling nito nalunod siya sa napaka lalim na dagat. Tumingin siya ng napaka sama sa akin. Head bang pa.

"Why?" tanong ko at himas sa leeg ko. Ako yung nasaktan kanina. Bakit kaya siya nag headbang? Ahha! Katawa tong Prince na 'to.

"You crazy!" naiinis nitong sabi pero
humigop lang ako ng sabaw. Inilapit ko sa kanya yung bowl sa harap niya.

"Kain kana."

"As of i can eat?" Iritang sabi nito at tingin ng masama sa akin, parang minumura na niya ako sa isipan niya.

Kumuha nalang ulit ako ng sabaw at inilagay sa bowl ko at humigop ulit. Nagtaasan naman ang balahibo ko sa braso kaya napatingin ako sa tapat ko, kay Prince Lourde na masungit.

"What?" Tanong ko sa kanya, try to calm him down kahit walang epekto dahil sobrang talim ng tingin niya na tila tatagos ito  sa katawan ko.

Naramdaman ko naman na umangat yung inuupuan ko, yung mesa, yung kaldero, yung bowl, baso at kutsara  isama pa ang lahat ng bagay na nandito sa loob ng bahay. What the!

"SUNGIT!" Singhal ko kaya bigla akong napahawak sa upuan ko na nakalutang narin sa ere kasama ko. Ilang segundo lang ay bumalik na ang lahat sa dati.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Mahigpit kong hinawakan yung kutsara para isaksak sana sa ngalangala niya, ka asar!

"Alisin mo tong mga tali, nangangawit na ako," malamig niyang sabi.

"Ayoko nga! Matapos mong—"

"Isa!" sabi niya na naiinis na.

"Ayoko baka hambalusin at gulpihin mo ako."

"Oh? Are you a mimd reader like me, huh? Buti nabasa mo kung ano ang nasa isip ko," sabi niya kaya napanganga ako.

"Bahala ka d'yan," sagot ko.

"Oy!" Tawag niya sa akin

"Ok! Ok promise me huwag mo akong sasakalin, naku lang sinasabi ko sayo!"  at turo ng kutsara sa mukha niya.

"Sige, sige na." bored nitong sabi.

"Parang hindi naman eh! Promise me muna!"

"How childish, Ms. Moriah?"

Parang natapyas ata yung mga tenga ko sa narinig ko. Tama ba ang dinig ko? He really say my name?

"Ano? Did you—"

"Ay bingi? Na bingi ka na talaga. Kanina ko pa sinasabi na alisin mo itong tali," explain niya.

"Teka lang kasi. Binanggit mo yung pangalan. . ."

"Kung ikaw kaya ang alisan ko ng ulo dyan ha?!"

Pinigilan ko lang yung sarili ko na batukan siya sa inis. May araw din to na hindi na siya sisinigan ng buwan. Iniligpit ko nalang yung pinagkainan ko dahil nawalan na ako ng gana, ikaw kaya lumutang sa ere.

Si Prince Lourde naman ay nakatingin sa kamay niya. Napa-sobra yata ang pag tali ko sa mga kamay, kasi bakas dito ang tali sa puting balat nito. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

"Masakit ba? Ganu'n ka ba ka 'weak' Prince Lourde na masungit?" Sabi ko, napa atras naman ako ng tingnan niya ako ng masama.

"Tumahimik ka nga," walang emosyon niyang sabi at humarap sa pagkain na nakahanda kanina pa.

Behind the shadows [C0MPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon