Prologue

123 10 10
  • Dedicated kay Elmer Constancio
                                    

Dear Ezi,

   Hindi ako magaling magpahayag ng mga bagay gamit ang pagsulat, kaya lang isang gabi habang hinihintay kita makauwi galing ng trabaho para batiin ka ng pang 2 years and 1 month anniversary natin ay bigla nalang umandar sa utak ko 'to.

Namimiss na kasi kita kaya naisip kong sulatan ka.

Eternal Love,
Eiz

Hi, ako si Eiz. Positibo naman sa mga pinagdadaanan sa buhay. Two years ago masayahin ako, palangiti, kalog, bibo, makulit.
Kaya lang noon yo'n. Hindi na ngayon.

Alam mo ba yung kantang Tuyo ng Damdamin?  Halos yun kasi ang theme song ng buhay ko matapos akong masaktan two years ago. Kahit na anong pilitin kong maging masaya, matuwa, ngumiti, kiligin e hindi ko magawa. Nakakainis, parang ang manhid ng pakiramdam ko. Siguro kasi natuyo na ang lahat ng luha, pinamanhid na ako ng sakit at pinatatag ng mga problema.

Ngunit kahit gano'n ako, okay naman ang takbo ng buhay ko. Di naman ako naghahanap ng lovelife, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Magmula nang ipangako ko sa sarili kong di na ko iiyak, okay naman na ang pagkatao ko. Yung tungkol naman sa feelings ko? Ewan, wala na kong pakialam basta hinayaan ko nalang na maghilom ang mga sugat sa paglipas ng oras at panahon.

Akala ko nga ganito nalang ako habanng buhay hanggang sa.....

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon