Dear Ezi,
Sayang at hindi tayo nagkasabay pumasok kanina, nakakainis. Sinubukan naman kita hintayin kanina sa 7-11 kaso lang ang tagal mo. Kaya naman nauna na ako. Ilang blocks lang naman ang layo ng school sa bahay pero ikaw kasi, sinanay mo ako. Inaraw-araw mo na ko sabayan, samahan.
Kahit wala tayong contact nagtatagpo tayo tuwing umaga. Ngayon lang sumablay, sorry.. Advance pala kasi yung orasan ko kanina. Tsk, hindi tuloy ikaw ang una kong nakita ngayong araw.
Ganito pala ang pakiramdam kapag hindi na kita makakasama, makikita o makakasabay manlang sa umaga. Pakiramdam ko nalulungkot ako.
Sa araw-araw kasi na nagkakasama tayo, unti-unti nagiging bahagi ka na ng mundo ko. At ang masakit lang nito, kailangan kong makuntento na ang pagiging bahagi mo sa mundo ko'y kailan ma'y hindi magiging kapareho ko sa mundo mo.
Ayos lang kahit hindi kita nakasabay ngayon, may bukas pa naman. Sana....
Eiz
BINABASA MO ANG
Dear Ezi
RomanceHindi ako manunulat o avid fan ng isang writer para mainspire mag sulat at gumawa ng sarili kong istorya. Ginawa ko 'tong "Dear Ezi" bilang pang 3rd Anniversary gift sa taong mahal ko na pinag aalayan ko ng istorya o kung ano man ang tawag dito. ...