Chapter 9: A Piece of Paper

20 4 4
                                    

Eiz's POV

"Ano ba Ezi! Ibalik mo nga yan!" Hay kainis, hindi ko siya abot.

"Tsk. Ayoko. Babasahin ko pa, ano bang nakasulat dito?"

pilit niya pa rin itinataas ang kanang kamay niya habang hawak ang papel na nang galing mula sa wallet ko.

"WALA! Bakit ba kasi, amina kasi!!!"

lumundag ako para abutin ang kamay niya abot ko na, medyo abot ko na sana. Nahawakan ko na yung wrist niya. Kaso inilipat naman niya sa kabila niyang kamay ang papel para hindi ko makuha. Napikon na ko.

"Hay bahala ka na nga!" Nagsungit ako kunwari.

"Okay." Sabay tago ng papel sa bag niya at  niyakap niya ito ng kaliwang braso niya para hindi ko maagaw.

Tsk! Walang epekto ah. Hmmp. Di bale makukuha ko rin 'yon mamaya.

-------

     Bigla siyang naging interesado sa papel na 'yon pano naman kasi ang tanga ko nahalata niya yata ako kanina, si sir kasi!! Exchange booklet with our seatmates daw, e ung tickler ko ginawa kong draft ng diary ko yung likuran, tapos itong makalikot na Ezi na 'to kung bakit ba naman kasi pati last pages ng tickler ko pinakikialaman, samantlang nasa harapan yung i-checheck niya na sagot ko sa quiz namin.

    Tinignan ko siya mula sa kanan ko para i-check kung tama ba ang ..... nanlaki ang mga mata ko, aba't talaga nga namang pakialamerong palaka!

"Huy!"

Inagaw ang thickler ko, at pinunit ko ung pahina na binabasa niya saka isinilid sa wallet ko. Syempre, sayang yung draft no. Hmmp, ililipat ko nalang sa ibang notebook, yung hindi niya makikita.

"Bakit mo kinuha?" angal niya.

"Malamang! Binabasa mo kaya." pagsusungit ko pa.

"E, bakit masama ba basahin?"

di ko siya pinansin at nagcheck nalang ako ng papel niya.

"Sino yung crush na tinutukoy mo sa papel?" dugtong pa niya.

Geez! Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang paghinga nya sa likod ng tenga ko habang nagsasalita, ibig sabihin malapit ang mukha nya sa akin. Tsk, problema ba kasi nito? Napaka tsismoso ata nitong mga nakaraang araw.

"WALA. WALA NGA!!" nang gigigil kong sinabi.

Kulang nalang e mag rawr ako sa kanya, para matakot siya. Tsk. Mabuti nalang at hindi na siya nangulit pa.

------

    After class, kumain muna kami sa malapit na burger shop dito sa school. Kundi ba naman isang dakot ako na tanga, ipinahawak ko ang wallet ko sa kanya pagkatapos kong magbayad ng kinain ko. Patingin daw ng wallet ko, ang nasa isip ko naman titignan niya yung mga picture na nakaipit doon. Sabagay, oo tama naman ako. Kaso maya-maya, nakita ko hawak nanaman niya yung papel na pinilas ko sa thickler ko. ANAK NANG!!!!

"Ano ba Ezi! Ibalik mo nga yan!" Hay kainis, hindi ko siya abot.

"Tsk. Ayoko. Babasahin ko pa, ano bang nakasulat dito?"

pilit niya pa rin itinataas ang kanang kamay niya habang hawak ang papel na nang galing mula sa wallet ko.

"WALA! Bakit ba kasi, amina kasi!!!"

lumundag ako para abutin ang kamay niya abot ko na, medyo abot ko na sana. Nahawakan ko na yung wrist niya. Kaso inilipat naman niya sa kabila niyang kamay ang papel para hindi ko makuha. Napikon na ko.

"Hay bahala ka na nga!" Nagsungit ako kunwari.

"Okay." Sabay tago ng papel sa bag niya at  niyakap niya ito ng kaliwang braso niya para hindi ko maagaw.

Tsk! Walang epekto ah. Hmmp. Di bale makukuha ko rin 'yon mamaya.

     Matapos namin kumain, pumunta muna kami sa bahay ng isa naming kaklase. Para doon gumawa ng project. May internet connection kasi sila at hindi rin naman ganon kalayo ang bahay nila sa school. Pagkarating namin sakto naman na nag c.r si Ezi at inilapag niya yung bag niya, kaya naman kinalkal ko agad yon. Tamang tama hindi pa naman niya nababasa yung nakasulat doon e. Kaso, bakit parang wala dito?

"Anong ginagawa mo sa bag ko?"

Patay, nahuli pala ako. Hmmp. Teka di naman ako mag nanakaw, kukunin ko lang kung ano yung sa akin na kinuha niya.

"Hinahanap yung papel."

Seryoso akong tumingin sa kanya at bumalik ulit sa pagkalkal ng bag niya. Napabungisngis naman ang mokong.

"Hindi mo 'yon makikita dyan." Lumapit siya sa akin.

"E nasaan?" Kinapkapan ko siya.

"O, teka teka. Baka iba makapa mo diyan."  pabiro niyang sinabi.

"Kapal mo talaga, iiiiiibalik mo na kaseeeeeee!!!!" pagmamaktol ko.

"Wala na nga." singhal niya.

"E nasaan nga?" mas sininghalan ko pa siya.

"Tinapon ko." Sagot niya, habang sa iba naman siya nakatitig.

Napabuntong hininga nalang ako. Talo talaga ako sa kapilyuhan nito. Halata namang tinatago nya, nasaan kaya. Kainis naman.

-----

Ezi's POV

     Naglalakad ako ngayon sa highway pauwi sa amin. Napapangiti ako habang naglalakad. E pano, naisahan ko si Eiz. Nasa bulsa lang naman ng bag ko yung papel, buti nalang bulag siya maghanap at hindi niya nakita.

    Binabasa ko ngayon ang mga nakasulat sa piraso ng papel. E, lahat yata ng nakasulat dito tungkol sa akin. Ang gwapo ko talaga. Napapailing ako na natatawa. Natutuwa kasi ako sa binabasa ko. Crush ako ni Eiz? Ang gwapo mo Ezi boy!

     Bukas na bukas ibabalik ko rin 'to kay Eiz, ano kayang magiging reaksyon niya?

Dear EziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon